CHAPTER TWENTY-SEVEN
“ILIKO MO SA KANAN!” utos ni Danrick sa babaeng nagmamaneho.
Tiningnan siya ng babae sa salamin na nakakunot ang noo. “Saan ka pa pupunta? Malapit na ang flight natin.”
“Puwede ba, Winter? Sundin mo na lang ang sinasabi ko!” naiinis na ani Danrick.
Napabuntong-hininga na lang ang babae. Sanay naman siyang palaging pinagtataasan nito ng boses.
“Pagdating sa kanan, diretso mo, pagdating sa ikatlong kanto iliko mo pakaliwa, diretso mo ulit. Kapag may nakita kang kulay ivory na bahay itigil mo sa harap.”
Halos sumakit ang ulo ng babae sa instruction ni Danrick sa kanya. Mabuti na lang at mabilis gumana ang kanyang utak. Pagkahinto sa tapat ng kulay ivory na bahay, agad lumabas si Danrick at dire-diretsong pumasok sa nakabukas na gate.
“Where is he, manang?” tanong niya sa isang matandang babae na naggugupit ng mga dahon ng halaman.
“Magandang umaga, iho. Nasa loob nag-eempake ng mga gamit nila,” sagot naman nito.
Napakunot ang noo ni Danrick sa salitang nila. Ang alam niya, mag-isa lang ang kaibigan sa bahay nito. Mabilis niyang nilakad ang daan palapit sa main door. Ilang hakbang na lang, makararating na siya sa pinto nang bumukas iyon. Nakita niya si Sky na may nakasukbit na backpack at may hila-hilang luggage bag.
“Saan ka pupunta, Sky?”
“Dan! What are you doing here? ‘Di ba dapat nagsi-celebrate ka ngayon kasi nagkabalikan na kayo?” pilit ang ngiting saad ni Sky.
Natawa naman nang malakas si Danrick. Napalingon tuloy ang matanda maging ang babaeng naghihintay sa sasakyan.
“Alam kong ikaw ‘yong nasa itim na sasakyan, Sky. Akala mo hindi kita nakita, ha! Iyan ba ang dahilan kung bakit ka aalis? Akala ko ba mahal mo siya?”
“Hindi iyan ang dahilan kung bakit ako aalis, Dan. Tumawag si Mama kanina. Nagtangka na naman daw magpakamatay si Kuya kaya uuwi ako ngayon sa bahay,” sagot nito.
“Bago ka umalis puwede bang mag-usap tayo sandali? Kahit limang minuto lang. Babalik na kasi ako ngayon sa Canada. Hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik dito,” medyo malungkot ang boses na wika nito.
“Aalis ka? Paano na siya? Iiwan mo na naman siya?” sunod-sunod na tanong nito na may nanlalaking mga mata.
Umiling si Danrick. “Iiwan ko siya pero hindi mag-isa dahil iiwan ko siya sa ‘yo.”
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” nakakunot noong tanong ni Sky rito.
“Ibaba mo muna ‘yang gamit mo at pumasok tayo sa loob,” saad nito at humakbang papasok ngunit pinigilan ito ni Sky.
“I'm in a hurry, Dan. Kung ano man ‘yang gusto mong iparating sabihin mo na."
“Kung ano man ‘yong nakita mo, huwag mo na lang damdamin. Hiling ko ‘yon sa kanya sa huling pagkakataon.” Tumingin ito sa mga mata niya. “Siya lang ang babaeng minahal ko nang lubos, Sky. Pero sinaktan ko siya. Hindi ko na maibabalik kung ano ang mayroon kami noon. Alam mo ba kung bakit?”
Umiling lang si Sky bilang sagot.
“Dahil ‘yon sa ‘yo. Alagaan mo sana siya, Sky. She deserve to be love truly. Mabait siya at weird minsan. Huwag mo na lang pansinin kapag umatake na ang kanyang kabaliwan,” medyo natatawa na nitong saad.
Lihim na lang napangiti si Sky. Alam naman kasi niya ang tinutukoy nito. May mga panahon na puro kalokohan ang pumapasok sa isip nito kagaya noong una silang nagkita.
“Aalis na ako, Sky. Kapag sinaktan mo siya babalik ako dito at ililibing kita nang buhay. Tandaan mo ‘yan!”
Tumawa na lang si Sky sa sinabi ng kaibigan. Sa katunayan hindi naman niya pinoproblema si Danrick. Nangangamba siua kapag dumating ang panahon na maalala na ni Summer ang kanyang best friend na si Santi. Maaalala na nito kung gaano nito at ng kaibigan kamahal Ang isa’t isa. Kapag dumating iyon ay paano na siya? Iiwan na na siya nito at babalik na sa kaibigan niya? Naduduwag siya sa posibilidad na iyon kaya kailangan niya muna na ayusin ang mga bagay-bagay.
“Teka lang, Sky. Sa airport din ba ang punta mo?” tanong ni Danrick. “Sabay ka na lang sa amin.”
“Oo, sa airport pero may kasama ako,” sagot naman ni Sky.
“Sino?” muling tanong ni Danrick.
“‘Yong ex-number one ni Summer,” wika ni Sky.
Idinako nina Sky at Danrick ang kanilang mga mata sa main door at siyang paglabas ng isang lalaki. Naka-polo shirt, khaki short, converse shoes, nakasuot ng shades, at may sukbit din na backpack at hila-hilang luggage bag.
“I'm done, Sky!” saad ng lalaki at naglakad palapit sa kanila.
Dumagundong ang malakas na tawa ni Danrick. “Ex-number one meets ex-number three.”
“Ex-number four ka, Dan,” pagtatama ni Sky sa kaibigan.
“May iba pa siyang ex na hindi ko alam?” magkasabay na bigkas nina Gio at Danrick kaya napatingin ang dalawa sa isa’t isa.
Nang ibalik nila ang tingin kay Sky ay wala na ito sa harapan nila. Naglalakad na ang kaibigan palapit sa nakaparadang sasakyan. Subalit narinig pa nila ang sinabi nito.
“Mayro’n. Ex-number two.”
![](https://img.wattpad.com/cover/236615184-288-k709658.jpg)
BINABASA MO ANG
The Exes
عاطفيةMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...