MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *41*

174 2 3
                                    

hmj's note:

Hello madlang readers! Enjoy niyo lang ang pagbabasa niyo dahil baka last sweet moments na nila Brian-Zoe ito. 'Wag naman sana 'no?! hahaha! By the way, sorry sa mga grammar and typo errors ko, hindi ko na kasi nire-read eh! Balak ko ito tapusin before magend ang april, para maumpisahan ko na ang MGA next books ko! YIEEEE! HAHAHA SO AYUN EPAL LANG! ENJOY AND VOTE LOVE YOU!!<3

Kung tatanungin niyo ko kung anong ginagawa ko ngayon, well.. hinahabol ko lang naman si Brian.

Hindi ko rin natiis na hindi siya habulin, bigla nalang tumakbo ang mga paa ko ng kusa eh. Kahit pa sabihin niya na 'wag ko siyang sundan, natatakot talaga ako na baka anong mangyari sakanya.

"Manong,bilis!" Sumakay ako ng tricycle, nagshortcut pa kami para lang maabutan siya, kaso sa kasamaang palad,nasira bigla ang tricycle.Kaya tumakbo agad ako baka sakaling maabutan ko si Brian.

"Brian! Saglit! Briaaan!!" Takbo pa din ako ng takbo. Kaso pagkalabas sa kalsada ng kotse, hindi ko na nahabol. Huminto ako sa pagtakbo at tinititigan ang kotse niyang palayo ng palayo.Naluluha ako, paano kapag napahamak siya? Anong gagawin ko? Paano kapag hindi na siya bumalik? Paa—

Napatigil ang pagda-drama ko nang may humintong silver Jaguar sa harap ko. Bumaba ang bintana at isang babaeng nakashades ang nakita ko, I don't know kung bakit siya nakashades habang nagdadrive sa kalagitnaan ng gabi.

Sumilip ang babae sa bintana, "Hop in."

Kumunot ang noo ko, anong problema nito? Napagkamalan ata akong call girl at baka gawin akong empleyado! Winave ko ang kamay ko as a sign of NO, tumingin sa malayo at unti-unting umaatras, baka mamilit eh!

Binaba ng babae ang shades niya na siyang nagpahinto saakin, "Ate Shin?"

Tumaas lang ang kilay niya, "If you want to catch him, sumakay ka na bago magbago ang isip ko!"

Catch him? Si Brian? Kahit hindi ko alam kung paano niya mahahabol si Brian, sumakay pa din ako agad. Mapapagkatiwalaan ko naman siya eh, hindi ba?

Pinaharurot niya agad ang kotse, sa sobrang bilis,nakasandal lang ako ng madiin sa upuan ko at nakatingin ng diretso. "A-ate S-Shin, paano mo mahahabol iyong taong gusto kong habulin, eh ni hindi mo nga kilala o ni hindi mo nga alam kahit kulay ng kotse!"

Tumingin siya saakin saglit, "I saw you kanina."

"Pero paano mo mahahabol? Ni anino ng kotse niya wala tayong makita!"

Hindi niya ko pinansin at nagdial lang sa phone niya, naka-bluetooth headset kaya hindi siya hassle makipag-usap.

"Hi! Miss me? Chillax! hahaha- hello? Hello? Aish! Stupid!"

May kinalikot siya saglit sa phone HABANG NAGDA-DRIVE,tapos biglang pinaharurot ulit ang kotse.Gusto niya talaga ako patayin sa nerbyos eh! Hindi na ako umimik ulit. Baka isnabin nanaman ako at baka mainis pa eh, pababain ako. Wala pa naman akong alam kung nasaan kami ngayon!

Mukha namang mabait si Ate Shin eh, kung titingnan siya, mala anghel sa ganda talaga at hindi mo aakalaing married na. Buti nalang talaga at nakilala ko siya kung'di walang tumutulong saakin ngayon. By the way, bakit nga ba niya ko tinutulungan? Ang bait naman niya kung gusto niya lang tumulong.

Nang mabaling ulit ang tingin ko sa harap, nanlaki ang mata ko nang makita ang kotse ni Brian na nasa harap namin at parang may iniiwasan.Kapag bibilisan ni Brian, mas bibilisan ni Ate Shin ang pagtakbo.

"K-kotse ni Brian!" Sigaw ko at napangiti siya. Grabe? Paano niya nasundan at nalaman na ito ang kotse ni Brian?

Inapakan niya ng todo ang accelerator, biglang lumiko at in-overtake ang kotse niya sa kotse ni Brian dahilan para maharangan ang dadaanan dapat ng kotse ni Brian. Inapakan niya ng malakas ang break at muntik na akong humampas sa dashboard, buti naka-seat belt! Whoo!

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon