MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *26*

237 7 0
                                    

   Ito na. Ito na ang araw ng play. Ito na talaga. Half ng grade andito. Exemptions andito. Mga bisita andito. Kailangan hindi mapahiya!

*Breathe in... Breathe out*

   Nagpray muna kami bago magumpisa. Sympre thankful kami dahil natapos namin to ng walang napamahamak ( maliban sakin)..

"Handa na ba kayo!?" Nagsalita na ang masters of the ceremony. Kinakabahan na kami lahat. Lahat sila natataranta maliban kay Brian. Dapat nga siya di mapakali dahil first time niyang aacting!

"GUYS KALMA!" Sumigaw ako at huminto naman sila. "Pumunta na kayo sakanya kanyang pwesto niyo. Galingan natin guys~ We deserve the exemptions!! "

Nagpalakpakan na at pumunta na sila sa kanya kanyang pwesto. Tumayo na si Brian.

"Brian!"

"HUH?" Lumingon siya pagkatawag ko.

Lumapit ako sakanya at inayos yung parang sash niya. " Ayusin mo, walang prinsipe ang burara"

*gulp* Narinig ko lang ang paglunok niya at nakatingin siya sa malayo. Hinawakan ko siya sa pisngi... "GALINGAN MO." 

"Di--di -di moko kailangan sabihan!" Tsaka siya naglakad patalikod,namula yung tenga niya,, nagsungit nanaman ang loko! Lumakad na ko papunta sa harapan sana , kaso nakita ko si Tyra ( yung makakatuluyan ni Brian dito) na nakaupo at nakahawak sa tiyan niya..

"Tyra tayo na ang susunod. Okay kalang ba?"

"Hindi ko alam Zoe. Ansakit ng tiyan ko, aaaaww. Pero -pero kaya ko." Inabutan ko siya ng tissue dahil pawis na pawis na siya at pinasuot na sakanya yung robe na may hood na magtatakip sa mukha ng babae. "Kaya mo yan" Tinapik ko siya sa balikat..

"The theatre group presents "True love" " Narinig ko na ang palakpakan, hudyat na binuksan na ang kurtina ,nagumpisa na ko sumenyas senyas. Kung kailan eeffects, kung kailan lalagyan ng kanta ,kung kailan papasok yung mga tauhan.. Maayos umacting si Brian ngayon kumpara sa practices, pwede na! Kada papasok siya pinapalakpakan siya, naghihiyawan. Nakatingin lahat sakanya kahit si Tyra yung nagsasalita.. Lakas ng epekto nitong taong to!

"Hulihin niyo! Hulihin niyo ang babaeng walang modong pumasok sa ating kaharian!" Narinig kong sigaw ni Andy (hari) 

 "Saglit .. Hindi ka pwede umalis! Hindi ko pa natatanong pangala--- binibini!!" Sigaw naman ni Brian.

"ZOEEE!!" Napatingin ako sa may gilid ng stage.. May mahina kasing sumigaw ng pangalan ko...

Sino pa ba?

"Ang ganda ng play! The best kang director!" Nakathumbs up pa si Kevin at super smile.

"SSSSH!" Sumenyas ako ng wag masiyadong maingay baka madistract pa tong actors na to!

Umacting na si Brian ng magisa at nagsara ang unang kurtina.. Next na ang scene ni Tyra at ng mama niya. Dito hindi pa din makikita ang mukha ni Tyra, sa bandang dulo pa para surprise!

At.. sumara ang kurtina.. Next ang scene ulit ng hari at ni Brian.. Nakakaiyak! napakasuccessful nitong play namin kahit onting time lang ang binigay! T_T

"Okay next scene na.. Be ready! Malapit na yan matapos, umexit na si Brian. Scene na ng hari!!"

Walang lumapit sa likod ko. O.o

"Tyra! Ikaw na! Suotin mo na tong robe!" Hawak hawak ko yung robe at inaabot ko sa likod pero walang kumukuha. 

"tyra? ASAN SI TYRA!!" Naguumpisa na ako mataranta.

Nakita kong tumtakbo yung teacher namin palapit saamin. " Zoe, maiiba yung kwento.. Si Tyra i LBM!" 

Sa pinagmalas malas nga naman! Hindi pa niya pinigilan! Matatapos naman na tong play eh! Anak ng tokwabels o! " HA? PANO YAAAN!!" Hindi na ko mapalagay. Kung bakit kasi ngayon pa nagdeposit eh!

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon