TBM 9

1.3K 30 0
                                        

TBM 9

Kevin's POV
"How dare you! Wala kang karapatan na siraan ang girlfriend 'ko!" Sigaw 'ko sa kanya. Parang gusto 'ko siya sakalin dahil sa mga ginagawa niyang paninira kay Pauma. I know that I'm pretending to have a girlfriend kaya pino-protektahan 'ko lang sa Pauma.

"I'm your future fiance, Kevin. Hindi ako tanga para kalimutan ang sumpa na iyon!" Sabi niya.

"Hindi iyon mangyayari, Yumi. Mark my words!" Sigaw 'ko 'din. "Paano kita magiging fiance, e ngayon pa lang kita nakilala," Mukhang nagulat ang lahat dahil sa sinabi 'ko.

"Hindi totoo 'yan! Nagsisinungaling ka lang!"

"At paano pa naging tayo kung wala naman akong nararamdaman para sa'yo?!" Sigaw 'ko. Mukhang iiyak na 'tong si Yumi sa mga sinisigaw 'ko. "Ito? Itong mga posters na 'to? Alisin mo 'tong mga 'to!" Tumalikod ako at humarap sa news board at inalis-alis ang posters na pinopost niya. Humarap pa ako sa kanya at pinakita pa sa kanya kung paano 'ko pinupunit ang poster niya.

Nagulat siya pero, wala akong pakelam. Umalis ako sa harap niya at binangga 'ko pa siya sa kanang balikat niya. Ganito ako sa mga away, hindi nagpapatalo. Lalaki man o babae, sinesermunan 'ko. Wala na silang magawa kung 'di ay maging duwag na lang at umatras sa gulo. Ako pa, si Kevin Lee mayaman na merong iPad 5s, Asus, Samsung, Sony, HP, HILUX, Ferarri, Mercedes Car, at iba pa. Unlimited cash ako ngayon. Pero, hindi iyon tatagal dahil alam ko iyon. Nawawala ito sa atin, dahil kung dadating ang kaharipan susuko ka na lang pero hindi ako magpapatalo pag dumating iyon sa buhay 'ko.

"Na-alis niyo na ba lahat?" Tanong 'ko sa mga barkada 'ko.

"Oo, Kevz," Sabay nila dalawang sinabi sa'kin.

"Sunugin niyo na 'yan," Sumunod naman sila sa utos 'ko at umalis na sila para sunugin ang mga posters.

Habang palakad-lakad ako, hindi ko pa 'rin makalimutan ang ginawa 'ko sa harap ni Yumi, ang pagsisigaw 'ko sa kanya. She deserves it. Mabuti lang na ginawa 'ko harap ng impaktang 'yun so I can show to them kung gaano kabaho ang kanyang ugali. Well, I lied to her, dati 'ko pa siyang kilala at ang parents niya. I'm just pretending that I don't know her para hindi naman ako mapahiya sa mga fans 'ko, students pati 'din sa Wattpad.

Papunta na ako ngayon ng classroom para ilagay ang bag ko sa inuupuan 'ko. Saka lumabas ulit ako ng classroom.

"Bro, sunog na lahat," Biglang bumuluga si Ced sa harap 'ko.

"Good," Matipid 'kong sagot.

"So, ano na?" Tanong ni Ric.

"Magkita tayo mamayang twelve thirty sa tanghali. Simulan niyo nang mag decorate sa stage tapos, mag hire kayo ng mag lalagay ng mic at speakers," Sabi 'ko.

"Sige," Umalis sila sa harap 'ko.

Shet. Ba't kasi sobrang laki ng University na 'to? Kailan 'ko ba mahahanap si Pauma? Parang hindi yata natanggal ang mga posters dito sa University na 'to. Siguradong makikita talaga 'to ni Pauma.

Bumaba ako at lumakad sa basketball court ng school na nasa gitna ito ng University. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa akin. Lintek, babatuhin 'ko kayo diyan ng bato, e.

Mukhang nakikita 'kong nag-aarange ang mga hinire ng barkada 'ko sa stage, ah? Mapagkatiwalaan 'ko talaga 'tong mga barkada 'ko.

"Uy tignan mo, friend, o. 'Finding Cinderella', try nating sumali diyan," Naririnig 'kong bulungan ng mga malalanding babae habang tumitingin sa stage.

"Tignan natin 'yun news board," Tumakbo naman silang dalawa at lumapit sa news board at binasa ang posters 'ko.

"Si Kevin, naghahanap ng jowa!! Ahhhh!!!" Sumigaw silang dalawa at mukhang lahat ng mga estudyante ay nagsitakbuhan palapit sa news board.

"Wait lang! Wait lang!" Huminto ang mga estudyante dahil sa sigaw nila. Nakita 'kong kinuha nila ang poster at binasa muli. "Ayun daw sa kanya, nakita niya daw ang sapatos sa garden at hinahanap niya kung sino ang may suot 'nun. Malay niyo ba na isa sa atin ay may-ari ng sapatos! Waahhhh!!" Mukhang na-iiyak sila sa sobrang kilig. Letse kayo, ang landi niyo.

~

Nagsimula na 'yun program. Kinuha 'ko muna ang sapatos sa bag 'ko bago umakyat sa stage.

"Kung... Kung kanino man itong sapatos na ito ay magiging j-jowa 'ko," Panimula 'ko. Nagsigawan naman sila.

"Sa akin 'yan! Akin 'yan!"

"Ako! Sa'ken 'yan!" Todo nilang pinagsisigawan.

"Sandali lang, sandali lang..." Paghinto 'ko sa kanila. "Isusukat namin ang sapatos na ito sa mga estudyanteng babae," Dagdag 'ko pa. Muli na naman silang nagtilian.

Pauma's POV
May ka-OAhan talaga 'tong si Jona pagdating sa love story. Palibhasa kasi ang laki ng bunganga, pwede ng lagyan ng basura. Sa bagay, mabaho naman ang bunganga niya.

Kumain muna ako sa karinderya malapat diyan sa tabi-tabi, basta malapit sa appartment. Letse, hirap mag explain.

"Pauma!" May narinig akomg sinigaw ang magandang pangalan 'ko. Lumingon ako sa aking likuran at nakita si Drake. Ngumiti siya habang lumalapit sa'kin.

"Bakit?" Tanong 'ko din habang nakangiti, ngiting kinikilig.

"Sabay na tayong maglakad papunta sa school. Tutal, 'dun ka naman patungo," Sabi niya sabay ngiti. 'Yan tuloy lumabas ang dalawang dimples niya, ang cute niya, letse. Drake, kung may balak ka sa akin, please ituloy mo na.

"Kayo na pala ni Kevin? First day of school, naging kayo agad, ah?" Natatawa niyang sinabi. Omaygash, sasabihin 'ko ba ang deal namin ni Kevin? 'Wag na lang baka itsimis niya pa 'to at magkakaroon pa ng malaking issue.

"Oo, kami na. Kahapon lang, niligawan niya ako," Sabi 'ko.

"Paano nangyari iyon? Magkakilala na ba kayo?"

"Oo. Bata pa kami, magkakilala na kami dahil..." Shet. Wala akong mai-rarason.

"Dahil?"

"Dahil sa parents niya. Magkaibigan kasi parents 'ko at parents niya," Palusot 'ko.

"Kaya pala,"

Nakarating na kami sa harap ng school at pumasok na sa campus. Nagkakaguluhan ang mga estudyante. Medyo na-late ako ngayon, ah? Madaling araw na nga akong gumising tapos, male-late pa ako. Hindi 'ko kasi natiis ang gutom 'ko, e kaya dumaan ako sa malapit na karindreya para kumain.

Nakita 'ko si Sandra, ang bago 'kong kaibigan. Lumapit ako sa kanya at tinanong kung anong meron. Sabi niya, sukatan daw ng mga paa. Tinanong 'ko naman na, wala silang sapatos?

May binigay naman siyang poster sa'kin at binasa 'ko naman ito.

"Ano 'to?" Tanong 'ko habang hawak-hawak ang poster na binigay niya.

Ba't mukha 'ko at mukha ni Kevin ang nang dito sa poster?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon