MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *56*

64 2 0
                                    

[ ZOE'S POV ]

Tunog ng ambulansya lang ang tanging naririnig ko. Kinakabahan ako. Hindi ordinaryong kaba.

Wala pang sampung minuto ay nasa ospital na kami.

Hiniga siya sa stretcher at dali-daling tinakbo sa emergency room. Hawak hawak ko ang kamay niya habang nakahiga siya.

Nakatingin siya sa'kin habang ako umiiyak na tinitingnan siya habang tumtakbo.

Sa pagbitaw ng kamay ko sa kamay niya, ay bigla din siyang nawalan ng malay.....

"Bawal po pumasok, maghintay na lang po tayo sa labas." Sabi ng nurse sa'kin. Pinasok na siya sa emergency room.

Hinawakan ako ni Kevin sa braso para pigilan ako sa pagpasok.

Tumingin ako kay Kevin, "Mabubuhay naman siya 'diba?" Tanong ko sakanya. "Kevin,'diba?"

At saka ako umiyak lalo. Sinandal ako ni Kevin sa dibdib niya at hinimas himas ang likod ko.

"Don't worry, everything's gonna be all right."

Sana Kevin..sana.

---

Isang oras na ang nakakalipas. Wala pa ring lumalabas na doctor sa emergency room.

Nakaupo kaming lahat. Tahimik.

Diyos ko, 'wag niyo po pababayaan si Brian... hindi ko kaya kung mawawala siya..

Napatingin kami nang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doctor. Tumayo agad ako, "Doc, ano? okay na ba siya??"

"Sa ngayon, oo. Buti at nadala niyo siya agad dito kasi naging matindi ang bleeding na natamo ng patient but now its okay. 'Yung ligaw na bala naman na tumama sakanya ay hindi tumama sa mga important parts of his body but muntik na.." Sabi ng doktor.

Nakahinga ako ng maluwag. LORD THANK YOU! THANK YOU SO MUCH! Buti at walang natamaang important parts sa body ni Brian!!

"But the bad news is," Napatingin ako sa doktor, "I don't know kung kailan siya magigising." Huminto nanaman ang paligid ko.

"P-paanong hindi niyo alam kung kailan?" Takang tanong kong sabi. Hindi ba doktor siya? Bakit hindi niya alam! AKALA KO BA OKAY NA SI BRIAN?

"'Yung paggising niya depende na 'yun sakanya. We can't control the mind and heart of one patient. Kahit gawin namin ang lahat, kung mismong yung pasyente na 'yung ayaw na mabuhay, wala na kami magagawa. We are just savers but we can't manipulate people." Tumigil siya, "Don't worry, that boy is going to be fine. Siguro in a couple of days pwede na siya magising. Just pray." Nag-tap siya sa shoulder ko at nagpaalam na.

Nag-freeze ang mga paa ko. Natatakot ako!

GAANO AKO KATAGAL MAGAANTAY?

Gusto na kita yakapin at mag-sorry. Gusto ko pang patunayang mahal kita!

Naglakad ako palayo at pumunta sa chapel.

Siguro kung hindi ako nag-inarte at pumayag agad, hindi siya matatamaan ng ligaw na bala.

Siguro kung noon pa lang nagpatawad na ako, edi hindi na siya nagkaganito..

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon