MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *49*

120 1 0
                                    

Alauna na ng madaling araw nang makaramdam ako ng uhaw. Naubos ko ang natitirang tubig sa katawan ko kakaiyak eh! Haha. Para akong baliw 'no? Masakit kasi talaga.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at tumambad sa'kin ang tray ng pagkain at 3 bottled water. Kinuha ko iyon at ipinasok sa kwarto. Binuksan ko ang lamp at binasa ang note dun.

Eat these foods and drink all the water ok? I hope you'll stop crying na.

P.S. Matulog ka na din. Alam kong pagod ka physically and mentally. I..goodnight.

Ngumiti ako pagkabasa ko. Sweet talaga ni Kevin. Kahit wala akong gana, bilang kapalit sa pagdamay at pagaaalala niya sa'kin, inubos ko ang pagkain at pati ang tubig. Humiga ako at inisip ulit ang mga nangyari kahapon..

"Ang sabi ko, ayoko na sa'yo."

"Kasi ang tunay na Brian, hinding hindi mamahalin ang katulad mo."

"Kaya kalimutan mo na ako, kasi ako? Nakalimutan na kita."

Kung ito ang gusto mo, sige Brian. Hindi na ako magtatanong pa. Hindi na ko aangal pa.Lalayo na ako.

Kahit mahirap, kahit masakit. sige gagawin ko na.

Kung ito ang magpapaligaya sa'yo. TATANTANAN na kita. Sana kasi sinabi mo na lang nungnasa pilipinas ka, para hindi nasayang ang oras kong isipin ka.

Nagenjoy ka ata sa panloloko mo sa'kin. Nagenjoy din naman ako sa mga panloloko na ginawa mo na akala ko totoo.

Pumikit ako at nagpray.

Lord bakit? Gusto niyo po ba na turuan ako ng leksyon?

Bakit kailangan ko pang dumaan sa taong hindi naman ako mahal?

Pero all you do always lead us to become better. Kaya siguro binigay mo sa'kin si Brian..

Pero thank you pa din Lord kasi ganito pala ang pakiramdam na maging sobrang saya at sobrang lungkot. Now I know. This is for me. For the better me.

--

4th day. Ngayong alam ko naman na wala na palang kwenta ang pagsestay ko dito mas lalong walang kwenta kung iisipin ko siya, bumaba na ako para magalmusal.

"Good morning."

Nagulat si Kevin at humarap sa'kin. Naghuhugas kasi siya ng plato sa lababo. "Zoe! Sa wakas! Akala ko gagawin mo nang kulungan ang kwarto eh!"

Napatawa ako at lumapit sakanya, "Nagluto ka na ba? Ako na lang magluluto."

Ngumiti siya, "Nakapagluto na ako. Ihahatid ko na nga dapat sa kwarto mo eh."

"Salamat sa mga pagkain kagabi."

"Kinain mo ba?"

Tumango ako. "Sobrang sarap."

"Masaya ako dahil nahimasmasan ka na." Natapos siyang naghugas at pinaupo ako sa upuan. Hinainan niya ako.

Paano kaya kung si Kevin ang pinili ko? Ganito pa din kaya ang scenario? Para kaming magasawa. Ang swerte ko dahil nandito si Kevin parati, kung kaya ko lang siyang mahalin ginawa ko na eh.

Nakatingin lang ako habang naghahain siya. Naalala ko tuloy bigla 'yung almusal namin ni Brian. Agawan sa ulam, nagsisigawan. Hindi katulad nitong almusal na 'to, payapa.

Napangiti ako. Tama na. hindi na ako iiyak.

Umupo si Kevin sa tabi ko at kumain na kami, "Salamat Kevin sa pagpapatira at sa ticket. Sorry sa istorbo na din. Hayaan mo babawi na lang ako sa'yo."

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon