TE 15

241 55 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

PAGKAHINTONG-PAKAHINTO NG VAN, magkasunod na bumaba sina Sky at Summer. Samantalang si Manong ay ibinaba mula sa sasakyan ang mga gamit ng dalawa pagkatapos ay umalis na ito upang iparada ang service.

        Nakaabang na sa may entrance ng MBR ang lolo ni Summer. Nakaupo ito sa wheelchair habang ang male private nurse nito ay nakatayo sa likuran. Natawa siya nang may pinagawa pa talagang banner ang lolo niya na may nakasulat na, “Welcome again, Ida”. Hawak iyon ng dalawang staff na lalaki.

        Patakbo niyang nilapitan ang matanda.

        “Bienvenida as de nuevo, mi nieta hermosa,” ani ng kanyang lolo. (Welcome again, my beautiful granddaughter.)

        Mabilis niyang niyakap ang matanda. “Lolo Mac, te extraño muchisimo,” maluha-luhang saad niya. Mahigit isang taon din nang huli silang magkita. (I miss you so much.)

        Kumawala sa pagkakayakap ang matanda at saka nito hinaplos ang pisngi ng apo. “Me alegra oir que me eches de menos. Yo tambien te echo de menos,” anito. (I'm glad to hear that you miss me. I miss you too.)

        Si Sky naman ay nakatayo lang doon at pinagmasdan ang mag-lolo na hindi niya maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi. Tanging hello, nice to meet you, at I love you lang ang alam niyang Spanish words. Sa katitingin sa dalawa, napagtanto niyang magkamukha ang mga ito. Dito namana ng dalaga ang abuhin nitong mga mata at pagkamistesa. Sigurado siyang magandang lalaki ito noong kabataan pa lang lalo na't misteso ito. Kahit ngayon nga na medyo kulubot na ang balat at puti na ang mga buhok ay guwapo pa rin ito.

        “Que tipo de ahí nos está mirando. Quién es él?” ani ng matanda habang nakatingin kay Sky. (That guy over there is looking at you. Who is he?)

        Doon lang naalala ni Summer na may kasama pala siya. Nilingon niya ang lalaki at saka kinawayan. “Halika, Sky. Ipapakilala kita kay lolo.”

        Lumapit naman ito at pasimpleng bumulong sa dalaga ng, “Mga alien pala kayo.”

        Natawa naman ang dalaga. Alam niya ang tinutukoy nito, ang lenguwaheng gamit nila ng kanyang lolo. Iyon kasi ang kagustuhan ng abuelo niya para masanay raw sila. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw tumira ng kanyang ina kasama ang lolo niya dahil sumasakit ang ulo nito at dumudugo ang ilong sa pagsasalita ng Spanish.

       Half Spanish ang kanyang Lolo Mac. Sa Spain ito ipinanganak at lumaki. Pero pinili na manirahan sa Pilipinas nang makapag-asawa ng isang probinsyana. Ang lola naman niya ay matagal ng sumakabilang buhay.

        Inilapit niya ang mukha sa may tainga ng lalaki at saka bumulong dito ng, “Huwag mong magbanggit-banggit kung saan ako nagtatrabaho kung ayaw mong itapon kita sa outer space.”

        “Ehem . . . Ehem,” tikhim ng matanda upang agawin ang atensiyon ng dalawa. Baka kasi nakalimutan ng mga ito na naroon siya sa harapan.

        “Ay! Lolo Mac, este es mi amigo. Su nombre es Sky.” (This is my friend. His name is Sky.) Tiningnan niya ang lalaki. “Sky, siya ang Lolo Mac ko,” pagpapakilala niya.

        “Hola, sir. Mucho gusto,” bati ni Sky rito. Nakipagkamay siya sa matanda na agad naman nitong tinanggap. (Hello, sir. Nice to meet you.)

        Hinila ng matanda ang kanyang kamay upang mapalapit siya rito. Binulungan siya nito ng, “I don’t believe that the two of you are just friends. If I'll see my granddaughter crying because of you, I will hunt you down!”

        “Lolo Mac!” saway ni Summer at inilayo ang lalaki rito. Baka kung ano-ano na ang ibinulong nito.

        “Qué? Acabo de decir que un placer conocerte demasiado,” sagot ng matanda sa apo nito. (What? I just said that nice meeting you too.) Tumingin ito kay Sky. “Right, handsome?”

        Natawa naman si Sky. Kahit tinakot siya nito, okay lang dahil sa tinawag siya nitong guwapo. Tiningnan niya ang dalaga. “He's right. Nakakatuwa ang lolo mo. Parang ikaw.”

        Umirap lang si Summer. Alam naman niyang nagsisinungaling ang mga ito. “Let's go inside,” aniya. Tiningnan niya ang nurse ng lolo nito. “Pahinga ka muna. Ako na muna bahala kay lolo. Tatawagan na lang kita.”

        “Sige po, Miss Ida. Welcome back din pala,” nakangiting saad nito. “Alis na ako.”

        “Okay salamat,” sagot niya. Ang dalawang staff naman ang sunod niyang tiningnan. “Paki-assist naman ang kasama ko. May naka-reserve na raw na kuwarto para sa kanya at saka ang mga gamit ko alam n’yo na kung saan dadalhin.”

        “Yes, Miss Ida,” tugon ng dalawa at saka nagmamadaling kinuha ang mga bagahe.

        “Sky, sila na bahala sa mga gamit mo. Sama ka muna sa amin, kakain tayo,” baling niya sa lalaki.

        “Ahm . . . gusto ko sana pero kailangan ko pang puntahan ang kaibigan ko,” pagtanggi nito.

        “Gano’n ba? Sige ingat ka na lang and enjoy your stay.” Binalingan nito ang matanda. “Vámouos, Lolo Mac!” (Let's go.)

        The old man nodded. He looked at Sky, then mouthed, “Remember what I told you.”

        Nakangiting tumango-tango ang lalaki. Nagsimula namang itulak ni Summer ang wheelchair papasok samantalang nanatili pa sa kinatatayuan si Sky. Sinusundan niya ng tingin ang dalaga. Nang mawala na ito sa paningin niya, ang lugar naman ang pinasadahan ng kanyang mga mata. Maganda ang paligid. Nakapalibot ang mga villas sa malaking swimming pool. Sa gitna ng pool ay naroon nakalagay ang mga nakahilerang beach chairs at mga umbrella. Kita rin ang malawak na dagat mula sa kanyang kinatatayuan. Sa may bandang kanan sa likuran ng mga villas ay roon nakatayo ang mahabang two-storey rooms. Mga coconut trees ang halos nakatanim na puno sa paligid ng lugar.

        “Bakit wala kang nasabi sa akin tungkol dito, Santi?” pabulong niyang saad bago pumasok.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon