[ ZOE'S POV ]
One week na ang nakakalipas. Mabilis sainyo pero para sa'kin katumbas na 'yang ng isang taon.
Nasa labas lang ako ng bahay at nakaupo. Hawak hawak ang cellphone ko. Mabagal ba ang wifi na nasasagap ko?
Bakit hanggang ngayon, hindi pa rin tumatawag sa viber si Brian?
Akala ko kahit isang beses tatawagan niya ko?
Ilang beses ko na din nirestart ang cellphone pero wala talaga, wala akong narereceive!
Kapag talaga tumawag siya sa'kin ngayon, sisigawan ko talaga siya ng sobra! Siguro sinasadya niya 'to para mamiss ko siya!
KAKAINIS! LINTEK!
Ibabato ko sana ang cellphone ko pero sayang eh. Mamaya pagkabato ko magring na! Kaya tsinelas na lang ibabato ko!
"Huy!"
Umupo si papa sa tabi ko, kararating lang niya galing sa restaurant, waiter siya dun. "Anong oras na ah? Bakit mo binato ang tsinelas mo? Naglalaro ka ba?"
"Eh kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatawagan ni Brian!"
"Eh baka kasi busy? Parang hindi ka na nasanay sa boypren mo!"
"Pa, iba 'yung dati sa ngayon! Eh kahit naman hindi siya nagtetext dati, nagkakausap naman kami eh, personal pa!"
"Anak, hindi lang kayo ang dalawang tao sa mundo! Sige ka, baka makulitan 'yun iwan ka pa!"
Ay taray! Parang linya 'yun sa pelikula ah! "Hindi ako iiwan nun! Patay na patay kaya 'yun sa'kin!" Proud kong sabi.
Binatukan ako ni Papa, "Ouch!"
"Itulog mo na nga 'yan! Tingnan mo anong oras na oh, 12:30 AM na, 7am pa ang pasok mo!"
"eeeh! Ayoko! Mamaya magring ang cellphone ko eh! Hindi muna ako papasok—ARAY!"
Binatukan nanaman niya ako, "Nagpapakahirap akong magtrabaho tapos hindi ka lang papasok? Gusto mo ibigti kita? Lalaki lang 'yan ah! Hala! Sige! Tatayo ka o hindi kita hahandaan ng almusal bukas?"
"PAPA!! ANG DAYA!"
"Sige na, tayo na! Magaral ka muna bago matulog ah!"
Tumayo na ako at ipinatong sa lamesa ang cellphone ko para makapagtoothbrush.
"Bakit mo ba nagagawang magpamiss sa'kin?!" Sabay lagay ng toothbrush sa bibig ko.
Kringggg!
Nanlaki ang mata ko habang nagtu-toothbrush at dali-daling hinanap ang cellphone ko.. SI BRIAN!
Para akong tanga na hanap ng hanap nasa harapan ko lang pala, "Hollo?" Sabi ko habang may nakasalumpay na toothbrush at bumubula bula pa ang bibig ko!
"Brion?hollo?"
"Hello?"
Boses ni BRIAN! BOSES NI BRIAN!!! WAAAAHHH! NAMISS KO 'TO!
"Hello??! ANO BA!" Ulit niya.
"Brion? BRION!!! HUHUHU BAKOT NGOYON KO LONG TUMOWOG!"
"Hello?! Aish! Ano ba 'tong signal na 'to!" sabay tooot tooot!
Dinura ko ang mga bula bula sa bibig ko, BAKIT MO BINABA! MALINAW NAMAN! HINDI NAMAN CHOPPY AH!
BRIAAAAAANNN!!!
TUMAWAG KA ULIT!!
Napaupo na lang ako at naluluha, "Brian, please! Namimiss na kaya kita!!" Nakakainis ka naman talaga!
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^