[ KEVIN POV ]
"Okay okay.. pero be sure na itetext mo ko paguwi mo.. Ingat ka Zoe ah, Di ko kaya pag may nangyaring masama sayo!" Pinagmasdan ko siya sa paglabas, ang sakit mareject. Concern lang naman ako eh. Pero dahil hindi ko siya matiis, sumunod pa dn ako ng pasimple.. baka kasi kung anong mangyaring masama sakanya, at least andun ako, at pag nakita niya yun sigurado matutuwa siya diba?
Napatigil ako sa pagsunod nang makita ko na sumakay siya sa kotse ni Brian. Gusto ko itanong kung saan sila pupunta.. Kaya ba ayaw niya magpahatid saakin, dahil may maghahatid na sakanyang iba?. Ang sakit! Para kong nabagsakan ng building sa puso. Napakapit nalang ako sa poste at umupo sa gilid nun. Gusto ko sana silang sundan.. pero baka makita nila ako, sila na ba?
Ang bagal ko kasi e. Naunahan tuloy ako ng iba .
[ ZOE POV ]
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Kanina ko pang tanong kay Brian na hindi naman sumasagot. Akala ko sinundo niya lang ako sa school at uuwi agad kami ng bahay, pero parang iba ata ang pupuntahan namin!
"At tsaka bakit hindi ka nakauniform? Siguro may iba ka pinuntahan no? Tapos di ka pa pumasok!!"
Humarap siya saakin at tinalasan ang tingin. "Sa tingin mo bakit ako di nakapasok??"
Inisip ko.... Bakit nga ba?
AHHHH!! " Eh parang yun lang? e paano ka nakalabas?"
"ANONG YUN LANG? KUNG HINDI KO PA NAALALA NA MAY DAAN SA KWARTO MONG PURO KALAT NA PANTY SA KAMA ,E HINDI AKO MAKAKALABAS!" pasigaw niyang sabi sakin. E BAKIT SIYA NANINIGAW!!!
WAIT....
KWARTO KO? PANTY KO ?
W.... T......F ...
"P-pumasok ka sa panty ko ng walang paalam?"
"HUH? Pumasok ako sa panty mo?" Nagsmirk siya.
Namula ako. Wrong grammar ka pa Zoe! Ang bobogski mo talaga!! ANU BYAAN! TATALON NA PO AKO SA BUILDING!!
"Wag ka nga ngumiti ng manyak diyan! " Pinalo ko siya sa braso. "Sa-sabi ko, P-pumasok ka sa kwarto k-ko??"
"Bingin ka ba??"
"BAKIT KA PUMASOK!!"
"e kasi nga nilock mo ko! Bakit mo ba ako nilock ha? Siguro dati kang kidnapper, tapos hinahanap ka ng pulis ngayon!!"
"Sa ganda kong to kidnapper ako? SA tingin mo ano naman kikidnapin ko? BATA? "
Tumingin siya saakin at ngumiti.. " Puso ko." Feeling ko sasabog na ako sa pagpigil ng kilig dito!
"E-wa-nn"
"Kinilig ka no? Namumula ka eh!"
"MAG DRIVE KA NA NGA!!!"
Hindi na siya umimik kahit pasimple siyang tumatawa! Letse talaga to oh, alam na alam paano ako kiligin!
***
Nakarating na kami sa mall. Sa mall lang pala punta namin eh, kala ko naman probinsya again! haha!
Tanong pa din ako ng tanong kung anong ginagawa namin dito, pero hindi siya sumasagot at hinila nalang ako sa may sikat na salon.
"Ano ginagawa natin dito?"
"Hello sir, hello ma'am! Welcome to the best salon in the Philippines! " taray! Philippines agad?
"Make her even more beautiful.." tinulak ako ni Brian papunta sa upuan. Nagyes lang ang mga nagtitiliang mga bakla. Edi si Brian na hearthrob!
Pero did he told them that Make me EVEN MORE beautiful? So para sakanya, maganda na ako?
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^