HMJ's NOTE:
eto na talaga..since bakasyon na ulit... itutuloy ko na siya. AND I'LL MAKE SURE THAT I WILL FINISH IT!! hahaha love you guys!"Brian...." 'Yan lang ang tanging nasambit ko sa isip ko.Hindi ako makagalaw. Naiiyak ako na natatae na ewan ko! Nakakainis. Totoo ba 'to?
Ngumiti lang siya sa'kin at iniabot ang pundang nalaglag.
Natauhan ako at kinuha ko agad 'yun sa mga kamay niya tsaka dali-daling naglakad palayo. Kunwari hindi ko siya nakita, kunwari wala lang, kunwari iba nakapulot....sana nananaginip lang ako..
Habang naglalakad, nagfa-flashback lahat ang sakit. 'Yung breakup, 'yung pagtataboy, 'yung tingin niya, 'yung ngiti niya... nakakainis. naiiyak ako!!
'Diba dapat Zoe move on ka na? New year na eh..
....New Zoe ka na dapat.
---
"Hoy Zoe, gumising ka na! Alas onse na oh! Hindi mo na naabutan 'yung replay ng now you see me sa hbo!" Sigaw ng papa ko habang kumakatok sa pintuan.
Hindi ko pa rin pala sinasabi kay papa na wala na kami.. hindi ko tuloy maishare kung bakit wala kong gana tumayo ngayon dito sa higaan.
"Hoy Zoe, bumangon ka na nga jan! Papasok na ko ah!" Pumasok siya at niyugyog ako. Pinipilit niyang tanggalin ang nakabalot na kumot sa ulo ko.
"Hoy ano ka ba? Bumangon ka na ngaaa!"
"Pa, masakit ulo ko."
"ANAK! MAY KLASE KA NA BUKAS! IHANDA MO NA 'YUNG MGA SUSUOTIN MO KAYA!"
"eeee." Matipid kong sagot.
Tumigil si papa sa pagyugyog sa'kin. "Aalis kaming kumpare ko. 'Wag ka munang lumabas ng bahay ah, tsaka may pagkain na sa lamesa."
"Ummm.." Sagot ko na ang ibig sabihin ay sige lang.
"Nakita ko pala si Brian kaninang umaga dito." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tinanggal ko ang nakasalbot na kumot sa ulo ko at tiningnan si papa, "6am ng umaga nandito na siya, sinamahan pa nga niya ko mamalengke..'nung pinapapasok ko, tinanggihan niya at nagmadaling umalis."
Umupo ako sa kama. "T-talaga..hinanap...niya ba ko?"
"Oo. Sabi ko borlogs ka pa dahil pagod ka kagabi."
"'Yun lang?" Paguusisa ko.
"Oo tas umalis na. Itetext ka na lang daw niya at ayaw ka niya ipagising sa'kin." Tumayo si papa, "Sige na, maligo ka na at ako'y aalis na."
Lumabas siya ng kwarto at humiga ulit ako.
ISANG MALAKING HAYSSSSSSSSSS!!!!
Nakakainis.Nakakahiya.Nakakalito. NAKAKAEWAN! Ang dali lang para sakanya na ganituhin ako. Paano naman 'yung feelings ko? Lakas ng loob niya magpakita na parang walang nangyare dati.
ang dali lang para sakanya ang manakit...
Kinuha ko ang phone ko. Bukod sa good morning text ni Kevin e wala naman akong ibang number na nakita.
Bumangon na ako at naligo. 'Pagkaligo ko wala na si papa. Ang lungkot ng bahay. Umupo ako at kumain ng nakahandang pagkain.
Itong tocino galing sa pera ni Brian...
ayoko..hindi ko 'to kakainin.
pati itong scrambled, hotdogs, longganisa, porkchop..
huhuhu. Ang dami naman kasing pinamalengke ni papa tapos kasama pa si Brian!!
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Fiksi Remaja"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^