Special Chapter 2.1
Kevin's POV
Sa paglilibot namin sa loob ng mall, hindi pa rin namin nahanap si Triston. Lokong batang 'to, siguro kay Pauma nagmana ang anak namin.Ilang security guards na ang tinanong namin pero wala silang mahanap na batang guwapo katulad ko. Tsk.
"Bakit? Prosti ba kayong dalawa kaya kailangan niyo 'yung bata?" nakasimangot na tanong sa amin no'ng guard.
Binatukan naman siya ni Pauma. "Gaga! Anak naman 'yung hinahanap namin, tanga!" galit na turan ni Pauma at ibinaling ang tingin niya sa akin na may dalang ngiti.
Napaatras na lang ako sa asawa ko at napangiti na lang. "Tara na. Hehe. Hanapin na natin 'yung anak natin."
Patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Siguro umuwi na ng mag isa 'yun kaya hindi natin, mahanap-hanap." sabi ni Pauma.
"Imposibleng eight years old, uuwi ng mag-isa?"
Napatigil si Pauma sa paglalakad at nakatitig sa di kalayuan kaya napatitig ako sa tinititigan niya.
"Kevin, si Triston!" tinuro niya ang batang nakatayo lamang sa isang bookstore na may kasamang batang babae.
"Aba-aba, nag may ka-date yata, ah? Kaya tumakas sa atin."
"Siguro." sagot ni Pauma. "Lapitan natin."
Lumapit kami sa dalawang batang papasok sa bookstore at paglabas nito ay may dala-dalang libro. Hindi pa nga kami nakapasok may binili na.
"Sige, babe. Bukas ulit, ha?" ngumiti yung batang babae at hinalikan niya sa labi ang anak namin.
"Yiee." siniko ako ni Pauma sa tiyan. "Pumapag-ibig si Triston, o."
Nakita kami ni Triston at lumapit siya sa amin. "Pa, may reward ako. Hehe."
Ngumiti ako sa bata. Ang aga pa lumalandi na. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...