MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *54*

34 4 2
                                    

Kevin's POV ]

"Uy Kevin, ang tahimik mo! Okay ka lang?" Napatingin ako kay Zoe at ngumiti.
"Masama pakiramdam ko.Kumain ako ng siopao kagabi eh."

"Ah..so natatae ka?"

Napatingin 'yung mga tao sa jeep sa'kin. Papunta kami sa mall ngayon. Niyaya ako ni Zoe sa NBS para bumili ng mga pang scrap book. Ewan ko para saan.

"Hindi ako natatae."

"Eh bakit naaamoy ko?" Tumawa siya.Lalong nagtinginan sa'kin ang mga tao. Nailang tuloy ako lalo!

"Tigilan mo nga ako! Mas mabango pa tae ko sa'yo!"

Tinawanan siya ng mga tao. Galit siyang tumingin sa'kin at inisnab ako.

"Magiging isa kang malaking tae tandaan mo 'yan! Bleh!"

Natawa ako sakanya. Pumara siya at bumaba kami.

"Uyy sorry na!"

"Pinahiya mo ko Kevin kanina! Napakasama mo!"

"hahaha! Eh ikaw una nangasar eh! Sorry na uyyy!"

"Che! H'wag mo ko susundan!" Nauna siyang maglakad sa'kin. Hahaha ang cute niya talaga magtampo!

Nakarating kami sa NBS.Sa labas lang ako ng NBS tutal wala naman akong bibilhin at sabi nga daw niya..'wag ko daw siyang sundan! hahaha!

"Pakawalan mo na kasi. Hindi naman sa'yo yan e.Sa tingin mo sasaya siya sa piling mo?"

Napalingon ako sa nagsasalita sa gilid ko.

"Madali lang sa'yo sabihin 'tol!"

"Sinasabi ko

lang. Bahala ka. Ako kasi kahit masakit pinakawalan ko. Kasi alam kong hindi niya ako mamahalin eh. Hanggang kaibigan lang tingin niya sa'kin, kahit hindi niya sabihin."

Tahimik na nakayuko 'yung lalaki. "Alam mo, mahirap talaga pakawalan ang isang bagay. pero mas mahirap kung hindi mo siya pakawalan. Parehas kayo masasaktan."

"Hoy drama niyo! Tara na kfc nalang daw kumain!"

Umalis silang tatlo. Naiwan akong tahimik dun. Ako ba 'yung kausap ng lalaki? Bakit parang sa'kin pinatatamaan?

"Kevin!!" Napalingon ako sa taong sumigaw sa harap ko.  "Ikaw ba bangag ka? Bakit ka umiiyak?"

Umiiyak ako? Hinawakan ko ang pisngi ko. Oo nga 'no. Hindi ko na naramdaman. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko alam na nilalabas ko na pala lahat ng sakit sa puso ko.

"Huy Kevin! Halika na! Napuwing ka ba? Alam mo buti na lang at konti lang tao ngayon dito sa NBS kung hindi baka maraming nakakakitang mga tao sa'yo at hindi ka napagkamalang ba—"

Niyakap ko si Zoe. Napatigil siya.

"K-Kee—"

Umiyak ako habang yakap yakap siya. Ayoko siya igive-up pero sa tingin ko ito na 'yung tama.

Hindi pwedeng ayoko...

hindi pwedeng akin lang siya...

hindi ko siya pwedeng angkinin at pagbawalan..

kasi kahit kelan naman hindi siya magiging sakin.

Inalis ko ang pagkakayakap kay Zoe. Basang basa ang mga mata ko ng tubig na nanggaling sa sirang puso ko.

"Anong nangyari? B-bakit? Nagaalala ako sa'yo!"

Ngumiti ako. "Wala! hahaha! Galing kong umacting 'no? Napaniwala kita!! hahaha! Halika na! Wala lang ako matrip."

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon