December na. Ang lamig na ng paligid. 2 days to go, christmas na. Whoo! Ang ginaw kahit walang electricfan!
Nakaupo ako ngayon sa labas ng bahay katabi si Kevin.
Isa't kalahating buwan na ang nakakalipas.
"Pupunta ka bang states para doon magcelebrate?" Tanong ko kay Kevin habang umiinom ng mainit na chocolate.
"Oo e.Nandun kasi silang lahat. Gusto niyo bang sumama ng papa mo?"
"Ay nako! Hindi na! Masaya na kami ni papa dito kasama mga kamaganak ko."
"Uuwi din ako agad, pwede bang magcelebrate tayo ng belated christmas?"
Ngumiti ako at tumango.
"Saan gusto mo?"
"Tagaytay!!"
"Hahaha sige! Para kunwari nasa ibang bansa na din tayo sa lamig!" Nagtawanan kami at tumingin sa langit.
Kung pupunta akong states,masasaktan ako. Makikita ko ang mga lugar na hindi ko na gustong balikan pa. 'Yung lugar kung saan ako nasaktan ng sobra-sobra.
Buti nandito pa si Kevin..kahit hindi ko pa din masuklian ang pagmamahal niya..hindi niya pa din ako iniiwang magisa.
Kung kaya ko lang Kevin, ginawa ko nang mahalin ka.Kaso ang pagibig, hindi lang basta ginagawa kundi isinasapuso.
"Zoe.."
Napalingon ako at napatigil sa pagiisip.Lumingon ako kay Kevin.
"Kailan mo kaya siya makakalimutan?"
Napatigil ako sa tanong niya sa'kin. "Kevin.."
Ngumiti siya, "Alam ko na hindi siya madaling kalimutan, pero...ikaw kasi kinalimutan ka na niya nang ganun ganun lang." Tumingin siya sa'kin nang makahulugan. "Ayoko lang na makitang sa bawat tingin mo sa langit, siya ang iniisip mo..hinihintay ang pagpatak ulit ng luha mo nang dahil ulit sakanya."
Yumuko ako. "Sinusubukan ko na Kevin.. medyo matatagalan pero at least may progress."
"H'wag ka magaalala, ako ang papalit sakanya, aalagaan kita, mamahalin..at hindi kita lolokohin."
Ngumiti lang ako. Ano ba ang dapat sabihin ko?
Sa ngayon...wala pa talaga.Pero, wala namang masama diba? Walang masama kung ipagkatiwala ko ang kalagayan ko sakanya..kalagayan muna siguro, hindi pa kasi handa ang puso't isip ko.Hays.
---
"teeeeeeen! niiiineeeeee! eightttttttt! sseeeeveeenn! sssiiixxxx! fiveee! fourrrr! threee! twoooooo!!! oneeee!! MERRY CHRISTMAAAASS!!" Sabay sabay naming sigaw ng mga kamaganak ko.Kumpleto kami sa bahay. Masaya, kasi simula nakalabas si papa sa kulungan, ay nakumpleto na ulit kami.
Nagbeso-beso kami sa isa't isa. Nagyakapan.
at sympre..KAINAN NAAA!!
Kanina ko pa talaga hinihintay 'to eh! Kuha ako ng kuha ng shanghai kanina habang inaaliw sila sa kwentuhan.
"Zoe!!!!! BAKIT ITO NALANG YUNG SHANGHAI?"
Nahalata na ni tita! Wala na! huhuhu. Operation: Acting!!
"Ha? Anong shanghai? Malay ko!"
"Kanina puno ito eh! Bakit parang sampu yung nabawas?"
"Tita, are you accusing me?!"
"Hoy tama na yan! Anak, h'wag mo na itanggi, may wrapper pa oh.." Sabay tanggal ni papa sa wrapper ng shanghai sa damit ko. Nagtawanan ang lahat. Nahiya ako kaya inubos ko lahat ng kinuha kog pagkain at lumabas.
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^