Special Chapter 2

307 5 5
                                        

Special Chapter 2:

Pauma's POV
Bored ako kanina kaya inaya ko si Kevin mag shopping. Isinama namin ang anak namin kaya pati siya ay masaya rin.

"Triston, you want a truck truck toy?" tanong ko sa anak ko.

"Mama, ang shunga mo naman mag english." napakamot sa ulo si Triston.

"Ay? Hehe. Anong klaseng grammar ba ginawa ko, anak?"

Napahilamos ng buong kamay si Triston. "Ma, ayaw ko ng laruan. I'm too old for that."

"E, hindi ka pa nga fifteen years old. Eight years old ka pa nga, e."

"Basta, Ma. Gusto ko iPhone ayoko ng laruan."

"Kevin, o. 'Yung anak natin gusto ulit ng cellphone." nakanguso kong sabi kay Kevin.

"Huh? Sampung cellphone mo nasa cabinet mo lang nakatago. 'Yung lima, anak binigay mo pa sa mga katulong natin." sagot ni Kevin.

"Ayoko, no'n. Too cheap. Mabuti pa 'yung mga classmates ko bente ang cellphone." sagot naman ni Triston.

"Ton-ton, ha? Sobra na 'yung mga request mo sa 'min." sabi ko.

"Bahala kayo," binitawan ni Triston ang pagkahawak sa kamay ko at tumakbo palayo sa amin.

"Hoy, Triston!!" sigaw ko.

My ghad.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon