MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *50*

102 1 0
                                    

hmj note: ehem po... hahaha!

DEDICATED TO MY BFF, @yojyojsiri !!

READ HER BOOK PLEASE! I'm a certified stalker!

shoutout sa reader ko, SALAMAT SA PAGSUSUBAYBAY! ENJOY THIS CHAPTER! LOVE LOVE!

[ BRIAN'S POV ]

Giving up is the hardest thing to do..

but I still did it... for US.

NP: Let her go-jasmine thompson cover

Pagkatapos kong sabihin ang mga mali at masasakit na salita sa kanya ay lumabas na ako sa restaurant, sumakay ng kotse at umalis na.

Pagkapasok ko sa kwarto, napaupo agad ako sa gilid ng kama. Yumuko ako at ipinatong ang mga siko ko sa mga tuhod ko.Napatakip ako ng mukha.

Zoe..patawarin mo ko. 

Hindi kita niloko kahit kailan, hindi totoo lahat ng sinabi ko sa'yo doon sa restaurant..pero sana kung ano man ang narinig mo 'dun ay paniwalaan mo, dahil ito lang ang tanging paraan para mailigtas kita sa mga balak ng mama ko.

Hindi pa siya nakakapunta dito, alam ko na darating siya. 

Hindi niya pa ko nakikita, nakita ko na siya.

Hindi niya pa naririnig ang boses ko, narinig ko na ang sakanya.

Nang makita ko siya sa airport habang hinihintay si Kevin, nakamasid na ako sa malayo. Gusto ko siyang yakapin, halikan, at 'wag nang pakawalan pa..kaso hindi pwede.

 Well you only need the light when it's burning low

Only miss the sun when it starts to snow

Only know you love her when you let her go

Only know you've been high when you're feeling low

Only hate the road when you’re missin' home

Only know you love her when you let her go

And you let her go

'Nung hinihintay niya ko sa building,alam ko na pupunta siya dun, kaya agad agad akong umalis para pumunta sa office ko. Gusto ko ulit siya masulyapan, kahit saglit lang..

Nang nabili siya sa may restaurant, pinagmasdan ko siya nang hindi niya ko napapansin. Hindi ko siya magawang lapitan dahil bawat paggalaw ko, delikado.

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon