MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *42*

100 1 0
                                    

[ ZOE POV ]

Tama ba ang narinig ko? Hindi ako makagalaw. Ang taong nasa harapan ko namin, ang taong kinatatakutan ko makita.. Bakit wala man lang nagsabi? Hindi ako handa. Natakot ako bigla.

Lumapit saamin ang mama ni Brian, "Oh Brian, nandito ka lang pala, tamang tama nandito ang mga business partners ko, gusto mo ba sila makilala?" Ngumiti siya. Okay. Medyo creepy ang ngiti ng mama ni Brian. Pamilya ba sila ng nakakatakot ngumti?

"I'm busy," Aalis na dapat kami nang biglang tumawa ang mama niya. Huminto si Brian at hinihintay kung may sasabihin ang mama niya. 'Yung pawis ko, ang dami. Whoo. Oxygen please!

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo? It's very unappropriate at kawalang galang kung aalisan mo nanaman ako 'diba?"

Tumingin ng masama si Brian sa mama niya, nakahawak lang siya sa kamay ko. Napaangat siya ng tingin st humarap kami sa mama niya, "Zoe,mama ko,Ma, si Zoe," Tumigil siya saglit, "Girlfriend ko."

Hindi ko sure pero nakita kong nairita ang mama ni Brian at tumaas ang kilay, Bakit kaya?

Napatingin siya saakin at tumayo bigla ang mga balahibo ko, titig palang 'yun ah! Jusmiyo Marimar! Niyuko ko ang ulo ko, "Hi p-po."

"Sa wakas nakita na din kita Zoe,"Ngumiti siya saakin at iniangat ang ulo ko, "I hope I can see you again," Tumigil siya at lumawak ang ngiti, "What about habving a dinner in my house? haha! Tama! Tuesday night? I'm sure we will have a great bonding!Ngayon lang kasi  may ipinakilala si Brian na babae, I'm sure,iba ka sa lahat?"

Ngumisi siya at tumingin kay Brian, "So, see you on tuesday, Zoe. I need to go, aasahan kita?"

"O-o-opo." At umalis na siya.

Napalunok na lang ako ahil sa kaba. Kailangan i-emphasize talaga ang pagbanggit sa GREAT  at ZOE? Hindi ko alam kung mabait ba ang mama ni Brian eh, kasi sa pagbititw niya ng mga salita kanina,nananaray! Baka inborn? Ganun ata talaga kapag mayaman! Wew.

Humarap si Brian saakin, "Nasisiraan ka na ba? Bakit ka pumayag? Hayst! Libre tumanggi!"

"Eh hindi ako makapagsalita! Kinakabahan ako, at tsaka bakit naman ako tatanggi?" May pagtataka sa boses ko, "Niyayaya ako ng mama mo, parang nakakainsulto naman sakanya kung tatanggihan ko siya."

"Mas mabuti nga na dapat insultuhin mo siya, my mom is worst,Aist! Bahala na! Halika na, kumain na tayo Sa dami ng araw,ngayon pa magkikita! Badtrip!"

Panay ang murmur at Tsk! ni Brian,natapos nalang kami kumain at nakauwi pero aligaga pa din siya,na akala mo kung umasta eh parang abogado siya tapos ako ay isang kriminal na umamin sa kasalanang ginawa ko!

"Ang likot likot mo! Nakakahilo ka!"

Nagbuntong hininga siya at umupo sa sofa, "Ano bang binabalak niya?"

"Mukha namang mabait mama mo eh, baka ikaw lang ang nagiis--"

"Anong mabait? NO! Never siyang nagiging mabait lalo na kapag ayaw niya!"

"Ano bang gagawin niya saakin?"

Tumingin lang siya saakin, nagtakip ng unan at bumuntong hininga, "Lahat ng gusto niya."

Tumahimik ako. Ganito ba talaga? Ito na ba ang panganib? Ang mama niya? Hindi ba ako karapat-dapat kay Brian? Bakit ayaw niya saakin? Ano bang nagawa ko?

Natauhan ako nang hawakan ako ni Brian sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya, "Aalis muna ako dito pero pangako dadalawin kita parati. Gusto ko lang makasiguro na walang gagawin na masama sa'yo si mama."

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon