TBM 29
Pauma's POV
Pumasok ako sa aking kwarto at nilapag ang aking maleta sa ibabaw ng aking kama."Mababait pala ang parents mo, 'no?" nagulat ako nang biglang pumasok si Kevin sa aking kwarto.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.
"Sabi daw ng parents mo, dito daw ako matutulog." sagot ni Kevin.
"Hindi tayo pwedeng magkatabi sa pagtulog, 'no. Ayoko kaya baka may gagawin ka sa aking kababalaghan."
Inakbay naman ako ni Kevin. "Ikaw naman GIRLFRIEND, sobrang dumi ng utak mo dahil sa pinturang berde. Ewan ko ba sa 'yo kung saan nag mana ang utak mo." bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko.
Bumitaw naman siya sa kanyang pag akbay sa akin at tinulak ko siya. "Hoy ikaw, Kevin, ha? Alam mo namang nagkukunwari lang tayo sa ating relasyon kaya don't you dare falling inlove with me." binuksan ko na ang aking maleta ko at kumuha ng damit at lumabas na ng kwarto.
"Pero, Pauma. Iba na ang nararamdaman ko sa 'yo." bulong ni Kevin habang sinusundan ako.
"Pwede ba, Kevin. Walang ganyanan. Di ba napag-usapan na natin ito? Please lang." pumasok na ako sa loob ng banyo.
"Pero bakit ka sumama sa akin magtanan?" pumasok 'din siya sa loob ng banyo.
"Kasi... G-gusto ko lang bisitahin ang pamilya ko dito. Kasi... A-ayaw kong mapahamak ka sa gulo. Kasi.. "
"Kasi mahal mo na ako? Ganun ba? E, mahal kita, Pauma, e. Nahulog na ako sa 'yo dahil sa pagkukunwari natin."
Sinabit ko naman ang damit ko sa maliit na sampayan sa loob ng banyo. "Ako nga 'din, Kevin, e. Nahuhulog na 'rin ako sa 'yo." napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko. I know na crush ko si Kevin pero, hanggang crush lang talaga ang makakaya ko.
"Pauma, pwede bang mang ligaw?" biglang sinabi ni Kevin.
"Saka mo na ako liligawan pag natakbo mo ang buong mundo." sabay sinara ang pinto ng banyo.
"Basta ipapasemento mo ang dagat, kayo mo?" sigaw ni Kevin sa labas ng banyo.
"Tse. Ewan ko ba sa 'yo." sabay irap ko sa loob ng banyo.
"Pauma, naman..." reklamo ni Kevin.
Kevin's POV
Pumasok ako sa kwarto ni Pauma at umupo sa kanyang kama. Bakit ba ganon ang tadhana? Kahit sino lang ang pinapartner sa 'yo. Pero sa totoo lang hindi ko talaga sinadya ang pagturo ko sa kanya sa stage. Kaya ayan tuloy, nagkunwari kami at nahulog ako sa kanya. Ano bang meron sa Pauma na 'yun?Naalala ko pa dati ang sinabi ni Yumi na magiging fiance daw kami at isusumpa niya daw iyon. Ano siya? Witch? Pero nagkatotoo naman ang kanyang kahilingan at nabuntis ko siya. Siguro nga na dapat magtagal kami ni Pauma dito at magpapakasal ako sa kanya after two years. Hindi ako nararapat sa isang Yumi Yaewhu.
(7:00 P.M. In The Evening.)
Pagkatapos naming magkwentuhan sa hapag kainan ay dumeretso nang natulog si Pauma. Pero ako, niyaya pa ako ni Mang Aljur sa inuman pero tumanggi ako at sinamahan na lang si Joshua na manood ng telebisyon. Hindi man lang nag sipilyo si Pauma bago matulog. Mabuti na lang at nakapagsipilyo pa ako bago samahan manood ng telebisyon si Joshua.
"Ilang taon na ba kayo ni Ate nagsasama?" tanong ni Joshua sa akin.
"Hindi taon, buwan. Five and a half months na kami nagsasama ng iyong ate." sagot ko sa kanya.
"Aalagaan mo siya, Kuya, ha? Kung hindi, humanda ka sa akin." pagababanta ni Joshua.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. "Syempre aalagaan ko ang ate mo."
Ilang oras ang pagbababad namin sa panonood sa telebisyon at dinaanan na kami ni Joshua ng antok. "Kuya, matutulog na ako." sabay kamot niya sa kanyang ulo.
"Sige, sige. Matutulog na 'rin ako." sabi ko. Tinanggal niya naman ang saksakan ng telebisyon at dumiretso sa kanyang kwarto pati na 'rin ako.
Tinabihan ko sa pagtulog si Pauma. Talikuran kaming natutulog. Habang dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata, na iisip ko ang aking problema. Ang problema na hindi natatanggal sa aking isipan.
"Buntis ako..."
Ang mga linya ni Yumi ang hinding-hindi ko makakalimutan. Ang problema ay hindi ko nakakalimutan dahil nakatatak iyo sa aking isipan. Nakisali pa ang malakas na sipa ni Pauma sa aking binti kaya napagising ako sa aking pagtulog.
"Aray ko..." bulong ko habang hinimas-himas ang aking binti.
Humarap naman ako sa likuran ni Pauma at ipinikit ko ang aking mata. Na iisip ko pa 'rin ang aking problema. Naalala ko pa ang pagsuot ko ng wig sa airport, mabuti na lang at hindi kami na mukha-an ng mga bodyguards ni Mayor. Ano kaya ang reaction ni Jona nang pinapasok niya si Mayor sa kanyang condo? Ano ba 'yan, ba't 'yung bakla pa ang iniisip ko?
May na amoy ako sa pagtulog ko ang mabahong hininga. Minulat ko ang aking dalawang mata, hindi ko pala namalayan na nakaharap na pala si Pauma sa akin habang natutulog. Nakaharap ang kanyang mapula-pulang labi sa akin. Mukha siyang anghel pag natutulog. At ang kanyang ilong, ang gandang tingnan habang natutulog siya.
Umurong kanyang mukha kaya napaatras ako at agad nahulog mula sa kama! "Shit." mahinang bulong ko. Kaya ako napaatras dahil hindi pa ako handang halikan ang aking pinakamamahal. Tumayo ako mula sa sahig at tumabi ulit kay Pauma.
Sobrang lamig pala ng bahay nila dahil butas-butas ang kanilang pader na yari lamang sa kahoy. Kaya niyakap ko si Pauma at kinumutan ko siya ng kumot na malapit sa aming paanan. Habang niyayakap ko siya, dire-diretso na naman ang aking pagtulog.
"Maghihiwalay 'din kayo ni Pauma!"
Napagising ako sa aking panaginip. Unang pikit ko palang mukhang may panaginip ako na galing sa boses ni Yumi at mukhang naririnig mo ito sa iyong tenga.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng gatas mula sa kanilang refrigerator at ibinuhos ito sa kinuha kong baso. Kahit simple lang ang buhay ni Pauma, nagkakaroon pa 'rin sila ng mga gamit na makakaya lang nilang bilhin. Samantalang ako, kahit ano pwede kong bilhin.
Sinimulan ko nang inumin ang gatas na kinuha ko mula sa refrigerator. Napansin kong masarap ang lasa ng gatas na iniinom ko.
Pagkatapos kong ubusin ang gatas na ininom ko may napansin ako sa aking paligid. Ba't ang tahimik sa lugar na ito? Siguro tulog na ang mga kapitbahay nila rito. Dahil sa sobrang tahimik dahan-dahan kong pintanong ang aking ulo sa itaas ng lamesa.
At dahan-dahan ko 'rin ipinikit ang aking dalawang mata.
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...