MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *44*

71 1 0
                                    

"Hoy Zoe, ano? kailangan na natin umalis! Traffic na mamayang tanghali!" sigaw sa'kin ni tita habang nilalagay lahat ang gamit sa inarkila naming jeep.

Kahit alam ko na hindi siya makakahabol dahil 11 a.m. pa daw ang tapos ng meeting at 9 a.m. na at kailangan na naming umalis, nagbabakasakali pa din ako.

"Zoe, halika na! Hindi ka na tumulong sa paglilipat ng gamit sa jeep! Hindi na 'yun darating!" sigaw sa'kin ni papa. Hawak hawak ko ang cellphone ko, naghihintay ng 'Wait mo ko, parating na ako!' kaso wala eh. Baka hindi na nga siya makakahabol. "Zoe! Hoy!"

Kinuha ko na ang dalawang bag ko at nilagay doon. Sumakay na din ako at si papa. Asa may dulo banda sa labasan ako nakaupo,nakatingin pa din sa kalsada. Pinaandar na ang jeep at tinago ko na ang phone ko sa bag. Di bali, isang gabi lang naman ako mawawala, magkikta din naman kami agad at hindi na ako magiging selfish remember? Hays.

Beeeeeep!!

Nakarinig ako ng busina at tumingin ako. Kanino kayang pulang kotse ito?

"Bilisan niyo at binubusinaan na tayo ng kotse , baka nagmamadali 'yan." sigaw ni papa sa tito kong nagmamaneho.

Pero huminto ang kotse, may bumabang lalaking nakashades at tinawag ako, "ZOE!"

Nanlaki ang mata ko at lumawak ang ngiti. Tumalbog bigla ang puso ko sa tuwa! Humabol siya! Si Brian!!

Huminto ang jeep at dali-dali akong bumaba, "Brian! Humabol ka!"

"Sabi ko sa'yo eh, gagawin ko lahat para lang makasama kita."

"Pwede ba mamaya na 'yan? Sumakay na kayo!" Bumaba si Papa sa jeep at nakapamewang. Nagsibabaan din lahat ng mga pinsan kong babae.

"BF ni ate Zoe?!!"

"Ang gwapo! Waaaahhhh!!"

"Shet lang! Totoo ba 'yan? Boyfriend talaga ni Zoe 'yang ganyang kagwapong lalaki?"

"Hoy kayo, umakyat nga kayo at aalis a tayo!"

Napatawa ako kay papa, "Pa, dito na ko kay Brian sasakay." sumakay na ako sa shotgun seat at pati si Brian.

Habang nagsi-seatbelt kami, kumatok si papa sa bintana, binaba ko 'yun.

"Buksan mo itong likod, dito din ako sasakay!" Nagtinginan kami ni Brian at napakagat nalang ako ng labi sa hiya. Ang epal talaga ni papa kahit kailan!

Pumasok na siya sa loob at umandar na ang kotse, "Bakit ko dito sasakay pa?"

"Para mabantayan ka! Tss! Akala niyo makakaligtas kayo sa'kin ah!!"

"As if naman sa kotse namin gagawin! Ang sikip dito 'no!" At binatukan ako. I was just joking pa! huhuhu sakit!

I just shook my head na parang sinasabing wala ng pagasa itong si papa! haha. Napatawa na lang si Brian habang nagdadrive at sinusundan ang jeep.

Halos 10 mimutes na atang nagdadaldal s papa,puro pangaral! Akala mo magaasawa na ako eh! Puro maghintay ng tamang panahon! Kung hindi pangaral, sermon!

Iritable na din si Brian pero nananahimik nalang. Ako, nagearphones na pero rinig ko pa din! Aissh!

"Hoy kayo ah! Tandaan niyo lagi ko kayong babantayan! Hinding hindi kayo makakalagpas sa akin!"

---

"Akala ko ba babantayan niya tayo?" Nakatingin kami parehas sa mirror at nakita si papa na humihilik at nakahiga sa passenger seat.

"hahaha, napagod siguro kakadaldal!" Tumawa si Brian at tumingin sa'kin, "Bakit ka nakatingin?"

"Wala lang, ang ganda mo eh, bagay pala sa'yo ang naka vneck na sleeveless."

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon