[ Kevin's POV ]
"Matapos niyang saktan si Zoe? Ayoko! Hindi ako papayag!" Inis na sabi ni Anton.
"Eh baka naman kasi totoong pinoprotektahan lang ni Brian si Zoe nun!" Pagtatanggol ni Jhun.
"Gaga! Ang daming ways para ipaglaban si Zoe, bakit hindi siya umisip ng ibang paraan?" Ani naman ni Lester.
"Bakit, naranasan niyo na ba naranasan ni Brian? Mahirap kayang magdesisyon ng ganun! Tsaka 'diba powerful mama niya? Kung sinuway niya 'yun at nag-ala superman sa pagibig, ayy baka pahamak na buhay ni Zoe ngayon!!" - Jhun
"Oo nga 'no?" - Lester
"Ikaw kasi bakla ang boblaks mo eh!"-Anton
"Wow parang siya hindi?"- Lester
"Edi ikaw na si Dr. Love Jhun! Eksena mo rin e!" -Anton
"Sinasabi ko lang 'yung totoo. Tsaka alam naman nating hanggang ngayon mahal pa rin ni Zoe si Brian! Ayaw ba nating sumaya ulit 'yung kaibigan natin?"- Jhun
"Teka-teka nga!!! Eh paano ka na Kevin?" Tanong sa'kin ni Lester. Nagtinginan silang tatlo sa'kin. Ngumiti lang ako.
"Okay lang ako."
"Sure ka ba dito sa gagawin mo?" - Anton
"Baka pagsisihan mo din?"- Lester
"H'wag kang magpakabayani masyado! Mind your feelings also!" Sabi ni Anton.
Nagpapatulong kasi ako sa mga kaibigan ni Zoe na pagbalikin silang dalawa.
"Para 'to kay Zoe. Para sa ikakasaya niya.. kaya tulungan niyo na ako ha?" Ngumiti ako ulit sakanila.
"Kung naging babae lang ako, papakasalan na kita! Grabe oh! Standing ovation para sa ginawa mong sakripisyo!"- Lester
So ayun, since pumayag na ang mga bakla, lagi na daw nilang ioopen up si Brian kay Zoe. Tapos si Brian naman ibubuhos ang lahat para mapatawad siya ni Zoe. Araw araw inaantay sa school, binibigyan ng flowers, letters at kung ano ano pa.
Kaso sympre alam din naming hindi madaling matibag si Zoe. Araw araw niyang itinatapon ang flowers. hindi pinapansin si Brian.
Inis man si Zoe pero kapag wala na si Brian ngumingiti siya magisa pero malulungkot ulit.
Hindi na rin ako ganun nagpaparamdam kay Zoe.. mahirap na baka hindi ko nanaman siya pakawalan pa.
---
[ Zoe's POV ]
Wala ba talagang balak si Brian na tantanan ako? Hindi niya ba alam na nahihirapan ako lalong magmove on sa ginagawa niya?
"Hi Girl!" Umupo ang tatlong bakla sa tabi ko.
"Bakit nakasimangot ka?"- Lester
"Wow chocolates and roses! Kay Brian galing 'yan nanaman 'no?"- Anton
"Oh sainyo na lang." Abot ko sakanila at nagbukas ng notebook.
"Sayang naman 'to kung papamigay mo lang!" -Jhun
"Hindi yan sayang, basta't may kakain."
Tumahimik sila bigla.
"Ang sakit ng ngipin ko te!"- Anton
"Aray, nakakahawa yata 'yan! Pati ngipin ko sumasakit na rin!" - Lester
"Naku! Parehas tayo! Bawal sa'tin chocolates nito"- jhun
"SAYANG!" Sabay sabay nilang sabing tatlo.
halatang scripted!
Tss.. itatapon ko na lang ito sa basurahan mamaya.
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^