HMJ's note:
Sorry kung umiigsi ng umiigsi ang update ko ah hahaha! Ganyan talaga kapag malapit na magtapos. Let's say, mga 3 or 4 chapters to go pa!!
(NP: For all of my life by MYMP)
[ ZOE'S POV ]
'Pagkatapos ng outing namin akala ko okay na ang lahat.Nakahanap na kasi ng trabaho ulit si papa eh.Akala ko wala na ako gaanong po-problemahin at palaging masaya kahit alam ko ayaw pa din sa'kin ng mama ni Brian.
Pero akala ko lang pala iyon. Naguumpisa pa lang pala ang dagok na darating sa buhay ko.
"PUPUNTA KANG AMERIKA?" Halos mabingi ako sa sinabi ni Brian.
Siya pupunta ng america for one month? In short, buong sembreak siyang wala?
Nandito kami sa room na dalawa. Nasa labas kasi ang iba dahil may seminar, s'ympre nagtago kami sa C.R para hindi makasama at hindi mahalatang hindi sumama sa multi-purpose hall.
Sabi din kasi ni Brian na may kailangan kami pag-usapan. Hindi na kasi siya makatawag at makapagtext dahil nga sobrang busy na daw niya. Sinasadya daw talaga ng mama niya.
Pero hindi ko alam na ganito pala ang paguusapan namin. Ang pag-alis niya.
Hayss. Kung alam ko lang edi sana nagseminar na lang pala ako.
"Sorry." mahina niyang bulong. Nakaupo siya sa desk ng isang upuan at ako naman sa ibang upuan. Nakaharap siya sa'kin pero nakatungo.
"Pero bakit ka aalis? Akala ko ba hindi mo ko iiwan?"
"Babalik ako."
"Eh paano kapag hindi?"
"Promise, babalik ako."
Naluluha ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Eh paano nga kapag hindi ka na bumalik? Paano ako?.." Pinunasan ko agad ang luhang pumatak sa mata ko, "Paano tayo?"
"Babalik ako, Zoe. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko!"
"Kung hindi mo kaya, 'wag ka nang umalis." Pagmamakaawa ko sakanya. Ayokong umalis si Brian. Madaming pwedeng mangyari sa one and a half months!
"Hindi pwede."
"BAKIT HINDI PWEDE?"
"Just trust me."
May tiwala ako sa'yo, pero sa tadhana WALA.
"H'wag ka nang umiyak oh, mage-email ako o kaya magtetext once a day para lang hindi tayo mawalan ng communications sa isa't isa."
"Brian.. hindi ko kaya na iwan mo ko ng ganun katagal. Madaming pwedeng mangyari."
Pwede kang mawala.
"Walang mangyayari. Trust me. Wala ka bang tiwala sa gwapo mong boyfriend?"
Umalis na nga siya sa bahay pati ba naman dito aalis siya?
Nakakainis! Bakit! Bakit parang lumalayo siya ng lumalayo!
Niyakap niya ako ng mahigpit at saka ako umiyak. One week from now, aalis na siya. Siguro kung hindi ko siya kayang pigilan, ieenjoy ko na lang ang one week na 'to kasama siya.
Hindi ko man lang siya makakasama sa birthday ko. Hays.
--
Nakaupo ako sa may swing dito sa playground. Wala lang, feel ko lang dumaan dito. Hindi na rin kasi ako nakakapunta rito simula nang maging kami ni Brian.
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^