TE 45

224 51 0
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

NAKASALUBONG NI SUMMER ang kanyang kuya pagpasok pa lang niya sa hotel.

        “Mahigit anim na oras kang nasa dagat, mabuti naman at 'di nasunog 'yang balat mo,” saad ni Ian. Tiningnan nito ang T-shirt ni Summer. “Kay Gio ba 'yang suot mo?”

        Inirapan lang ito ni Summer at nagpatuloy na sa paglalakad ngunit agad din na nahinto nang maagaw ang kanyang pansin.

        “Nandito ba si Mama, Bagyo?” aniya habang nakatingin sa isang maleta sa may reception area. Kulay pink iyon at may nakalagay na red ribbon sa may handle.

        “Si, mi hermosa y sexy hermana.” (Yes, my beautiful and sexy sister.) May nakaguhit na plastik na ngiti sa labi ni Ian. Hahayaan na lang muna nito ang kapatid sa katatawag sa kanya ng 'bagyo'. Oh! How he hated his name so much. Bakit iyon pa ang ibinigay na pangalan ng kanilang pinakamamahal na mga magulang.

        “Sumbongero ka talaga, Bagyo!” naiinis na ani Summer na sinamahan pa ng pagpadyak ng paa. “Donde esta?” (Where is she?)

        “In my office. She's having a conversation with someone.”

        “Sino?”

        “Cielo,” sagot ni Ian.

         Tumambol nang malakas ang dibdib ni Summer. Cielo is the Spanish word of sky. Isang linggo niyang hinintay na muli itong makita. Pero ng mga sandaling iyon ay biglang nagsialisan sa kanyang katawan ang lakas niya. Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawa? Ipaglalaban ba siya nito? Tatapusin na ba nito ang kanilang ugnayan? Handa na ba talaga siyang marinig ang magiging desisyon nito? Ilan lang 'yan sa mga katanungan na naglalaro sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon.

        “Gusto mong samahan kita?” tanong ng kuya niya.

        Umiling siya. Kung ano man ang mga sasabihin ni Sky ay gusto niyang siya lang ang makarinig. Tinalikuran na niya ang kapatid at mabibigat ang mga paang tinahak ang opisina ni Ian.

        Wala pa sa tapat ng pinto si Summer ay naririnig na niya ang usapan ng ina at ni Sky. Nakaawang kasi nang kaunti ang pinto. Sumandal siya sa dingding.

        “Alam mo naman pong mahal na mahal ko ang anak n'yo.” Boses ni Sky. “Wala akong pakialam kahit naging ex niya ang tatlo kong kaibigan. Kahit ex din niya ang kuya ko ay wala pa rin akong pakialam.”

        Gustong magsabog ng confetti ni Summer sa naririnig subalit hindi niya magawa. Alam niya sa sarili na may kasunod pa ang sinasabi ng lalaki.

        “Katunayan ay sinabi ko na sa kanila na si Summer ang pinipili ko. Na ipaglalaban ko siya kaya lang . . .”

        Doon na nag-unahang magpatakan ang mga tubig sa mga mata ni Summer. Ang marinig ang salitang ‘kaya lang’ ay sobrang sakit na. Paano pa kaya ang kasunod niyon? 

        “May nangyari bang hindi maganda?” ang tanong ng ina ni Summer.

        “Inatake po si Mama. Nasa hospital pa rin siya hanggang ngayon. Tita, mahal ko si Summer pero hindi ko po kayang baliwain ang mama ko. Kung 'di po dahil sa kanya ay wala po ako sa mundong ito.”

         Naiintindihan ni Summer ang nararamdaman ni Sky. Kahit siya naman siguro ang nasa kalagayan nito ay ganoon din ang gagawin niya. At isa pa, hindi siya magiging masaya nang tunay kung may mangyayaring masama sa magulang nito para lang sa pansariling kaligayahan.

         Nagpatuloy sa pagsasalita si Sky. “Tita, hindi ko alam kung paano haharapin si Summer lalo pa't nalaman ko kung ano ang nangyari sa pagitan nila ng Kuya Tyler ko.”

        Napatuwid ng tayo si Summer. Ang walang hiyang Tyler! Nagawa pang ikuwento kay Sky, sa isip niya.

        “Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanila?” tanong ng ina. “Wala naman kasi siyang nababanggit tungkol diyan.”

        Akmang papasok siya sa loob para pigilan ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili nang marinig ang sinabi ni Sky.

        “Kung hindi po naikuwento ni Summer, wala rin po akong karapatan na sabihin sa inyo,” ani Sky. “Baka ayaw lang niya kayong mabahala noon.”

         Nakahinga nang maluwag si Summer. Ilang taon niya na itinago ang nangyari kaya hindi iyon puwedeng malaman ng ina.

        Napagpasyahan niya na itigil na ang pakikinig. Muli siyang naglakad pabalik sa dalampasigan. Pinili niya ang bahaging malayo sa mga tao.

        Habang nakatingin sa malawak na karagatan, inililipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok.

        Hinayaan niya ang sarili na alalahanin ang nangyari sa nakaraan . . .

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon