TBM 28

663 16 0
                                        

TBM 28

Pauma's POV
Na sa loob na kami ng eroplano after ten minutes na paghihintay namin sa waiting area. Mabuti na lang at hindi kami na abutan ng mga kawal ni Mayor. Chos. Kawal talaga, as if naman kung na sa fairy tale world kami. Haha.

"Uy!" bigla akong nagulat dahil sa emosyon ni Kevin.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Bigla siyang yumuko. Napagtaka naman ako sa kanyang kinikilos.

"Ang bodyguards ni Mayor, hinahanap yata tayo dito." sagot ni Kevin.

"Patay tayo nito kay Mayor." banggit ko na lang sabaykagat sa iababa ng aking labi dahil sa kaba.

"Ano na ang gagawin natin?"

Napaisip na lang ako kung ano ang magiging plano upang matakasan si Mayor. "Alam ko na ang plano." naturuwa kong sinabi. Tumayo naman ako at kinuha ang maleta ko sa itaas at binuksan ko naman ito at kumuha ng panyo, shades at... wig na panglalaki. Binigay ko naman ito kay Kevin. "O ayan, isuot mo na iyan."

"Paano ka nagkaroon ng wig?" untag niya.

"Binigay iyan sa akin ni Jona noong may boyfriend siya na akala niya ay may totoong buhok kaya ayan, napatunayan na walang buhok noong sinabunutan niya dahil may ibang babae." paliwanag ko kay Kevin. Tumingin naman ako sa dulo at nakita kong papalapit na dito ang mga bodyguards ni Mayor. "Sige na, isuot mo na 'yan."

Sinuot naman ito ni Kevin, tinabon niya sa kanyang bibig ang panyo na parang ninja na mata lang ang makikita, sinuot niya 'rin ang wig pati na 'rin ang shades. "Teka, paano ka?" pag-aalala niya sa akin.

Ginulo-gulo ko naman ang aking buhok at naglagay pa ng make-up sa aking mukha, lampas pa sa labi ko ang lipstick na nilagay ko. "O ayan, hindi na ako makikilala. Teka, meron pa akong ilalagay." tapos kinuha ko ang aking suklay mula sa aking shoulder bag at nilagay ito sa aking gulo-gulong buhok.

"Mukha kang baliw." natatawang banggit ni Kevin.

"Tse. Maganda kaya ako." pagbibiro ko.

Lumapit naman sa amin ang bodyguards ni Mayor. "Uh. Excuse me," sabay dukot niya sa kanyang bulsa at ipinakita sa amin ang isang larawan ni Kevin. "Do you know them?" untag niya.

Umiling lang kami ni Kevin. "Dili. Dili namun na sila kilala." sagot ko.

"Sige po." sabay ngiti niya at umalis kasama ang kanyang kasamahan.

Bumulong naman sa akin si Kevin. "Anong sinabi mo sa kanya kanina, hindi ko kasi na intindihan, e. Ilokano ka ba?" bulong niya.

"Shunga. Bisaya ang tawag 'dun sa sinabi ko. Ang sinabi ko sa kanya na hindi natin kilala kung sino ang na sa larawang 'yun." sagot ko.

~

"HELLO, DAVAO!" sigaw ko nang makarating ako sa lupa ng Davao.

"'Wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya sa mga tao dito, o." sita sa akin ni Kevin.

"Tse." at nag flip hair pa ako sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng airport kung saan ang mga pinapasukan ng mga arrivals. Lakad kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa labas ng airport.

Pumara kami ng taxi at agad kaming sumakay sa loob. Sinabi ko naman sa driver kung saan kami pupunta.

Nang makarating kami sa aming destinasyon, agad kaming bumaba ng taxi. Bumaba kami ni Kevin gamit ang hagdan at nakarating naman kami sa aming bahay.

"Pauma?" tuwang-tuwa na tanong ni Aling Pasing at agad naman siyang lumabas ng aming tindahan at niyakap ako ng mahigpit. "Pauma, miss na miss ka na namin dito!" nakangiti niyang sinabi at agad niyang hinawakan ang aking dalawang pisngi.

"Pauma, sino siya?" bulong na tanong sa akin ni Kevin.

"Siya si Aling Pasing, siya ang nagbabantay ng aming tindahan habang wala si Inay." sagot ko kay Kevin.

Humarap naman si Aling Pasing kay Kevin at natuwa ito sa kanyang nakita. "At nagdala ka pa ng iyong boyfriend!" masigaw-sigaw niyang sabi. "Uy, Pauma. Malaki ba ang anaconda nito?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Hoy, Aling Pasing, ah. Bata pa po ako. Hindi muna ako magpapatikim." banggit ko.

"Ano ka ba, Pauma. Joke lang naman iyon." natatawang banggit niya. "Tara na sa bahay niyo. Nang diyan na ang inay mo, inaalagaan ang tatay mo."

Pumasok naman kami sa bahay. "Inay?" paghahanap ko.

"Sige na, Pauma. Uuwi muna ako." pagpapaalam ni Aling Pasing saka lumabas ng aming bahay.

Bumalik naman ako sa paghahanap kay Inay. "Nay? Tay? NaTay? S'an na ba sila?" reklamo ko.

"Baka sa kusina, nagluluto lang." ani Kevin.

Pumunta naman kami sa kusina kung saan matatagpuan ito sa labas ng aming bahay. Ngunit wala dito sina Inay at Itay. "Kevin, wala sila dito." banggit ko.

"Uy, Ate nang diyan ka na pala." lumabas ang bunso kong kapatid na si Joshua na may dala-dalang mga kahoy.

"Joshua!" lumapit ako agad sa kanya. "Si Itay? Saan?"

"Naghahanap ng mga kahoy sa gubat kasama si Inay." sagot niya. Nilagay niya muna ang mga kahoy sa ilalim ng aming lutuan.

"Ba't siya nang 'dun? Inaatake kaya sa puso ang Itay tapos, kagagaling lang ng Korea si Inay mag papaitim na naman." sabi ko.

Napalingon naman siya sa likod ko. "Ate, sino siya? Boyfriend mo ba siya?" sabay turo niya kay Kevin.

Tumango ako na dala ang matipid kong ngiti. "Oo. Boyfriend ko siya."

Lumapit naman si Joashua kay Kevin. "Uy, pre. 'Wag mong sasaktan si Ate, ha? Alagaan mo siya sa hirap at ginhawa."

"Ano ka ba, Joshua. Nagpapari-parian ka na naman. Sige na, pumasok na sa loob, basa ang likod mo, o." hinimas-himas ko pa ang kanyang likuran bago siya tuluyang pumasok ng bahay.

Dumaan naman sa bakod ang Itay at Inay kung saan matatagpuan ang bakod sa likod ng aming bahay. "Pauma!" agad namang binitawan ni Itay ang dala-dalang mga kahoy bago lumapit sa akin at niyakap. "Salamat namang walang nangyari sa iyo sa Maynila." tuwang-tuwa niyang sinabi.

"Ba't kayo nang dito? Kamusta ba ang pag-aaral niyo?" ani Inay.

"Mag babakasyon lang po kami dito. Okay lang naman po ang pag-aaral namin." biglang sagot ni Kevin.

"O? Sino naman itong lalaking 'to?" tanong ni Itay matapos ang aming paghihiwalay sa pagyakap at tinuro si Kevin.

"B-Boyfriend niya po ako." sagot ni Kevin.

"Halika na kayo. Pumasok na kayo sa loob ng bahay." yaya ni Inay. Pumasok naman kami at umupo sa aming matigas at mahabang upuan na yari lamanh sa bamboo tree.

"Magtatagal ba kayo rito?" tanong ni Inay habang nilapag ang juice sa lamesa.

"Dipende lang po sa sitwasyon kung matatagal po kami rito. Nabalitaan ko po kasi na may sakit po ang inyong asawa." sagot ni Kevin.

"Aysus, nag-alala pa kayo. Marami naman kaming napag-utangan diyan sa ibang tindahan kaya may nababayad kami sa doktor. Noon pa kaya inatake si Aljur." ani Inay.

"Sino po si Aljur?" tanong ni Kevin.

"Si Itay." sagot ko naman.

"Mabuti na lamang na nakaligtas ako." ani Itay.

Muntik ko nang patayin si bakla sa sinabi niya sa akin bago ako pumunta ng Davao. Mabuti na lang at nakaligtas si Itay sa sakit na kanyang naramdaman.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon