MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *38*

125 3 0
                                    

HMJ'S NOTE:

SORRY! SORRY! SORRY!

ALAM NIYO NA BAKIT? HAHA! EH KASI NAMAN EH, BUSY TALAGA AKO THESE DAYS, TULOY TULOY ANG MGA REPORTING AT EXAMS EH.

SANA MAINTINDIHAN NIYO.:(

HUWAG NIYO MUNA ITO IREMOVE SA LIBRARY! ON GOING PA ITO, AT TAKE NOTE.. MAGIGING MORE COMPLICATED NA DAHIL 7-10 CHAPTERS NA LANG ITECH!

so ENJOY AND MAGPAKASENTI MODE MUNA HEHE.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

OPM MUNA TAYO.

NP: MY LOVE IS HERE BY ERIK SANTOS

  PAANO NA ANG PUSO KO BY BUGOY DRILON

"Kevin?" Parang huminto ang mundo naming tatlo nang magtama ang tingin namin sa isa't isa. Iniangat na ako ni Brian. "A-anong ginagawa mo dito?"

Binaba niya ang tingin niya at pinagmasdan ang mga suot namin, kumunot ang noo niya, isinarado ang mga kamao at tumingin sa mukha ni Brian. 

Nang mapagtanto ko kung ano ang naiisip niya sa suot namin agad akong nagsalita,"Kevin, mali ang iniisip mo!" Pero hindi niya ko pinansin at lumapit saamin ni Brian. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa ko kahit dapat wala naman talaga.

"Let's tal--" Hindi man lang niya pinatapos si Brian magsalita at agad na sumingit.

"SHUT THE F**K UP BRIAN! WHAT THE HELL IS THIS? A-ANONG GINAGAWA NIYO?"

"Kevin, mali ang iniisip--"

Hindi rin niya ko pinatapos. Lumipat ang tingin niya saakin, binagsak niya ang cake na hawak niya, kumalat ang cake sa sahig. Humawak siya sa buhok niya at saka brinush up ito at mahinahon pero nanginginig na nagsalita, "Kaya ba ayaw mo ko papuntahin dito? dahil sakanya, ha? Zoe? Ayaw mong malaman na dito siya nakatira, ganu'n? O baka ayaw mo malaman ng iba na nagli-live in kayo?!"

"K-kevin hindi ganu--"

"EH ANO?!" Tumaas ang boses niya pero andu'n pa din ang panginginig, "Zoe, heto na oh,kitang kita ko na! Bakit ba tinatanggi mo pa ang obvious?" Inihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya, "Ang tagal mo na akong niloloko, bakit? Bakit Zoe?!"

Hindi ko alam pero hindi ko kayang idefend ang sarili ko. Napaluha nalang ako. Gusto ko siyang yakapin at magsorry. Tama si Kevin, niloloko ko siya. Ang sama ko. Hindi ko siya agad diniretso. Naglilihim ako, natakot lang kasi ako Kevin. Ayoko kasi na mawala ka din saakin, importante ka din kasi.

"At ikaw Brian," Tumingin siya kay Brian na noon ay nakatitig lang sakanya. "Ang kapal din naman ng mukha mo eh 'no? Akala ko ba walang talo-talo? Alam mo naman matagal na 'diba? Alam mo na kaya ako lumipat ng school ay dahil kay Zoe! " Huminto siya at pinunasan ang luha niya, "Pumayag ako na sabihin kay tita na dito ka nalang magaral, dahil gusto mo nga maranasan ang normal na buhay."

"Kevin--"

"Bri, nagkausap naman tayo 'diba? 'diba sabi ko kunin mo na ang lahat ng gusto mo, pero 'wag lang si Zoe? Ano ba?! WALA KA BANG ISANG SALITA? I didn't even tell tita kung ano-anong pinagagawa mo dito, just to make you stay here. TAPOS ETO IPAPALIT MO SAAKIN?"

Naguguluhan ako. TITA? SINONG TITA?

"T-tita?"

Tumingin saakin sI Kevin at nagsalita, "Bakit hindi pa ba sinasabi sa'yo nang MAGALING KONG PINSAN," Tumingin siya saglit kay Brian, "Na her mom and my mom are sisters?!"

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon