TBM 47
Kevin's POV
Natapos na ang klase, kaya pagdating ko sa loob ng bahay pumasok agad ako sa loob ng kwarto ko. Itinapon ko ka-agad ang bag ko sa aking higaan at sinuntok-suntok ito."AH! AH! AH!" Isa-isang sigaw, isa-isang suntok ang ginawa ko bag ko. Ba't siya pa ang na turo ko sa stage? Ba't siya pa ang minahal ko kahit peke lang ang aming relasyon? "TANGINA!" napasigaw na lang ako sa loob ng aking kwarto.
Tumingin-tingin ako sa palibot ng akinf kwarto habang nagagalit. Wala na nga akong cabinet, wala na 'rin sa akin si Pauma. Futaena, ba't na sasaktan ba ako ng ganito?
Ang sagot?
Kasalanan ko naman 'to, e. Futaenangdefeteputae naman 'to, o. Ang sakit sa pakiramdam. Parang maraming kutsilyo ang tumusok sa puso kong brokenhearted. Parang gusto kong patayin ang mukhang popcorn na si Drake!
"Kuya, what just happened to you na there? Is there any problems?" Katok ng katok ang kapatid kong naliligaw na sa istoryang 'to sa loob ng kwarto ko.
"Pwede bang umalis ka muna?" sabi ko.
"K." Iyon lang ang kanyang sinagot sa akin. Mukhang umalis na siya sa harap ng pinto ng aking kwarto.
Ba't ba ang daming problemang sa mundong 'to? Ba't ba ang daming pwede kong mapasukang problema? Paki-explain, author. Ktnx.
Kasalanan ko talaga 'to, e. Para lang sa isang milyon gagawin ko ang lahat para 'din sa pamilya ko. Kailan kaya ako mapapatawad ni Pauma pag sinabi ko na ang lahat ng katotohanan?
One Year Later...
Kinalimutan ko ang lahat ng aking problema. Na wala na sa aking isipan si Pauma, dahil ngayon araw...
Ay, pupunta na ako sa Amerika...
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng buong estudyante sa BFU pag nalaman nila na pupunta na ako sa Amerika ngayon. Hindi ko alam kung na-aalala pa ba ito ni Pauma na pupunta na ako sa Amerika.
"Kuya, do you impake your gamit na?" tanong sa akin ng aking kapatid.
"Oo. Ikaw? Do you impake you gamit na impakta ka? Tama na nga 'yang kaka-taglish mo, mukha kang shunga niyan." pagmumura ko sa kanya.
Mukhang nakuha ko ang pagbabago ng ugali ko kay Yumi. Ilang buwan ko na 'din siyang nakasama at mukhang nagbabago 'din ang kanyang ugali dahil sa akin. Ano 'to? Exchange attitude?
"Kuya, naman, e. Your mot sanay to me. Your always galit-galit."
"K." sabi ko naman.
Hinihintay na lang namin sa gilid ng kalsada ang dadaang taxi. 'Yung kotse kasi namin, kinuha na 'din ng taeng chinese na 'yun.
Pauma's POV
Ilang araw ko iniisip si Kevin noon. Halos hindi na ako makalabas ng aking kwarto kaka-isip sa kanya. Halos hindi na ako kakain. Halos mabaliw na ako pag nakikita ko ang kanyang litrato sa aking cellphone. Hindi ba kayo na inform ni author? May cellphone na akong bago, kaso made in china. Plastik in short.Murahin niyo nga 'yang si author, ginagawa akong peste dito sa istorya niya. E, siya naman 'tong hindi inosente. Charot.
Actually, limang buwan ako bago maka-move on. So which means, 2016 na. Advance si author, 'no? 2015 pa nga, e. Tapos, ang kapatid at parents ko naman ay na sa Korea. Siguro nagpapari-pari-an na ang kapatid ko do'n.
"Pauma, kanina pa kita kinakausap, ah? Hindi ka naman pala nakikinig." bulabog sa akin ni Jona habang kumakain.
Well, guess what? May nagbago na kay Jona. At alam niyo kung ano iyon? Malamang hindi niyo pa alam. Okay, at ang nagbago kay Jona ay...
Nangingitim na ang kanyang ngalangala.
Korni ni author, sarap lunurin sa dagat na puno ng pating na nangangagat. Paki-bash nga 'yan, nakakapikon na, e.
"Ay, sorry. Ano nga pala 'yung sinabi mo kanina? Hindi ko narinig, e." untag ko kay Jona.
Bago siya sumagot, sinubo niya muna ng buong-buo ang drumstick ng manok. Mabulunan sana siya. "Hindi mo ba alam na aalis ngayon si Kevin papuntang Amerika?"
"HA? BA'T NGAYON MO PA LANG SINABI?"
"Malamang nabasa ko kanina sa wattpad." simple niyang sinabi at ayun nga, nagsimula na siyang umubo. Nabulunan nga.
"Sige-sige, tatawagan ko si Drake." tumayo naman ako at iniwan na lang si Jona na nabubulunan.
Kinuha ko naman ang BAGO kong CELLPHONE at dinial ang number ni Drake. Tumunog naman ang kabilang linya.
"Hello, Pauma?" sumagot naman ito.
"Drake, ngayon pala ang flight ni Kevin papuntang Amerika!"
"Alam ko. Kaya nga, e nang dito na ako sa harap ng condo niyo upang sabihin ko sa 'yo pero alam mo naman pala. So ano na? Maligo ka na at magbihis dahil pupunta na tayo sa airport!"
"Sige." Pinatay ko naman ang tawag.
Naligo na ako, nagsipilyo, nagbihis at lumabas naman ng condo ng kabayo kong friend at nagpaalam na sa kanya. Sabi niya 'raw ay sasama siya, tapos ang sabi ko naman ay huwag na dahil ekstra lang siya sa istorya kong 'to tapos ang sabi niya naman ay 'K.' Futaena.
Ngayon ay naghihintay na kami ng taxi. Pero sa kamalas-malasan ay dahil walang taxi ang nakita sa daan, jeep na lang ang hinarangan ko sa gitna ng daan.
"Tara na." banggit ko kay Drake.
Bago pa man kami pumasok sa loob ng jeep ay nakiya ko agad ang daming pasahero ang nakasakay. Napataas naman ako ng isang kilay kunwari ay maldita na ako sa istoryang 'to, pagbigyan niyo ako, minsan lang ako nagiging kontrabida sa istoryang 'to.
"Lumabas kayong lahat kung ayaw niyong papatayin ko kayo isa-isa." seryoso kong sinabi with matching banta-banta effect voice.
"Bakit? May karapatan ka bang paalisin kami rito?" sumabat ang isang pabebe girl na sunog ang kilay. Aba, author. Nag insert ka pa ng pabebeng sunog ang kilay?
"Kaya nga, may kapataran. I mean, kaya nga may karapatan ka ba?" sabi naman ng katabi niyang utal-utal.
"Meron." simple kong sagot.
"Pwes, walang makakapigil sa amin!" sabay nilang sinabi.
"E, ano kaya kung pag-uumpugin ko 'yang ulo niyong dalawa?" pagbabanta voice ko ulit.
"Guys, labas na tayo. Baka, kung ano pa 'yung magagawa ng babaeng 'to sa atin." sabi naman ng katabi niya. Sandali, may katabi ba silang dalawa? Kasali ba 'yang babaeng multo sa dalawang pabebe girls?
Okay. Nagsilabasan naman ang mga pasahero mula sa loob ng jeep. Ang dami pang echos. Kaya pumasok kami ni Drake sa loob ng jeep.
"Kuya, sa airport mokami dadalhin." utos ko sa driver.
"E, miss. Sa SM Mall Of Asia papunta 'yung jeep, e." sagot naman ng driver.
"Ikaw 'yung driver hindi 'yung jeep. Ang shunga niyo naman po. Two hundred pesos ang babayaran namin sa pag-aarkila ng jeep na 'to."
"Hindi. Dapat, six hundred."
Bumaba naman ako ng jeep at binuksan ang pinto ng driver's seat. "Sorry, Kuya. Pero nagmamadali kami, e. Hihiramin muna namin 'yung jeep. Ktnx."
Hinila ko naman papalabas 'yung driver at pimasok sa loob ng driver's seat.
Kevin, paparating na ako diyan.
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...