TE 23

239 54 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

PAGKAPASOK NI SUMMER sa loob ng kanyang silid ay basta na lang nito inilapag sa sahig ang bag niya at dumiretso sa kubeta para maligo. Pagkatapos niyon ay nagbihis ng damit pantulog. Pinatuyo muna nito ang kanyang buhok. Pinatay na nito ang mga ilaw maliban sa lampshade at nahiga na at natulog.

        Sa kalaliman ng gabi, pakiramdam ni Summer ay hindi siya nag-iisa. Pakiwari niya, may mga matang kanina pa nakatingin sa kanya. Hindi niya muna ibinukas ang kanyang mga mata. Nakiramdam muna siya. Ilang sandali, may naramdaman siyang umupo sa kanyang kama. Parang gusto na niyang bumangon nang hinaplos nito ang kanyang buhok. Bumaba ang kamay nito sa kanyang pisngi na naghatid ng kakaibang pakiramdam. Mga balahibo niya sa katawan ay nagtayuan. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata upang makita kung sino ang pangahas na pumasok sa silid niya.

        Agaran siyang napabangon nang makita na niya ang mukha ng salarin. Makailang ulit din na kumurap para masigurong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin.

        “A-ano’ng ginagawa mo dito, Sky? Paano ka nakapasok?” sunod-sunod niyang tanong pero may ideya na siya kung saan ito dumaan. Nakita niyang bukas ang bintana. Nakalimutan niya palang i-lock. Ang tanong na lang ay kung paano ito nakapasok dahil nasa ikalawang palapag ang kanyang silid.

        Hindi ito sumagot sa kanya. Muli nitong hinaplos ang kanyang pisngi at dahan-dahang lumapit sa dalaga. Naalarma naman si Summer kaya napaatras siya kaya lang lumapat na ang kanyang likod sa headboard ng kama. Sobrang lapit na ng mukha nito kaya naamoy na niya ang hininga nito.

        “Teka lang! Lasing ka, Sky. Wala ka na sa iyong sarili,” saad niya ngunit parang walang narinig ang lalaki dahil patuloy pa rin ito paglapit sa kanya.

        Gustong sumigaw ni Summer at itulak ito ngunit ayaw naman sumunod ng kanyang katawan. Lalo na nang makita niya ang medyo mapula nitong mga mata na tila nagmamakaawa sa kanya. May nasasalamin siya sa mga mata nito ngunit hindi niya alam kung tama ba ang kanyang nababasa. Bumaba ang kanyang paningin sa may katangusan nitong ilong. Nang hindi makuntento ay ang labi naman nito ang kanyang tiningnan. Habang ginagawa niya iyon ay muling bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila sa bahay niya sa Siargao. Biglang kumirot ang kanyang dibdib. Ibinaling na lang niya ang tingin sa ibang direksiyon. Hindi pa yata niya kayang tingnan ito sa mga mata.

        Hinawakan naman ng lalaki ang kanyang chin at ipinaharap dito upang muling magkaharap ang kanilang paningin. “M-mahal kita,” halos pabulong nitong saad sa kanya.

        Pero itong si Summer ay tila nabingi dahil sa lakas ng tibok ng kanyang dibdib sa narinig. Ngunit mabilis din inisantabi iyon sa isipang lasing ito at baka ibang tao ang nakikita nito sa kanya. Muli niyang iniiwas ang kanyang mukha rito ngunit makulit itong si lalaki at ipinaharap na naman siya.

        “M-mahal kita, Summer,” mahina pa rin nitong saad sa kanya at saka tinawid ang gahiblang pagitan ng mga labi nila.

        Napasinghap siya sa ginawang paghalik nito sa kanya. Kahit inaasahan na niyang iyon ang gagawin nito ay nagulat pa rin siya at medyo lumaki ang mga mata. Gustuhin mang makawala sa paghalik nito ay hindi magawa dahil nasa magkabilang pisngi niya ang kamay ng lalaki. Ramdam niya ang malambot nitong labi. Parang kay sarap sa pakiramdam ang paglapat niyon. Nalasahan pa niya ang alak sa halik nito na parang nagpapalasing sa kanya. Ang mga mata niyang tila may sariling isip ay dahan-dahang pumikit. Namalayan na lang niyang tinutugon na pala niya ang halik nito.

        Iniangat ni Summer ang kanyang dalawang kamay patungo sa dibdib ng lalaki. Sa halip na itulak ay idinantay niya ang mga palad para damhin iyon. Nadama niyon ang mabilis na pintig ng puso nito.

        Mas nilaliman naman ng lalaki ang paghalik sa kanya. Parang may hinahanap at gustong pasukin ang kanyang kaibuturan. Kung makahalik ay parang wala nang bukas na naghihintay sa kanila. Napaungol siya nang mahina nang ipasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig. Nag-iinit na ang katawan niya dahil sa kakaibang pakiramdam na pinalalasap ng halik nito sa kanya.

        Para siyang nakaramdam ng pagkabitin nang maghiwalay ang mga labi nila. Kapwa sila naghahabol ng hininga habang magkadikit ang kanilang mga noo. Inidistansiya nang kaunti ng lalaki ang kanilang mukha at saka siya nito tiningnan. Magkahinang ang kanilang mga mata. Parang ayaw nilang humiwalay sa isa't isa. Bumaba ang paningin ng lalaki sa kanyang labi at muli na naman siya nitong hinalikan. Mas mapusok at mas mapaghanap na pakiwari ba ay nakalimutan na nito ang salitang magdahan-dahan.

        Tinutugon naman ng dalaga ang halik nito na may kasamang pusok. Ang kamay ng lalaki ay naglakbay patungo sa kanyang batok at ang isa naman ay sa likod. Mga kamay naman ng dalaga ay dahan-dahang umangat at pinaikot niya ang mga braso sa leeg ng lalaki. Hinapit naman siya ng binata para magdikit ang kanilang katawan. Halos hindi na makadaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Unti-unting bumaba ang labi ng lalaki patungo sa kanyang leeg. He was kissing and licking her neck. Muli siyang hinalikan sa labi matapos ang ilang sandaling paghalik nito sa kanyang leeg. Napaungol na naman siya nang muli nitong ipasok ang mainit nitong dila sa kanyang bibig. Nakawawala ng katinuan ang makapugtong-hininga na halik na kanilang pinagsasaluhan.

        Naramdaman na lang niyang lumapat na ang kanyang likod sa malambot sa kama. Ni hindi na nga niya namalayan kung paano iyon nangyaring nasa ibabaw na nito ang lalaki. Muling bumaba ang labi nito sa kanyang leeg. Nagsisimula na rin na lumikot ang kaliwang kamay nito sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay napapaso ang kanyang balat na nadadaanan ng nag-aapoy nitong palad kahit may damit pa siya.

        Napaangat siya sa kamang kinahihigaan nang dumako ang kamay nito sa kanan niyang dibdib at marahang pinisil. Patuloy naman sa paghalik ang lalaki sa kanyang leeg pababa sa cleavage. Ramdam na rin niya ang galit nitong alaga sa nangangalabit sa bandang puson niya.

        “Sky . . . please,” kapos-hiningang sambit niya.

        Natigil naman sa paghalik ang lalaki ngunit nanatili pa rin ang mukha nito sa kanyang cleavage. Ilang sandali lang ay umangat ang mukha nito at tiningnan siya sa mga mata. Nagtitigan na naman silang dalawa. Nasasalamin niya sa mga mata nito ang pagnanasa.

        “I'm sorry,” saad ng binata at saka umalis sa pagkakapatong sa kanya.

        Wala naman salitang lumabas sa bibig ng dalaga habang nakatingin sa lalaki. Umupo naman ang binata sa gilid ng kama at sa kanya rin nakatuon ang mga mata.

        “Go back to sleep, Summer,” saad ng lalaki, saka lumapit at hinagkan ang noo ng dalaga.

        Napapikit na lang si Summer at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Pakiramdam niya ay simpleng halik lang nito sa kanyang noo ay nagpapahiwatig ng paggalang. Aminado siya sa kanyang sarili na hindi na niya kayang kontrolin ang sitwasyon. Lihim na lang siyang nagpasalamat na ito na mismo ang tumigil.

        “Good night! Dream of me,” bulong ng lalaki sa kanya.

        Para namang nakiliti ang dalaga dahil sa ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga. Naramdaman niyang tumayo na ito sa kama ngunit hindi na inabala ang sariling ibukas ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay nilamon na siya ng antok. Natulog siyang may matamis na ngiti na nakaguhit sa kanyang labi.

        Nagising si Summer sa nakasisilaw na liwanag ng araw na tumatama sa kanyang pisngi. Bumaba siya ng kama habang humihikab at saka nag-unat ng katawan.

        “Ang weird ng napanaginipan ko,” anas niya habang nagkakamot siya ng ulo na humakbang patungo sa banyo ngunit natigil nang mapansin niya ang nakabukas na bintana.

        Sa pagkakaalala niya, sarado iyon kagabi. Ipagsasawalang bahala na lang sana niya iyon ngunit may nakaagaw na naman ng kanyang pansin. Mabilis siyang naglakad palapit sa bintana at dinampot niya iyon. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid upang hanapin ang kapareha ng blue shoe. Nang walang makita ay tumingin siya sa labas ng bintana at nakita niya ang isang hagdanan na nakasandal sa pader.

        Napaisip siya sandali kung sino ang nagmamay-ari niyon hanggang sa napatanong na lang siya sa kanyang sarili. “Sa kanya kaya ‘to? Ibig bang sabihin, hindi panaginip ang nangyari kagabi?”

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon