Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, ang alam ko lang gusto kong makaalis sa play ground na iyon. Sino ba naman kasing hindi mapapraning kapag nalaman mo na si Kevin at yung bata na iyon ay IISA? aish! Ano ba kasing gagawin ko eh! Pinaghahampas ko iyong ulo ko gamit ang dalawang kamay ko ng magkasabay. "Kung bakit ako nagiisip! Bakit ko ba hindi nahalata na si Kevin iyon?" Napatigil ako at kumunot ang noo ko. " Teka nga,Eh paano ko maiisip? Ni hindi nga siya nagpakita ng motibo?" Napatigil ako at sinapok ko ang sarili ko. "Eh kung hindi ka ba naman shunga, Zoe! Kaya ka nga niya lagi dinadala sa playground dahil para mapansin mo!" Hindi eh!."Aish! Ano naman kasi paki ko? Akala ko mahilig lang siya sa playground! Malay mo childish iyon, o kaya may sayad sa utak o Kulang sa buwan!"tapos sumagot ulit ang sarili ko. "Ang sabihin mo tanga ka lang! Pasalamat ka nga, umamin na siya eh!Yan naman gusto mo diba? Yung makita ang batang matagal mo ng hinahanap, tapos ngayong nasa harap mo na, nagiinarte ka!"
Kumunot ulit ang noo ko. Sasagot sana ko pero wait nga, Kaaway ko ba ang sarili ko? ARRGH! Mababaliw na talaga ako dito! Hindi naman ako galit kay Kevin kaya ako umalis, sadyang nagulat lang talaga ako lalo pa't umamin siya na mahal niya ko, hanggang ngayon. Bakit ba ang daming umaamin saakin? "Zoe, relax! Magkaka-wrinkles ka sa ginagawa mo! Inhaaaaalleeee.... Ex--------"
"DONT TOUCH ME!" Napahinto ako sa pagrerelax nang may narinig akong sigaw sa di kalayuan. Sinundan ko kung saan nanggaling yung boses na iyon. Gabi na ah?
Teka gabi na? Hala! May pasok pa bukas! Hindi ko nalang sana papansinin iyong sumigaw nang mapadaan ako sa isang eskinita. Nakita kong pinapaligiran ng 3 lasing ang isang babaeng nakaboots at may kulot na buhok.
"Miss sabi ko naman sa iyo eh, mabait kami. Hindi ka namin sasaktan!"
"Oh eh anong gagawin niyo saakin?" Walang bahid ng takot niyang sabi. Nakapamewang lang siya habang nakatingin sa nakaharap sakanyang lasing.
"Maglalaro lang tayo!" Nagtawanan ang lahat, habang siya nakaseryoso ang mukha at nakapamewang pa din. Nakatalikod siya saakin, hindi ko kilala kung sino siya.
Anong gagawin ko? Tutulungan ko ba? Teka, hindi naman ako si Darna o kaya si Black Widow para mag ala superhero mode dito 'no!
Hinawakan siya ng lasing sa gilid niya. " I said don't touch me! Hindi ba kayo maka intindi ng english? How poor! ANG. SABI. KO. WAG. NIYO. KO. HAHAWAKAN.!"
"Masiyado kang matapang! hahahaha!" Sabay sabay nilang hinawakan ang babaeng walang kalaban laban. Okay, hindi ko siya pwedeng hayaan ng ganito lang. Isip, Zoe isip!
Ah! Alam ko na!
Tinakpan ko ng scarf yung kalahati ng mukha ko. Bale, mata lang ang nakikita saakin. Mahirap na, baka mamukhaan pa! Nilingon ko ang paligid kung mkakakahanap ba ako ng bagay puwede kong maging armas.Nakakita ako na parang kahoy na malaki sa gilid, saktong sakto! whoo!
Sumandal ako sa pader at sumilip sa may eskinita.
"Bibilang ako ng tatlo! Isa!" Sigaw nu'ng babae.
Sumandal ulit ako sa pader. "Fight, Zoe! You can do this! Bahala na!" Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko.
"2! Bitaw o kung ayaw niya magsisi na nabuhay pa kay----" Narinig kong napatigil siya sa pagsasalita nang bigla akong umatake at hinampas iyong tatlo sa likod.
"YAAAA! Bitiwan niyo siya! umm! umm! umm!"
Binitiwan ko iyong hawak kong kahoy.Tinanggal ko iyong scarf sa mukha ko at Tintingnan ko sila habang namimilipit iyong likod nila sa sakit at sabay hinila iyong babaeng nakaboots. "halika na, bilis! Gusto ko pa mabuhay!" Sabi ko sakanya.

BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^