MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *30*

277 7 5
                                    

[ ZOE POV ]

  Nandito ako ngayon sa kusina, Nakaupo. Nagtitimpla ng kape. Nakakapitong timpla na ako ng kape. Pangwalo ko na to. Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kaninang madaling araw.....

* FLASH BACK*

" Wag ka masiyadong maging mabait Zoe.." 

"Ba-bakit...?"

" 'cause whenever you do that.... Lalo kong napapagtatanto..."

"A-ang alin??"

"That I'm already starting to like you ......."

Napahinto ako nung sinabi niya yun. May diperensya ba ako sa tenga? 

*gulp*

*gulp*

Ano bang dapat sabihin ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko . SOBRA!

dugdugdugdugdug ... dugdugdugdugdug ... dugdugdugdugdug ... dugdugdugdugdug ... 

Lalo pang bumilis nung nageye to eye kami ni Brian. Nakahawak pa siya sa kamay ko. Help me please! Pero bakit parang kinikilig ako na ewan na kinakabahan na najejebs !! waaaahh!!

"HA-HA-HA-HA! Nakakatawa ka! A-akala m-mo mahu-huli m-mo ko sa jo-joke mo!! HA-HA-HA!" palusot ko sakanya, grabe sobrang nauutal utal ako!!

Ngumiti siya at tumingin ulit sa sahig. Tapos yung ngiti napalitan ng serious face again " I'm... I'm not joking........"

PATAY NA PO AKO . END NA PO YUNG STORY. SUMABOG NA PO KASI YUNG PUSO KO SA SOBRANG BILIS NG TIBOK.

"Tigilan mo-mo ko...." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Sa una hindi ko din matanggap. Napakaimposble naman kasi diba? Ako na gwapo, hot, mayaman , cute, maappeal.." Hindi naman puro puri sa sarili yung pinagsasabi niya no? "magkakagusto sa tulad mong tao." OUCH! ANG HARD NIYA! SO PANGIT PALA KO?

" pero wala e, kung tatanungin mo ko bakit? Hindi ko pa din alam ngayon.. Basta ang alam ko ... I am starting to like you palang.. Hindi ko to sinasabi sayo para i like mo din ako .. It's a warning you know.. H-hindi ko pa nararanasan ang mainlove, Zoe... Pero ..." tumingin siya saakin ng makahulugan.

"Baka, baka maranasan ko ....... ng dahil SAYO."

Lalo akong naspeechless. Lahat ng laway ko nalunok ko na, yung dila ko nasa tiyan ko na din. Yung labi ko parang may mighty bond dahil hindi ko na maibuka. 

"G-goodnight...." Nagtalukbong siya ng kumot at humarap sa kabilang side patalikod saakin. Naiwan akong nakatayo for 10 mins. at saka lumabas. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng kape. Nadedepress ako. Nadedepress!!!!

*END OF FLASHBACK*

Ganun ba talaga pag lasing si Brian? Ang daming pinagsasabi.  Lubog na lubog na yung eyebags ko. halos 8 hours din ako umiinom ng kape. Yung mata ko bangag na bangag. Yung buhok ko ang gulo kakasabunot ko. AYSSSSHHH!!

[ BRIAN POV ]

  Dalawang oras lang ang tulog ko. Paano ba naman kasi hindi ako makamoveon sa mga pinagsasabi ko sa babaeng yun. First time ko magtapat kung ano tinatakbo ng isip ko ... at sakanya pa talaga.. 

Hindi na kasi mapigilan ng damdamin ko e. Siguro ... Siguro naman kinalimutan naman niya yun diba? Pumunta ako sa banyo at humarap sa salamin. Muntik na ako matakot dahil sa mukha ko! Grabe lawlaw yung mata ko. Eyebags ko ang kapal! Yak! First time kong mastress dahil sa isang tao! Isang tao na hindi ko din maiiexpect na magugustuhan ko..

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon