TBM 1

5.6K 95 2
                                    

TBM 1

Pauma's POV
I'm Pauma Axescesilesiscesil, sa sobrang haba ng pangalan ko walang nakakabanggit ng tama nito.

"Pauma, male-late ka na sa klase mo," Sigaw ng Jona, ang friend kong bakla. Habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang suyod. Paano ba kasi 'yan, dahil sa walang pera, joy dish washer pack ang ginagamit kong pang shampoo. "Hoy, lumabas ka na diyan sa kwarto mo." Pagsisigaw ni Jona sa pinto ng kwarto ko sa labas.

"Lalabas na," Sigaw ko sa kanya. Dahil sa walang magawa sa buhok, hinagis ko na lang ang suyod sa aking maliit na kama. "Lalabas na ako." Saka ko na kinuha ang shoulder bag ko at lumabas na sa kwarto.

"Wow, ang ganda mo naman Pauma, walang pinagbago ang itsura mo." Pang-aasar sa akin ni Jona. Umirap na lang ako.

"Ikaw nga 'din, kababago pang retoke ng bibig mo hanggang ngayon, ang laki pa 'rin." Pang-aasar ko 'din. Mayaman naman kasi ang kaibigan kong bakla kaya may kakahayang mag pa retoke.

"Ikaw naman, hindi ka mabiro. Bata pa tayo naging mag kaibigan, hanggang ngayon hindi nasasanay," Banggit niya. Ipasok 'ko kaya 'tong sling bag na dala 'ko sa bunganga mo. "Sige na, male-late ka na." Saka niya ako binigyan ng twenty pesos pambaon.

"Twenty? Hoy, excuse me lang, ha? Anong ibabayad 'ko sa pang jeep 'ko, recess ko tapos, mamamalengke pa ako mamaya," Pagpalusot ko. Sa totoo lang hindi ko ginagastos ang pera ko sa pang jeep, lumalakad ako papuntang school, hindi 'din ako nag re-recess. Ginagastos 'ko lang ito pag kinakailangan na talaga namin.

Dumukot na naman siya sa kanyang bulsa at binigyan niya ako ng one hundred pesos. "O, ayan. 'Wag uubusin 'yan, ha?" Banggit niya. Kuripot, one hundred lang.

"Okay na 'to. Bye!" Lumabas na ako ng condo na pag mamay-ari ng mayaman 'kong kaibigan. Nag simula na akong mag lakad papuntang school.

Nakakatamad talagang mag lakad papuntang skwelahan. Ang sakit kasi sa paa at tuhod pag nag lalakad ka. Everyday hobby 'ko na talaga ito tuwing pupunta sa school. Sa bagay, nakakatulong naman 'din ang paglalakad dahil para sa akin ay excersise ito.

*BEEP! BEEP!*

"Tumabi ka!" May sumigaw. Lumingon naman ako sa left side ko at may letseng tumulak sa akin. Kaya napadapa ako sa left side.

"Araaay!" Pagkasigaw 'ko. Parang may slow motion effect ang nangyayari. Nakita 'ko na lang na may jeep na dumaan sa harap 'ko. Hindi 'ko pala alam na malapit na akong mabundol. Mabuti na lang na may lintek na kung ano ang tumulak sa akin. Pinagpag 'ko ang sarili 'ko gamit ang dalawang kamay 'ko.

"Are you okay?" Banggit ng kung ano o sino man ang nag tanong. Hindi ako umangat dahil nakayuko ang ulo 'ko. Patuloy lang ako sa pag pagpag nang makakita ako ng palad sa harap 'ko.

Umangat ako. "Sa tingin mo, 'okay' ako?" Pagkasabi 'ko. Tinulak nga ako ng lalaking 'yan tapos, sasabihin niyang 'Okay lang ako?' Like duh naman. Nadapa ako, hello?

"Ikaw na nga 'yun tinulungan, ikaw pa 'yun galit," Tonong pang-aasar niya. Hinawakan 'ko ang kamay niya saka ako hinila patayo. Ngumiti siya.

"Thank you," Pagpapasalamat 'ko.

"You're welcome," Nagsimula na kaming maglakad papuntang school. Naka-uniform siya, e. Siguro schoolmate 'ko siya sa school ng 'Break Free University.'

Tahimik kaming naglalakad papuntang school hanggang sa harap na kami ng gate nito. "Pasok na ako," Banggit 'ko sa kanya. Tumango na lang siya at sumabay na 'din siyang pumasok.

Pagkapasok namin, nagkakaguluhan ang mga estudyante sa buong campus. Sino na naman ba ang bagong hearthrob ng campus? May bagong lipat ba? Ay, ako pala ang bagong lipat dito. Hindi 'ko pala kilala ang mga kinikiligan nila. Ang tanga 'ko talaga.

"Anong meron?" Tanong 'ko sa lalaking nag ligtas sa akin kanina.

"Si Kevin, pinagkakaguluhan nila." Walang ganang sinabi niya.

"Gwapo ba siya?" Tanong 'ko ulit.
"Hindi ako babae, e. Kaya hindi 'ko masasagot ang katanungan mong 'yan." Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya.

Lumapit kaming dalawa sa stage kung saan nagkakaguluhan ang mga estudyanteng malalanding babae.

"Marry me!"

"Pa-fansign!"

"Kiss me!"

"Omaygad!" Isa-isang sigawan ng mga malanding mga babae. Kahit kailan talaga bigaon talagang mga 'to, e. Napasinghal na lang ako. Hay, first day of school talaga nanlalait na ako ng tao.

Sinilip 'ko lang kung sinong gwapong Kevin na 'yan na pinagkakaguluhan talaga ng mga kirita.

"I have to go now, bye." Pagpapaalam ng lalaking katabi 'ko na lumigtas sa akin. Paalis na sana siya nang may tanong ako sa kanya.

"Anong pangalan mo?" Pag-pipigil 'ko sa pag-alis niya.

"Drake. Drake is my name." Saka na siya tuluyang umalis. Pipigilan 'ko pa sana siya pero hibdi 'ko magawa baka may trabaho pa siyang gagawin.

"YOU!" May sumigaw. Hindi 'ko alam kung sino. Napalingon ako sa mga pinagkakaguluhan nila. Hindi 'ko pala alam na pinagtitignan nila ako. Lahat ng mga mata ay na sa akin na. Napalunok ako sa kaba na nararamdaman 'ko. Bakit ako tinuro ng lalaking 'to?

"She... is my new girlfriend." Banggit niya sabay ngiting plastik. Anong pinagsasabi ng lokong 'to? Girlfriend niya daw ako?

"Ba-bakit?" Kabado 'kong tanong. Nalilito ako. 'Yan kasi, e. Ang tanga 'ko, hindi ako nakikinig dahil may isang gwapo pang lalaking lumigtas sa akin ang pino-focus 'ko.

Nakatingin lang ang mga malalanding fans sa akin ng masama. "Girlfriend ka niya?" May isa sa kanilang nag tanong sa akin. May brain is so nalilito na.

"Ewa-" Bigla na lang lumapit ang lalaki sa akin ng mabilisan at tinakpan pa ang bunganga 'ko.

"Yes, she is my... new girlfriend." Pagsasabi niya. Ito ba si Kevin ang gwapong hearthrob nila? Is he pretending to be my boyfriend?

Tinapik-tapik 'ko siya kahit saan sa katawan niya dahil pinahigpit niya pa ang pagtakip ng bibig 'ko. Bahala na kung makakahawak man ako ng ahas basta bumitaw lang siya.

"Sige nga, kung girlfriend mo siya halikan mo nga sa lips." Pagde-dare ng isa sa mga fans niya. Haba ng hair 'ko, teh.

Inalis niya na ang patakip ng kanyang kamay sa bibig 'ko humarap siya sa akin. Hinawakan niya naman ako sa dalawa 'kong pisngi dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha 'ko.

"Ummm..." Sabi 'ko. This is an awkward situation na nangyari sa buong buhay 'ko. First time 'ko yatang kiss 'to. Pero huminto siya sa paglapit ng kanyang mukha.

"Ba-bakit?" Tanong 'ko. Agad niyang hinila ang kamay 'ko at tumakbong pababa ng stage!

"Bakit?!" Dali-dali 'kong tanong.

"Come with me..." Banggit niya.

And my love story begins.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon