CHAPTER FIFTY-THREE
LAKAD-TAKBO ANG GINAWA ni Summer. Malapit lang sa Mondarlo Hotel ang park kaya hindi na siya nag-aksaya pa na sumakay o kaya ay magpahatid.
Huminto siya nang makarating sa tapat ng park. Hinihingal siya subalit naroon ang ngiti sa kanyang labi.
Nakangiti siya habang naglalakad papasok. Tumigil lang siya nang nasa harapan na siya ng isang bench—ang eksaktong lugar na kung saan niya noon unang nakita ang isang mataba na batang lalaki, na walang iba kung hindi si Sky.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Dahan-dahang nabura ang ngiti sa kanyang mga labi nang hindi niya makita ang lalaki.
Didn’t he say he’s waiting for me here?
Napagpasyahan niyang maupo na lang muna. Hihintayin niya ang lalaki, baka umalis lang sandali. Pero hindi niya maiwasan ang mabahala. Paano pala kung umalis na ito dahil napagod na kakahintay sa kanya?
Napabuntong-hininga siya at saka napatingin sa sahig. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang pamilyar na pares ng blue shoes.
Nabura ang ngiti niya nang isang paper bag ang sumalubong sa kanyang paningin pagkaangat niya ng tingin. Subalit muli na naman siyang napangiti nang makita ang mukha ng lalaki.
“Sky!” masayang saad niya. Napatayo siya upang yakapin ito.
Nabura na naman ang ngiti niya at nagtatanong ang mga mata nang humakbang paatras ang lalaki. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib niya dahil sa paglayo nito sa kanya.
Nabaling ang tingin niya sa paper bag nang muli iyong ilapit ng lalaki sa kanya. Pahablot niya iyong kinuha at saka tiningnan. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang black lace underwear niya. Agad niya iyong kinuha at saka ibinulsa. Ang paper bag naman ay itinapon niya sa lalaki na nasalo nito.
“What?” nagpipigil na matawa na turan ni Sky. Natatawa siya sa reaksiyon ng dalaga nang makita ang laman ng paper bag.
“Bakit nasa ‘yo ang panty ko?”
Tuluyan nang kumawala ang kanina pa pinipigilan na tawa ng binata. Tumigil din naman siya sa pagtawa pagkalipas ng ilang sandali nang makitang halos hindi na maipinta ang mukha ng dalaga dahil sa sama ng pagkakatingin sa kanya.
Nagsalita si Sky, “Keep that, Sky. I want to leave some evidence. Ipakita mo rin ‘yan sa akin sa susunod para maalala ko ang oras na ‘to. ‘Yan ang sinabi mo sa akin kaya nga ibinalik ko sa ‘yo ang panty mo. Pero kung hindi mo maalala, willing akong ikuwento ang nang—”
“Stop!” pagputol ni Summer sa sasabihin pa sana ni Sky. “‘Wag mo na i-replay. I remember everything.”
Sobrang nakakahiya ang ginawa niyang iyon kaya kung maaari ay ayaw na niyang balikan. Kung puwede nga lang iyon na burahin sa memorya ng binata ay ginawa na niya.
“When I told you to forget about our break-up. I mean it, Summer. I no longer want to be your ex-number five. Sorry kung nasaktan kita dahil sa pakikipaghiwalay ko sa ‘yo. About my Mom, magkahawak-kamay natin siyang haharapin. Sa ngayon, ayaw pa niya sa ‘yo pero magugustuhan ka rin niya. Tiwala lang.”
Nakangiti si Summer pero nanunubig ang kanyang mga mata. Ito na 'yong sandali na hinihintay niya—ang i-clarify ni Sky ang tungkol sa kanilang dalawa.
Tungkol naman sa mama nito, willing siyang gawin ang lahat mapasagot niya lang ito. Confident din siya dahil tutulungan siya ng magkapatid.
Napatingin si Summer sa kaliwang kamay ni Sky na nakalahad sa kanyang harapan. May malawak na ngiti na ipinatong niya ang palad sa kamay nito.
Sumama ang timpla ng mukha niya nang tumawa nang malakas si Sky.
“Why are you laughing?” naiinis na aniya.
“I didn’t asked you to hold my hand,” natatawa pa rin na wika ni Sky.
Binato niya ito ng masamang tingin at saka namaywang.
Tumigil naman si Sky sa pagtawa. Baka tuluyan nang magalit sa kanya ang dalaga.
“I returned your panty. Ibalik mo rin ang underwear ko,” ani Sky at muling inilahad ang palad.
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Summer. Naalala na naman niya ang kahiya-hiyang nagawa niya. Walang paalam na naglakad siya palayo. Nakailang hakbang pa lang nang mabilis siyang hinila ni Sky. Napasubsob tuloy siya sa matigas nitong dibdib.
“A—” Hindi na siya nakapagsalita nang bigla na lang sakupin ni Sky ang kanyang mga labi.
Kahit nagulat siya sa ginawa nito ay nagawa niyang maputol ang paghalik nito sa kanya.
“Ano’ng ginagawa mo? Baka nakalimutan mo kung nasaan tayo?” wika ni Summer habang napapatingin sa paligid. Marami-rami ang taong namamasyal sa park at ang ilan ay nakatingin pa sa kanila.
“Wala akong pakialam,” ani Sky. “Dapat kang parusahan, Summer. Don’t you know how uncomfortable it was to wear pants without underwear?”
Oo nga pala. Sinuot niya ang brief nito pauwi. Wala siyang choice dahil hindi niya mahanap ang kanyang panty.
“Don’t blame me! Ikaw ang may kasalanan dahil tinago mo ang panty ko kaya sinuot ko ‘yong brief mo.”
“You what?” may nakakalokong ngiti sa labi na ani Sky.
Itinulak ito ni Summer palayo. Tila nag-akyatan lahat ng dugo niya sa kanyang pisngi dahil sa sobrang pula niyon. Bakit naman kasi sinabi niya ang totoo? Puwede naman sanang sabihin na itinago niya ang underwear nito.
Muli siyang hinila ni Sky. “And now, because of what you did. Receive your punishment,” anito at muling sinakop ang kanyang labi.

BINABASA MO ANG
The Exes
Lãng mạnMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...