CHAPTER ELEVEN
ANG KANINANG MASAYANG mukha ay mabilis na naglaho pagkalabas ng hotel nang makita kung sino ang nakatayo sa tapat niyon.
“Ano na naman ba’ng kailangan mo?” naiinis niyang tanong dito.
“Can we talk?” malungkot na tanong nito.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo na wala na tayong dapat pag-usapan pa!” sagot niya rito at tiningnan nang masama ang lalaki. Para na siyang sirang plaka dahil paulit-ulit na lang niyang sinasabi ang parehong linya.
“Please, Sum, give me another chance and stop avoiding me,” pakiusap nito. Looks like he doesn't know when to give up and when to stop.
Summer ranked her fingers through her hair as rough as she can. Paulit -ulit na lang kasi ang ‘give me another chance’ na mga words. Nakakairita sa kanyang pandinig. She looked at him with narrowed eyes and furrowed eyebrows.
If looks could kill, double dead na ito sa kanya.
“Puwede na ba akong umalis? Sinasayang mo ang oras ko at gusto ko nang umuwi,” naiirita niyang saad.
“Sum, please. I know I was a jerk but I—”
“Stop bringing the past again cause you're just wasting your time! Hindi mo na mababago pa kung ano man ang nangyari,” pagputol niya sa sasabihin nito.
“Second chance lang naman ang hinihingi ko, e,” malungkot pa rin na saad nito.
Second chance? Hindi niya alam kung kaya ba niyang ibigay iyon dito. Sobrang sakit ng naidulot ng kasalanan nito noon sa kanya pero kinaya niyang bumangon at binuong muli ang mga nawasak. Natatakot din siya na kung saka-sakaling bigyan niya ito ng isa pang pagkakataon ay muling mangyari ang naganap noon. Niloko siya nito at hindi malabong maulit iyon. She believes that once a cheater, always a cheater. Kahit pa sinabi nitong hindi iyon sinasadya dahil lasing ito at walang maalala sa nangyari, panloloko pa rin iyon. Nagpatukso ito sa isang hipon.
“Stop this nonsense, Dan!”
“Stop? It’s not even possible!”
Nababasa ni Summer na puno ng kalungkutan ang mga mata ng binata.
“I've been in love with you since before at hindi nawala ang pagmamahal ko sa ‘yo. So, tell me, Sum. How can I stop?”
“Nakapag-move on na ako Dan kaya dapat ikaw rin,” saad niya. Tulad nga ng palagi niyang sinasabi, she have completely move on. At hindi siya ampalaya. Ayaw niyang magtanim niyon sa sulok dahil masasayang lang ang kanyang investment.
“Sinubukan ko naman, Sum, e. Sobrang lakas mo kasi makakapit dito sa puso ko,” turan nito at tinuro ang kaliwang dibdib.
Napabuntong-hininga si Summer. “Subukan mong lumapit kay Manong Google o ‘di kaya kay Manang Wiki and ask them what’s the meaning of the word moving on dahil alam kong matutulungan ka nila. Sa kanila ako palaging lumalapit kapag may mga words akong hindi naiintindihan. Bye,” aniya sabay talikod at nagsimulang humakbang palayo.
Para sa kanya, walang mangyayari sa usapan nila. Nagsasayang lang siya ng laway rito. She loved him. Yes loved! Past tense. Kasi tapos na—matagal nang tapos. Kaya naiinis siya sa pangungulit na naman nito sa kanya. Disagree siya sa quote na “There is no such word as 'loved.' Love has no past tense. If you ever stop loving someone then you never truly love them in the first place.” kasi minahal niya ang binata at dahil sa nangyari sa nakaraan ay nasaktan siya kaya piniling kalimutan ito.
She knew him. Hindi ito titigil hanggang ‘di nito nakukuha ang isang bagay na gusto. Parang nais na tuloy niyang mangamba.
As a boyfriend, wala siyang maipintas dito dahil sa mabait, maalaga, at malambing si Danrick. Palagi itong may panahon sa kanya kahit na busy minsan. Kaya nga sila nagtagal at umabot ng dalawang taon. Kung hindi lang sana sa nasaksihan niya noon na siyang dahilan ng pagkawasak ng kanyang puso, malamang hanggang ngayon ay masaya pa rin silang dalawa.
Nakailang hakbang pa lang siya nang marinig niyang tinatawag ng binata ang kanyang pangalan. Hindi na lang niya iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. She was about to call a taxi when Danrick grabbed her arm and yanked her around.
“Ito ang tandaan mo, Sum. Mahal na mahal pa rin kita. Kung kailangan kong ipagdikdikan ang sarili ko sa ‘yo ay gagawin ko at kahit ilang beses mo pa akong ipagtulakan papalayo sa ‘yo ay lalapit at lalapit pa rin ako . . . hanggang bumalik ka sa piling ko,” saad nito, saka siya iniwang napanganga.
IN THE MANAGING DIRECTOR’S OFFICE.
“Sky, naman! Bakit ngayon ka lang nagpapaalam? Alam mo namang kailangan ka rito.”
“Pasensiya na, Rex. Kanina ko lang naalala na this week na pala ang kasal ni Franco. Limang araw lang naman akong mawawala at saka nandiyan naman si Chef Marco.”
Siya ang ginawang best man ng isang kaibigan niya from Venice. Isang Italian-American na na-in love sa isang probinsiyana nang magbakasyon ito sa isang isla sa Pinas. Dahil sa pagiging abala, nakalimutan nito panandalian ang tungkol sa invitation. Mabuti na lang at tinawagan siya ni Franco para i-remind ang tungkol doon.
“‘Di ba puwedeng dalawang araw lang?”
“Rex, naman! Simula bumalik ako dito sa Pinas, hindi pa ako nakakapagbakasyon.”
“Sige na nga! Kung ‘di lang kita best friend. Pero teka nga! Saan ba gaganapin ang kasal na ‘yan?”
“Sa Siargao. Sige, Rex, alis na ako. Kailangan ko pang mag-impake,” anito at nagmamadaling lumabas ng opisina.
“Siargao . . .” ani Rex habang inihahaplos-haplos sa baba ang isang kamay. Iniisip kung saan nito narinig ang lugar na ‘yon. Pagkalipas ng ilang sandali, napangisi ito nang maalala.
“Magkikita ang dalawang ‘yon doon kung magiging mabait si tadhana.”

BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...