[ KEVIN POV ]
"Ui Zoe! Wait!" Bigla nalang tumakbo si Zoe na di ko alam bakit. Ayaw niya ba ko makita? May nagawa ba ako na puwedeng ikagalit niya?
Tumakbo ako para habulin siya. " Teka lang Zoe!" Hinawakan ko siya sa braso habang hinahabol yung hininga ko, grabe ambilis tumakbo ng babaeng to.
"Oh.. K-kevin! Andito ka pala!! hehe."
"Bakit ka ba biglang tumakbo?" Pinunasan ko yung pawis sa noo ko gamit yung likod ng palad ko.
"Ano kasi ehh.."
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Hindi naman sa ganun......... Kasi yung mga fans mo kasi alam mo na.. Binibigyan tayo ng issue!"
"Kinakahiya mo ba ako?" Nagulat siya sa tanong ko. Tumingin ako sa mga mata niya. Masakit kasi kapag iniiwasan ka ng mahal mo eh, ngayon pa nga lang na hindi niya alam na mahal ko siya nakakaya na niyang iwasan ako paano nalang kaya pag inamin ko na?
"S'sympre hindi! Bakit ko naman ikakahiya yung pinakagwapong best bud ko!" tapos ngumiti siya.
Tumitig lang ako sakanya at hindi nagsalita. Mahal kita Zoe. Yun ang gusto ko sabihin ngayon. Mahal kita! mahaaaal kita!!!
"Kevin? May dumi ba ako sa mukha?" Winawave niya yung kamay niya sa harap ng mukha ko. Binitiwan ko ang braso niya...
at niyakap siya..
[ ZOE POV ]
"Kevin...." nagulat nalang ako nang bigla niya ko yakapin, ang higpit ng yakap niya.. yung parang ayaw niya ko mawala sakanya.
"Let's just stay like this.. even just for a while Zoe.."
"A-ano bang problema?" Minsan lang siya umaktong ganito kaya nagaalala ako.Hindi niya ko inimik at mas hinigpitan niya ang yakap. Gusto ko sana bumitaw kaso baka magtampo siya. Baka kasi may makakita samin eh,pero he needs a friend right now. Unti unti kong nilagay yung kamay ko sa likod niya at hinimashimas..
Nagtagal din ng 5 minutes yung yakapan namin. Buti sa tinakbuhan ko walang dumadaang tao, kung hindi super issue to at sa guidance ang tuloy namin.
Naglakad na kami papuntang classroom at humiwalay na siya, nginitian niya lang ako at hindi na nagsalita pa. Nasaktan kaya yun dahil nilayuan ko siya?
***
Pagkauwi ko sa bahay wala si Brian. Hindi na nga siya pumasok tapos wala pa siya dito. Hindi ako concern, curious lang. OO! tama Zoe curious ka lang!
.......
......
......
It's alaready past 12 pero ni anino wala talaga. Andito ako ngayon sa kwarto. Paikot ikot,palakad lakad.. Saan kaya nagpunta yun? Nagpapaalam yun pag gagabihin e, hindi kaya??
narape? Sympre diba gwapo? hmmm.. ako lang naman nagtatangakng rumape sakanya haha! just kidding! :P
Narinig ko ang kotse niya na pumarada. Mukhang anjan na siya. Busina siya ng busina. Baka magising yung mga kapitbahay! Nakakahiya! Huminto ang makina ng kotse at narinig kong sinarado niya ang pinto ng kotse niya at tsaka siya pumasok sa loob.. Sumilip ako sa bintana, hindi pa bukas yung ilaw ng kwarto niya...
*blaaak!* May bumagsak na babasagin sa kusina! Ano yun?
"Sh*t!!" Bumaba ako at dumiretso agad sa kusina. Nabasag yung baso. Yung paborito niyang baso. Pinulot niya gamit ang kamay niya yung bubog na nagkalat sa sahig. Napaupo siya habang nilalagay sa bulsa ng pantalon niya yung bubog!! Siraulong lalaki to! Lumapit ako, amoy alak. Bukas ang butones ng pantalon niya at ng polo niya.
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^