"P-pero sabi mo saakin like palang? Tapos manliligaw ka na? Pinagtitripa----" Napatigil ako sa pagsasalita nang takpan niya ng hintuturo niya yung mga labi ko.
"Ang ingay mo." Malumanay niyang sabi. Eh kasi naman e! Kinikilig ako este nalilito ako!! Akala ko ba starting palang tapos after 2 days na walang pansinan biglang ganito na?
"I don't know, bigla nalang ganito e, habang tumatagal lalo ko nahuhulog sa'yo. Makulit ka kasi! Ayan tuloy, panagutan mo tong nararamdaman ko! Kapag iniwasan naman kita, namimiss kita. Kainis!"
"At kasalanan ko pa?" Nakakainis to! Sinisisi pa ako! Pero namimiss niya talaga ko? Ano ba yan! hihi kinikilig ako!!
"Hindi kita minamadali. Hayaan mo lang ako."
"Basta ayoko, yung mga katulad mo nanloloko lang ng mga babae 'no! Sa una mamahalin tapos sa dulo kami pa din ang iiwan at masasaktan!" Ilang beses na ako nakakakita ng ganun, at kawawa naman kaming mga babae. Alam ko naman na hindi siya seryoso sakin. Siya na walang araw na hindi naiinis saakin? Imposible talaga!
"Edi wag.." Aba! aba! Kakainis talaga 'to, sa lahat ng taong nanliligaw ito yung may mataas na pride! Hindi ba niya ko pwedeng lambingin at pilitin na pumayag akong magpaligaw sakanya?
I mean oo crush ko siya and I like being with him kahit lagi kami nagaaway, kaya nga kahit minsan gusto ko naman makakita ng paglalambing niya sa isang babae!
Tumayo siya at nagstretch. " Let's go baby, inaantok na ako." Iniabot niya yung kamay niya saakin para tulungan ako makatayo. Umupo kasi kami para makapagrelax kahit papaano.
"Ang kulit mo, ayoko nga magpaligaw tapos baby baby ka pa jan!" Inakbayan niya ako at tumatawa siya. Pinagtitripan niya ko! Inalis ko yung pagkakaakbay niya at tumingin ng masama. Ang hilig niya mantrip! Bakit ba ako nagpapaloko dito! Binilisan ko yung paglalakad at nahuhuli siya.
"Hey wait!" Lumingon ako sa likod ng masama ang tingin. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa kotse niya. Gusto ko na matulog, binibwisit lang ako ng taong 'to eh!
Pero bumagal ang lakad ko nang habulin niya ako at hinawakan yung kamay ko. Napalunok nalang ako habang siya nakangiti habang sa malayo nakatingin. Bumagal ang paglalakad namin habang hawak ang isa't isa. This night was I think one of my best night so far.
***
Pagpasok ko sa school, ang daming nakapalibot sa inuupuan ko. Hindi ko naman alam kung bakit.
"Anong meron? Excuse me, excuse meee" Nakikidaan ako kasi gusto ko makita kung anong pinagkakaguluhan nila, siguro napagtripan ako at may unang nabiktima before saakin.
pero hindi...
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Novela Juvenil"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^