MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *43*

98 1 0
                                    

yow!

Chapter 43 po ito, kasunod po nito ang chapter 42. Nagkabaligtad dahil po ndelete nga kaso yung 42, intendies? hahaha! Just sayin' baka malito kayo, alam niyo naman na mahal na mahal ko kayo eh! Ayiie hahaha!

->HMJ

Awkward silence. Tahimik lang na nakatitig si Papa kay Brian, si Brian hindi malaman ang gagawin! Haha ang cute! Oopps. Nakukuha ko pa mag cute cute sa sitwasyon nila ngayon ah.

Yumuko si Brian, "H-hello po, Mr. Garcia, Nice meeting you." Kabadong pagsasalita niya.

Andito na kami sa loob ng bahay. Magkatapat sa lamesa si Brian at Papa.Lumapit ako dala dala ang dalawang baso na may juice, nilapag ko iyon at nakatayo sa gilid nila.

"Isusurprise sana kita pero ako ang nasurprise." Tumingin saakin si Papa.

Napakamot ako ng ulo at ngumiti, "hehe"

"Sino ka?" Tumingin si Papa kay Brian.

Napalunok si Brian at pinagpapawisan, "B-Brian Lushsimpson po."

"Kaano-ano ka ni Zoe?"

"B-b-boyfriend niya po."

Napatawa ako dahil nakikita ko ang isang masungit at siga na Brian na kinakabahan dahil lang nakikipagusap sa isang tao! First time 'to! Sarap irecord!

Napansin ata ni Papa na tumawa ako, "Anong nakakatawa?" Tumigil ako sa pagtawa, I shook my head at umubo ng palihim tapos yumuko na lang ulit.

Tumingin ako kay Brian na nagmu-murmur, humanda daw ako sakanya! Dinilaan ko lang siya at ngumiti ulit.

"Kailan pa naging kayo?"

"Malapit na din po mag-isang buwan."

"So bago pa lang pala? Tapos hahalikan mo agad ang anak ko? at sa tapat pa ng bahay KO?!"

Napalunok si Brian at yumuko ulit, "Sorry po."

"At ikaw naman," Tumingin siya saakin, "Bakit hindi ka tumawag para sabihin saakin ito?"

"Pa? Nasa kulunga—"

"'Yung tita mo bakit di mo sinabihan? Aish! Pang ilang boyfriend mo na ba 'to?"

Tumingin ako kay Brian na nkatingin saakin, "Panlima."

Nanlaki ang mata niya at ni Brian at akmang babatuhin ako ni Papa, "JOKE LANG! Una pa lang, Pa. First love."

Nakita ko ang paghinga ni Brian ng maluwag at ngumiti.

Tumingin ulit siya kay Brian at uminom ng juice, "Paano kayo nagkakilala?"

"Kaklse ko po siya."

Napapansin ko lang,isang tanong, isang sagot ah!

"Alam niyo ba na highschool students pa lang kayo? Paano ang kinabukasan niyo?! Hays.Malaki ang pagkukulang ko bilang ama, pero hindi ko alam na hahantong sa ganito!"

Kung makapagdrama naman ito si Papa, akala mo nabuntis ako!

"OY,ZOE!" Nandito rin pala si Tita! "Bakit nawawala iyong panty na iniregalo saakin ng tito m— Brian?"

Shet. Andito si Tita. Malalaman ni Papa ang di dapat—

"Oh Brian? Kakauwi mo lang ba?! Kamusta na? Na-eenjoy mo ba ang pagse-stay dito?"

Kumunot ang noo ni Papa, "Ha? Anong stay?!"

"Ano ka ba, Andy! Siya 'yung sinasabi ko sa'yo na umuupa sa kwarto namin dati?!" Tumingin siya kay Brian, "Inaaway ka ba nito ni Zoe?"

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon