TBM 46
Kevin's POV
Nag kita-kita kami ng mga barkada ko sa basement dahil may sasabihin ako sa kanila tiyak na ma-aayos ang aking problema."Dude, we missed you." sabi ni Ced sabay apir sa akin. "Ba't mo ba kami pinatawag dito? Kamusta na ba 'yung misyon mo? 'Yung business niyo? Balita ko, kinuha na 'yung mga kagamitan niyo kahapon."
"Kaya nga, e. Babawiin na ng may-ari ng building sa Amerika ang building na ni-renta namin. Pababa ng pababa na kasi 'yung business namin kaya wala kaming na-ibayad sa renta." sagot ko.
"So, ano bang balak mo ngayon?" untag naman ni Ric sa 'kin.
"Makikipag-hiwalay kay Pauma." simple kong sagot kahit kumikirot na ang aking puso.
"Natupad mo naman 'din pala ang mga kahilingan namin sa 'yo." ani Ced.
"Paano ba natin masasabi kay Pauma na maghihiwalay na kayo?" ani Ric. Nag isip-isip muna siya bago sumagot. "Ano na lang kaya kung makipag-halikan ka kay Yumi sa loob ng banyo? Hihintayin niyo lang si Pauma na pumasok sa loob. 'Di ba may kasabihan na 'action speaks louder than words'? So, hindi mo na sasabihin sa kanya. Ipapakita mo lang."
"P're, tanga ka ba? Paano namin malalaman na papasok si Pauma sa loob ng banyo?"
"E, 'di hintayin na lang natin siya." ani Ced.
Wala na akong magawa kung 'di ay sundin ang mga sinabi ng mga barkada ko. Dahan-dahan namang tumutulo ang aking luha dahil sa plano na aking gagawin. Ito lang naman ang paraan upang mabawi ang building na ni-renta namin sa Amerika at gagamitin sa aming pamasahe papunta do'n.
Lumabas na kami ng basement pagkatapos naming mag-usap ng mga barkada ko. Ilang oras naman ay hinanahap ko agad si Yumi at na hanap ko naman siya agad bago pa kaming dalawa makita ni Pauma. Agad kaming pumasok sa banyo at...
Nagsimula na ang plano...
"Kevin, what are we doing in here?" nagtataka niyang untag sa akin.
"Yumi, kailangan ko lang gawin ito." sagot ko naman.
"What? What are you talking about?"
May pumasok naman na estudyante at agad kong hinalikan ko si Yumi. Mukhang gulat na gulat si Yumi sa paghalik ko sa kanya. Nilibot ko ang aking paningin at akala ko naman ay si Pauma na ang pumasok. Kinunan naman kami ng picture at siguradong kakalat ito sa buong University.
"OH MY GOSH! SI KEVIN? MAY BAGO NG GIRLFRIEND? HASHTAG IKALAT SA BUONG CAMPUS!" Lumabas naman siya ng banyo.
Nilayo ko naman ang mukha kay Yumi. "Ano, Yumi? Masarap ba ang paghalik ko sa 'yo?" pilit kong ngiting sinabi dahil nagkukunwari lang ako na gagawin 'to.
"Syempre naman, eng serep keye..." Napakagat pa siya ng labi.
Itinulak niya naman sa kanyang mukha ang ulo ko at pinatuloy ang paghalik ko sa kanya. Parang ako ang gagahasain ng babaeng 'to, ah? Buntis na nga, ang landi pa 'rin.
At may nakita naman akong pumasok na estudyante at laking gulat ko na si Pauma ito! Hinawakad ko ang batok ni Yumi kunwari ay sarap na sarap ako sa paghalik ko sa kanya...
At ayun nga, sinabi niya ang lahat ng kanyang sa loobin nang makita niya kaming naghahalikan ni Yumi...
Syempre, masakit 'din para sa akin ang iwan at saktan ang babaeng minahal kahit hindi naging kami. Pagsisinungaling lang ang ginawa ko upang mapaniwala siya sa mga sinabi ko kanina. Sa totoo lang, ang mga ipinakita kong pagmamahal sa kanya ay seryoso.
"Hayaan mo na siya, Kevin. Bitter lang 'yan." nakangiting sabi ni Yumi sa 'kin.
~
Kinabukasan. Kumalat na ang posters na naghahalikan kami ni Yumi. Naririnig ko ang nga tsimis tungkol sa akin ng mga estudyante dito sa Break Free University. Lumapit naman sa akin si Yumi at niyakap ako ng mahigpit. Pinilit kong ngumiti kunwari okay lang ang lahat.
"I love you, Kevin." nakangiting sambit sa akin ni Yumi.
"I love you 'din, Yumi." sabi ko 'din.
Naging center of attraction kami dito sa buong University. Nakita ko si Pauma at alam kong nasasaktan na siya sa aking ginawa. Masama ang titig niya sa akin saka umalis. Patuloy lang ako sa aking pag ngiti kahit alam kong nasasaktan na 'rin ako.
Pauma's POV
Ba't kailangan mo pa 'tong gawin sa akin, Kevin? Hindi moba alam na nasasaktan na ako sa mga ginagawa mong masama? Bwisit ka talagang gonggo ka! Bagay lang kayong sumama ni Yumi. Ikaw ang hog rider siya naman ang hog at ipapa-battle ko kayo sa Clash Of Clans."Pauma,"
May narinig na lang ako na nagsalita sa aking likuran at nakita ko naman si Drake.
"O, ano bang ginagawa mo dito?" untag ko.
"Mukhang kailangan mo ng advice ngayon."
"Hindi, okay lang ako." Pinilit ko namang hindi umiyak pero ang mga punyetang luha ko, lalabas.
"Pauma, napapansin kong hindi ka na okay. Alam ko kung ano ang iyong nakita kanina."
"Pwede ba, Drake? Ba't ka ba dito? Ano bang kailangan mo? Hindi mo ba na iintindihan na okay lang ako, ha? Ba't ang kulit mo?!" napatayo na lang at sumigaw sa harap ni Drake. Mabuti na lang at wala pa ang mga kaklase ko kaya hindi nila naririnig ang sigaw ko.
"Pauma, nang dito ako para gabayan ka. Nang dito ako para pasayahin ka sa problemang pinasukan mo. Nang dito ako upang mabawasan lang naman 'din ang galit at puot mo sa lalaking niloloko ka." Huminga muna siya ng malalim bago ipinatuloy ang sasabihin. "Pauma, mahal kita."
Nagulat ako sa sinabi niyang mahal niya ako. Nakita ko namang pumasok si Kevin at si Yumi sa loob ng classroom.
"Pauma, na gawa mo siyang mahalin, e ba't ako hindi mo nagawang mahalin?"
Parang gusto kong ipa-selos si Kevin dahil sa ginawa niya sa akin. May na-isip naman akong plano na siguro lang naman ay kasinungalingan lang 'din.
"Minahal, Drake noon pa. Oo. Minahal kita kahit hindi ikaw ang na sa tabi ko. Mahal na mahal kita, Drake." Hinalikan ko naman agad si Drake at mukhang gulat na gulat 'din si Kevin at Yumi.
Napanganga si Yumi at si Kevin naman ay masama ang titig sa akin.
"Hay naku, ginagawa namang landian ang classroom natin." sabi ni Kevin papasok sa loob ng classroom.
Lumayo naman ako sa paghalik ko kay Drake na nagulat 'din kanina. "Drake, meet me at the park. Mag sex tayo do'n." diin na sinabi ko kay Drake at nagulat ulit. Niyakap ko naman si Drake at bumulong sa kanyang tenga. "Joke lang. Sinabi ko lang iyon upang magselos si Kevin."
Bumulong naman sa akin si Drake. "Joke lang 'din 'yung kanina. Alam kong na sa likod ko lang kasi kanina si Kevin at Yumi kaya na sabi ko lang iyon sa 'yo." nakangiting bulong ni Drake sa akin.
Mamatay ka sa selos Kevin. 'Yan ang dapat sa 'yo. Karma lang 'yan.
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...