TBM 30
Pauma's POV
Nakita ko na lang si Kevin na natutulog sa lamesa ng kusina at may nabuhos pang gatas sa tabi nito. Ginising ko naman siya at dumiretso siya sa kwarto at kumuha ng damit upamg maligo.Habang ako naman ay nilinis ang lamesa ng kusina at si Inay at Itay naman ay nangangahoy sa gubat para sa aming pang gatong mamaya.
"Uy, Joshua. Kunin mo nga 'yung tsinelas diyan sa labas ng bahay malapit sa pinto, may ipis kasi akong nakita, e." pag-uutos ko sa aking bunsong kapatid at sinunod niya naman ito. Binigay niya naman sa akin ang isang tsinelas at sinimulan ko nang isa-isang pinapatay ang mga ipis. Shet. Naalala ko tuloy ang isa kong sapatos na nawawala at hindi pa ito nabibigay sa akin ni Kevin.
"Pauma, kunin mo nga 'yung bigas diyan sa kahon." boses ni Inay ang narinig ko mula sa likuran ng aming bahay kaya sinunod ko ang kanyang utos. Kumuha ako ng bigas at sinahod ito sa baso at lumabas ng bahay. Binigay ko naman ang baso na may lamang bigas kay Inay. "Kumuha ka pa. Baka kukulangin tayo nito." utos ulit ni Inay. Pumasok naman ako ulit sa loob at ginawa ulit ang pagsahod ng bigas sa baso. Ganito talaga kami dito, inuutusan lang kami at sunod lang kami ng sunod sa aming nga magulang.
Ilang oras 'din ang makalipas at natapos 'din kami sa aming trabaho sa loob ng bahay. Pumasok na ako sa loob ng aking kwarto upang kunin ang aking damit para maligo, nang nakita ko si Kevin na... topless ulit.
O.O
Nakita niya naman ako. "Maliligo ka na ba? Kukunin mo na ba ang damit mo?" untag niya at binigyan niya pa ako ng daan.
Naglakad naman ako patungo sa aking closet at kumuha ng damit. Napangiti ako sa ginawang mabuti sa akin ni Kevin dahil 'dun sa binigyan niya pa ako ng daan. Hindi katulad sa mga ibang lalaking naka-topless lang diyan tapos tambay at hindi pa ni-rerespeto ang mga kababaihan. Kainis, 'no? Pero wala naman akong pakialam diyan sa mga tambay.
Nang matapos kong makuha ang aking damit at towel, humarap naman ako at nagkabungguan kami ni Kevin at natumba! Nakapatong pa naman ako sa kanya at nararamdaman ko ang kanyang birdie na tumama sa aking tiyan. Nagulat naman ako sa aming pagkatumba. Nagkatitigan kami sa isa't-isa.
"Kevin, ano ba 'yung tumama sa tiyan ko?" untag ko sa kanya habang nakatitig.
Tumingin naman siya sa dulo at agad tumayo. "Pauma, l-lumabas ka muna." mukhang namula ang kanyang mukha. Inayos niya naman ang kanyang towel na nakaikot sa kanyang ibaba. Pinalabas niya naman ako at agad niyang sinarado ang pinto.
Kevin's POV
Nakakahiya naman kay Pauma dahil naramdaman niya ang ano ko na tumama sa kanyang tiyan. Namula tuloy ang aking pisngi dahil sa nangyari."Kevin, kakain na tayo." ani Nanay ni Pauma na kumatok sa pinto ng kwarto.
"Sige po." sagot ko. Sinuot ko naman ang aking damit, brief at shorts saka lumabas ng kwarto.
Nakita ko naman si Pauma na kakatapos lang maligo at nakabihis pa. Umupo siya sa harap ng lamesa at umupo na 'rin ako sa tabi niya. Akmang kukuha na sana ako ng kanin pero tinapik naman ni Pauma ang aking kamay.
"Bakit?" nagtataka kong untag.
"Hindi ka pa naghuhugas ng kamay." sagot niya.
Tumayo naman ako at dumiretso sa lababo at pinalabas ang tubig na nagmumula sa gripo. Sinimulan ko namang hinugasan ang aking kamay at nang matapos ay umupo na 'rin ako sa tabi ni Pauma. Kukuha na sana ako ng kanin at biglang tinapik naman ulit ni Pauma ang aking kamay.
"Ano ka ba? Hindi ka ba nagdadasal bago ka kumain?" banggit niya.
Kinamot ko naman ang aking ulo. "Sige na. Dadasal na po tayo." sabi ko.
Nang matapos ang mahabang dasalan namin, napapansin kong nilalangaw ang aming pagkain. "Pauma, ba't andaming langaw dito?" untag ko.
"Syempre biyaya iyan ng Diyos, 'no? Ano ba naman ito." saka siya kumuha ng pagkain at nilagay niya ito sa kanyang plato.
"Biyaya ba talaga ito ng Diyos?" nagtataka kong tanong ulit.
"Oo. Biyaya ito ng Diyos. May mga hinuhulog ang langaw sa ating pagkain upang maging masarap ito." ani Joshua.
Paano pa naging masarap ang pagkain kung dinadapuan ito ng langaw?
"Sige na, Kevin. Kumain ka na. Masarap iyan." nakangiting banggit ng Nanay ni Pauma.
"Hindi na po. Nabusog po ako sa marami kong na inom na gatas kagabi." pagsisinungaling ko.
Akmang ibubuhos na sana ng ina ni Pauma ang pagkain sa aking plato, agad ko naman siyang pinigilan. "Huwag na po talaga. Busog na po ako, e."
"Sige ka, magkakasakit ka niyan." anito.
Akmang tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Pauma. "Kevin, kumain ka muna, o. Sayang 'yung binuhos diyan ng mga langaw. E, ang sasarap pa naman."
"Salamat na lang, Pauma. Pero busog na ako, e." at saka pa ako lumabas ng bahay.
Sa totoo lang, na didirian ako kahit lalaki akong tao. Sino ba naman ang hindi na didirian sa mga langaw na dadapo sa tae at ibubuhos ito sa pagkain mo? Siguro nga ang iba diyan, ang lalakas ng mga sikmura at kayang tiisin ang mga dumadapong langaw.
Nakakita naman ako ng mauupuan at agad akong umupo. Patingin-tingin ako sa paligid, maraming bahay. May kapitbahay sila rito, ngayon ko lang napansin, e. Pero, huwag niyo namang isipin na horror na 'tong kwentong 'to. May mga tao namang lumalabas ng kanilang bahay at nangangahoy sa gubat.
Sumasakit na 'yung tiyan ko dahil sa wala akong kinain. Habang tumitingin ako sa paligid may nakita naman akong tiyak na mabubusog ako. Ito ay isang buko. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit ako sa puno ng niyog at umakyat. Natuto akong mag akyat ng puno dahil tinuruan ako ni Dad noong nang dito kami sa Pilipinas habang buhay pa siya. Inakyat nga namin ang puno ng mangga, e.
Hindi ko na pala namalayan na mataas na pala ang aking na-akyat. Nakita ko na lang sa ibaba si Pauma na lumabas ng bahay at mukhang nagtaka na kung saan ako.
"Pauma!" sigaw ko sa ibaba na nakangiti.
Umangat naman ang kanyang ulo sa itaas at nakita ako. "Kevin!" sigaw niya 'rin na nakangiti.
Umakyat pa ako sa dulo at inabot ang dalawang niyog. Wala akong dalang kutsilyo kaya hindi ko ito mapuputol. Kaya aabutin ko na lang ito.
"Kevin, mag-ingat ka diyan, ha?" sigaw ni Pauma.
"Opo!"
Hindi ko pa 'rin ma-aabot ang dalawang niyog, kaya delikado ito. Mukhang mahuhulog ako pag pinilit ko ang sarili kong abutin ang niyog.
Hanggang sa nadulas ang aking kamay!

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...