TBM 36
Kevin's POV
Sigaw ng sigaw si Pauma habang nagpa-practice kumanta sa loob ng bahay.
"INDAAY! IYAY! WERE ALWAYS, LABYU! AHHH! ALWAYS, LABYU! AHHH!"
Nabibingi na kami dito sa loob ng bahay dahil sa mga maling lyrics at pagsisigaw ni Pauma. Si Joshua nga, e. Wala ng naririnig dahil sa mga sigaw ni Pauma.
Tatlong araw bago ang singing contest kaya inihanda ni Pauma ang kanyang sarili upang manalo lamang sa contest. Ang grand prize kasi ay one hundred thousand with free kiss pa daw kay Daniel Matsunaga. Joke lang. Haha. One hundred thousand lang naman daw ang grand prize sa contest na sinasali ni Pauma.
"O, maganda ba boses ko?" tanong ni Pauma sa akin pagkatapos niyang kumanta.
"Oo." napangiwi na lang ako.
"Talaga? Actually, nagpa-practice pa lang ako, e. Pero hindi mabibingi ang mga tao dahil hindi naman iyon ang kakantahin ko."
"E, ano bang kakantahin mo?"
"Hindi ko pa alam, e. Kailangan kong magpatulong kay Inay sa nga sikat na kanta kasi, sa kanya nag mana ang boses ko, e."
Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi. Nagpatuloy naman siya sa kanyang pagkanta ng mga matataas.
Tinakpan ko naman ang aking dalawang tainga dahil sa sobrang lakas ng kanyang boses. Parang nababasag na ang eardrums ko dahil sa sobrang lakas ng kanyang boses. Nang dito kasi kaming dalawa sa kuwarto at pinapakinggan ko ang kanyang pag practice.
Lumabas naman ako ng kuwarto at nag tungo sa kusina. Dinig na dinig ko mula dito sa kusina ang lakas ng boses ni Pauma. Kinuha ko na lang sa drawer ang 'Vicks VapoCool Candy' na kakabili ko lang kaninang tanghali ito. O, nag pa-promote pa ako, ha? Kailangan itong kainin ni Pauma upang maging maayos ang kanyang boses.
Pumasok naman ako sa kuwarto na dala-dala ang isang Vicks VapoCool Candy. "O, ayan." binigay ko naman kay Pauma ang kendi, kaya kinuha niya naman ito. "Kailangan mong kainin iyan upang maging maganda ang boses mo."
"Nag promote ka pa, ha?" nakangiti niyang banggit. Pinunit niya naman ang wrapper at kinuha ang kendi sa loob saka kinain.
~
Tatlong araw ang makalipas. Isang singing contest ang bumagsak sa aming araw. Hindi pumunta si Inay, Itay at Joshua dahil babantayan daw nila ang bahay at marami pa raw silang gagawin.
Nang dito na kami ngayon sa baryo, naghihintay lang ako kay Pauma na kumanta sa entablado. Mukhang ang tagal, e. Ilang oras na akong naghihintay dito, hanggang ngayon hindi pa 'rin lumalabas si Pauma sa entablado. Paano naman kasi, ang daming nag audition kaya lahat ng contestant, tanggap!
"Contestant number 99!" nakasigaw na banggit ng MC.
Kaya naman silip ako ng silip sa kurtina kung sino ang lalabas. Sana si Pauma na ang lalabas sa entablado upang marinig ko na ang kanyang boses.
Nagsimula na ang mga hiyawan at palakpakan ng mga manonood. Nakikita ko ito sa aking paligid dahil kalat ang mga tao rito, wala man lang upuang ma-uupuan namin. Tsk!
Tumingin ako sa itaas ng stage at nakita si Pauma na nakatayo lamang. Pumalakpak naman ako.
"Go Pauma!" sigaw ko.
Napapansin kong mukhang kinakabahan si Pauma sa kanyang kakantahin. Nabitawan niya naman ang mikropono na hawak nito. Nagulat naman ang lahat ng mga manonood, nagulat naman 'din ako dahil sa lakas ng pag bagsak nito na may koneksyon sa speaker.
Pinulot naman ito ni Pauma at nagsimula sa kanyang introduksyon. "Hi, I'm P-Pauma Axes. I'm gonna sing a s-song that will makes you r-relate. This s-song is dedicated to the boy I loved the most. " ngumiti naman siya ng pilitan.
Nagsimula nang tumunog ang musika at nag simula na 'ring kumanta si Pauma.
(PLAY KAILAN BY: PARK SHIN-HYE COVER IN THIS PART)
"♪Bakit kaya nangangamba. Sa tuwing ika'y nakikita. Sana nama'y magpakilala.♪"
Na-iwasto niya na ang tamang lyrics ng kanta. Ang ganda pala ng kanyang boses pag inayos niya ito. Natatakot lang sa itaas ng entablado. Haha.
"♪ Ilang ulit nang nagkabangga. Aklat kong dala'y pinulot mo pa. 'Di ka pa rin nagpakilala♪"
"Oo. Tama! Ganyan ako!" humiyaw ang katabi kong babae. Relate na relate sa kanta.
"♪ Bawat araw sinusundan. 'Di ka naman tumitingin. Ano'ng aking dapat gawin...♪"
Parang tumitibok na itong puso ko. Agad? Pero, seriously tumitibok na talaga kasi buhay pa ako. Tama naman 'di ba?
Nakatitig lang ako kay Pauma. Pinapakinggan ko lang ang kanyang magandang boses. Sobrang maayos. Ang hambing ng kanyang boses na siguradong ma-iinlove ka sa kanyang boses. Ewan ko ba sa lahat ng istorya ang daling ma-inlove ng isang lalaki o babae sa taong mabubuti ang ugali at may respeto sa isa't-isa.
"♪ Kailan, kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim. Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin. Kailan, kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin. Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin.♪"
Napatigil na lamang sa pagkanta si Pauma ng may sumigaw. "USOK, O!" sigaw ng lalaki habang nakaturo sa itaas ng kalangitan. Umangat naman ang aking ulo sa kalangitan at nakikitang may mga usok na itim ang kumakalat.
"'YUNG KABILANG BAHAY 'DUN, NASUSUNOG!" sigaw ng isang lalaki sa aming likuran na kakarating lamang.
Tumingin naman ako sa entablado at nakita kong bumaba si Pauma. Nagsi-takbuhan naman ang tao.
Lumapit naman sa akin si Pauma. "Si Inay, Itay at Joshua." pag-aalala niya.
Hinawakan ko naman ang kanyang kamay saka tumakbo. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon. Nakikita kong itim na usok ang bumabalot sa buong bahay ng pamilya ni Pauma.
Narinig ko na namang may umiiyak sa aming gilid kaya lumingon ako at nakita si Inay at Itay. Yakap-yakap ni Inay si Itay habang umiiyak.
Nasaan si Joshua?
Lumingon ako sa bahay na napupuno ng usok. "JOSHUA!" sigaw ko at pumasok sa loob.
"KEVIN!" sigaw ni Pauma pero binalewala ko lang iyon.
Narinig kong nagdarasal na umiiyak si Joshua habang nasusunog ang buong bahay. "Patawarin niyo po sana ako sa aking mga kasalanan, Panginoon."
"Joshua!" pumasok ako sa loob ng kuwarto nina Inay at Itay at nakita si Joshua na nakaupo sa dulo at umiiyak habang nag darasal.
"Kuya Kevin!" lumapit naman siya sa akin at niyakap.
"Tara na, Joshua. Kailangan na nating makalabas dito." sabi ko.
Akmang lalabas na sana ako sa pinto nang biglang nahulog ang nasusunog na debris sa pinto. Naharang kami. Kailangan kong makahanap ng daan upang makalabas kami rito. Lumingon ako sa likuran at ganoon 'din, nasusunog ang daan.
Wala na akong magawa kung 'di ay sumigaw ng tulong. "TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!" pagsisigaw ko sa loob ng bahay na nasusunog.
Umiiyak na lamang si Joshua. "Matutulungan tayo ng Panginoon, Kuya. Hindi tayo mawawalan ng pag-asa." banggit niya sa akin.
Ito na ba ang huling buhay ko?
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Novela JuvenilNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...
