TE 13

238 55 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

TAHIMIK LANG SA LOOB ng sasakyan. Sa labas lang ng bintana ang mga mata ni Summer samantalang si Danrick ay panakaw-nakaw ng tingin sa dalaga.

        Malapit na sila airport nang basagin ng lalaki ang katahimikan. “Ilang araw ka mawawala?”

        “Isang linggo," sagot naman niya na 'di tumitingin sa lalaki.

        “A, gano’n ba. Alam mo hindi kita maintindihan kung bakit ka nagpapakahirap magtrabaho bilang concierge sa BH kung may a—” Hindi nito naituloy ang sasabihin nang biglang lumingon ang dalaga sa kanya na may nanlilisik na mga mata.

        “Huwag mong subukang ituloy ‘yan! At ‘wag mo akong ma-blackmail-blackmail, hindi uubra sa akin 'yan. At isa pa I have my reason and I don't want you to know what is it!” ani Summer at saka muling ibinaling ang tingin sa labas.

        “Ito naman! I'm just wondering and I won't do things like that. Ayaw kitang masaktan.”

        Muli niyang tiningnan ang lalaki. Parang gusto niyang matawa sa sinabi nito. “Nagawa mo na. Nasaktan mo na ako.”

        Hindi agad nakapagsalita ang lalaki. He was guilty. Bumuntong-hininga siya. “I'm sorry. I'm sorry, Sum. Hindi ko ginustong saktan ka.”

        “Shut up, Dan! I'm not in the mood to listen to what you're going to say. And please, drive faster. I want to get out in this car because I feel suffocated.”

        Muling napabuntong-hininga ang lalaki. “Okay,” aanit at saka binilisan ang takbo ng sasakyan.

        Labinlimang minuto lang, nakarating na sila sa airport. Mabilis namang lumabas si Summer pagkahintong-pakahinto pa lang ng sasakyan. Agad din na sumunod ang lalaki upang siya ang maglabas ng gamit ng dalaga.

        “Hanggang dito ka na lang, Dan. Huwag mo na akong samahan sa loob.”

        “Kung ‘yan ang gusto mo . . . okay. Mag-iingat ka, ha? Regards mo na lang ako kay Lolo Mac.”

        Hindi sumagot ang dalaga at kinuha lang ang luggage bag niya mula sa lalaki ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay. Sinamaan niya ito ng tingin nang ayaw nitong bitiwan kahit nagpupumiglas na siya.

        “Mami-miss kita, sweetie.”

        Ayan na naman ang tawag nito sa kanya. Parang gusto na niya itong bugbugin. Napaka-imposible ng lalaking ito. Hindi ba ito napapagod sa ginagawa nito? Ano ba ang dapat niyang gawin upang tantanan na siya nito?

        “Stop calling me that endearment. I'm not your sweetie anymore!”

        Binaliwala lang ng lalaki ang sinabi ng dalaga at nginitian pa niya ito. “Pasok ka na sa loob. Alis na ako,” anito at aka binitiwan ang kamay ni Summer at tumalikod na.

         Ilang hakbang pa lang ang nagawa nito nang muling humarap at tinakbo ang pagitan nilang dalawa ng babae. Mabilis nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at saka pinagdikit ang kanilang mga labi. Pagkatapos niyon ay patakbo na itong bumalik sa sasakyan nito.

        Bago pumasok ay kinawayan pa niya ang ‘di nakahuma na dalaga sabay sabi ng, “Bye, sweetie.”

        Hindi naman nakaimik ang dalaga dahil sa ginawa ng lalaki. Smack kiss lamang iyon pero niyanig yata ang buo niyang sistema. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon. Kahit nakaalis na ang sasakyan ay naroon pa rin ang tingin niya sa pinagparadahan nito. Ang ingay ng mga tao at sasakyan ay hindi na niya naririnig. Napabalik lang siya sa ulirat nang may tumapik sa kanyang braso.

        “Are you okay?”

        Nilingon niya ang nagsalita at bigla siyang napatuwid ng tayo. "S-Sky?"

        “Okay ka lang ba?” tanong nito ulit. Pagbaba niya ng taxi ay nakita nito ang dalaga na nakatayo at tila tulala. Ni hindi nga siya napansin kahit dumaan siya sa harapan nito.

        “Oo, okay lang ako. Saan ang tungo mo?” tanong ni Summer nang makitang may dala itong luggage bag at may nakasukbit na backpack.

        “Sa Siargao. Ikaw?”

        “Talaga?” Namilog ang kanyang mga mata. Bigla siyang na-excite sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang nangyari kanina ay parang bula na biglang nawala sa kanyang isipan. “Doon din ang punta ko.”

        “Really?” Bakas din sa mukha ng lalaki ang galak sa narinig.

        Tumango-tango si Summer.

        “Kung gano’n sabay na tayong mag-check-in.”

        “Sige.”

        Masayang magkasabay na pumasok ang dalawa sa airport samantalang may isang tao sa di-kalayuan na hindi natutuwa habang nakatingin sa kanila.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon