TBM 2
Pauma's POV
"Saan tayo pupunta?" Sabi 'ko habang tuloy-tuloy pa 'rin kami sa pagtakbo ng ulol na 'to."Basta, sumama ka lang sa akin," Sabi niya. Saan ba talaga kami pupunta? Kung sa CR man, okay lang sa akin dahil na iihi ako sa kakatakbo.
"We're here," Huminto kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa tahimik na lugar ng school ay ang garden nila.
"Anong ginagawa natin dito? Anong gagawin mo sa akin?" Pagtatakang tanong 'ko.
"Okay. Hindi 'ko alam kung anong pumasok sa isipan 'ko na napili kita," Hinahabol niya ang kanyang hininga habang sinabi ang mga iyon.
"Anong pinagsasabi mo?" Muli 'kong tanong.
"Okay, long story. Ayaw 'ko muna ikwento sayo dahil it's, ew at ew."
"May nalalaman ka pang 'ew' diyan. Kung may balak kang masama gawin mo na," Pang-aasar 'ko.
*RIIING!*
Tumakbo ako palayo sa kanya dahil simula na ng klase. Ayaw 'ko kasing ma-late sa first subject namin, kasi pag nangyari iyon, siguradong minus 'yun sa grades 'ko ang ma-late.
"Hoy, saan ka pupunta?" Sigaw sa akin ng lalaking... ewan kung sino siya.
Naiwan 'ko tuloy ang kanang sapatos 'ko sa garden dahil sa nag mamadali ako. Tangina, naka-medyas na lang tuloy ako habang tumatakbo.
"Sandali, naiwan mo sapatos mo!" Muli niyang sigaw ulit pero hindi 'ko na siya pinansin dahil malayo na ako mula sa kanya.
Cinderella ang nangyari, teh?
Nang makarating ako sa classroom, wala pang teacher ang dumating. Humanap muna ako ng upuan kung saan ako komportable. Nakaupo na 'din ako. Pero bago pa man iyon pinagpag 'ko muna ang upuan bago ako umupo, ayaw 'ko ng mga germs o alikabok na nakaupo sa upuang iuupuan 'ko. Parang trono mo lang, pag may umagaw na iba dapat itaboy mo na.
"Ehem, excuse me. Inuupuan mo yata ang reserved seat 'ko." Sabi ng isang babaeng bumungad sa harap 'ko na akala mong feeling maganda, nakataas pa ang kaliwang kilay at nakapameywang pa.
"Alis." Pagtataboy niya sa akin.
"Wala namang pangalan mo at wala na mang reserved nanakalagay para sa'yo, ah?" Pagsasabi 'ko ng totoo.
"Alis." Pagtaboy niya ulit sa'kin. Wala na lang akong magawa kung 'di ay tumayo na lang.
"Akala mo talaga kung sino," Bulong 'ko.
"Anong sinabi mo?" Sarkastikong tanong niya. Ay, narinig yata ng gaga.
"Sabi 'ko, hindi bagay ang make-up mong 'yan na mukha kang clown at mas lalo ng hindi bagay sa'yo ang alahas mong hindi gawa sa ginto na pasabit-sabit sa leeg mo, isasakal 'ko na 'yan sa'yo, e." Pagmumura 'ko sa kanya. Mukhang nagsi-tinginan ang mga bago 'kong kaklase sa akin dahil sa pagmumura 'ko sa topak na 'to.
"Excuse me?" 'Yun lang ang nasabi niya sa'kin.
"Bakit? Dadaan ka? Sige, daan na," Pang-aasar 'ko. Dumaan 'din ang gaga at umupo sa upuan 'ko kanina. Umirap na lang ako. Nakaka-bad trip talaga ang loka-lokang babaeng 'to.
Nakahanap na 'din ako ng panibagong upuan at ginawa ang pag pagpag bago umupo.
Kevin's POV
Pumunta kami ng Mommy 'ko sa Disneyland at nakipag meet kay Cinderella. Kahit kailan talaga ayaw 'kong makakita ng disney character, pero bakit bumata ako nakipag kaway pa kay Cinderella."Kevin, maligo ka na!" Sigaw ni Mom sa labas ng kwarto 'ko. Nambubulabog talaga siya tuwing matutulog ako. Napagising tuloy ako dahil sa paulit-ulit niya na namang sigaw.
Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para maligo. I don't care kung anong oras na, kung male-late man ako babayaran 'ko ang head ng school para lang sa oras.
Bumuhos ang tubig na nanggaling sa shower. Ang lamig. Kung pwede lang sana na maligo ng nakasuot pero nakasanayan 'ko na kasi ang walang suot habang naliligo, ito nanan ang ginagawa natin pag naliligo di'ba?
Habang bumubuhos ang tubig mula sa shower, tinignan 'ko ang sarili 'ko sa salamin. Ganyan na ba talaga ako kagwapo? Pinagmatyag 'ko ang aking mukha sa salamin. Kinuha 'ko ang shampoo at binuhos 'ko ng konti ito sa aking kaliwang kamay at nilagay ito sa buhok para mag mukhang claydo. Inayos-ayos 'ko ang buhok 'ko gamit ang shampoo pero agad naman itong nawala dahil sa buhos ng tubig na nagmula sa shower.
Pagkatapos, nag bihis na ako, kumain ng pang agahan at sumakay sa aking kotseng Forde. Inutusan 'ko na kasi ang driver namin na siya ang hahatid sa akin papuntang school.
Dati na nga pala akong kilalang mayaman sa school naming 'Break Free University.' Bukod sa gwapo na ako, matalino na 'rin.
"Sir, nang dito na po tayo." Pag bubulabog ng driver namin. Ang ganda na nga ng sinasabi 'ko sa isipan 'ko ibubura pa. Bumaba na lang ako ng kotse 'ko at pumasok na campus. Tamang-tama, ang aga 'ko. Hindi pa ako late.
"Pa-autograph po," May bigla na lang akong narinig na boses. Yumuko ako ng kaunti at nakita ang nagpa-cute na mukha ng isang babaeng kinder yata dito.
"Ganyan ba talaga suot mo? Pulubi ka yata," Hinila 'ko ang hawak niyang papel at ballpen at sinulatan ito ng 'Ang Panget Mo!' with signature 'ko pa. Binigay 'ko naman ito sa bata.
"Salamat po." Sabay ngiti niya. Okay lang ba sa kanya na sasabihang panget siya? Siraulo. Nakita 'kong lumayo siya sa akin at lumapit sa babaeng nakaupo sa bench at binigay ang papel at ballpen. Natawa ako kasi sumimangot siya sa nakita niya sa papel. Lumabas na 'din pala 'yun bata bitbit ang binigay sa kanya na 50 Pesos galing sa babae. Pulubi nga 'yun bata.
Nagsilapitan na naman ang mga babae at mga baklang manlalandi na naman sa'kin. Two months lang namang walang klase namimiss agad ako nila. Gwapo 'ko talaga... at cute. Hehe.
Tumakbo akong papuntang stage at nagsilapitan agad ang mga fans 'ko. Umiiyak at sumisigaw na nga sila dahil gusto lang nila akong makuha.
"Marry me!"
"Pa-fansign!"
"Kiss me!"
"Omaygad!" Isa-isa nilang sigawan. Hindi 'ko nga alam kung sino ang uunahin 'ko dito dahil sa mga sigawan nila. Parang thousands of students ang humahabol sa'kin.
"Kevin, may girlfriend ka na ba?!" Isa sa kanila ang may sumigaw na ganun. Kailangan 'kong humanap ng paraan para matantanan na ako nila. 'Yan kasi, e, hindi ako nagpa-red carpet kanina dahil sa tinatamad akong mag plano.
May nakita naman akong babae at agad 'ko siyang tinuro. "YOU!" Sigaw 'ko. Humarap naman siya. "She... is my new girlfriend." Sabay ngiti 'ko ng plastik.
"Ba-bakit?" Kabado niyang tanong.
"Girlfriend ka niya?" Tanong ng isa sa mga fan 'ko.
"Ewa-" Agad akong lumapit sa kanya at tinakpan ang kanyang bunganga.
"Yes, she is my... new girlfriend."
Tinapik-tapik niya ako kahit saan. Muntikan niya nang mahawakan ang junior 'ko. Letse, ang kulit niya.
"Sige nga, kung girlfriend mo siya halikan mo nga sa lips." Pagde-dare ng isa sa mga fans 'ko.
Inalis 'ko na ang patakip ng kamay 'ko sa bibig niya humarap ako sa kanya. Hinawakan 'ko naman ang dalawa niyang pisngi dahan-dahan 'kong nilapit ang mukha 'ko sa mukha niya.
"Ummm..." Sabi niya. Pero huminto ako sa paglapit ng mukha 'ko.
"Ba-bakit?" Tanong niya. Agad 'ko namang hinila ang kamay niya at tumakbong pababa ng stage!
"Bakit?!" Dali-dali niyang tanong.
"Come with me..." Banggit 'ko.
Kinausap 'ko siya kung bakit 'ko siya napili pero biglang tumunog ang bell kaya tumakbo siya at naiwan ang kanyang sapatos inamoy 'ko naman ito, ang baho, letse. Tinawag 'ko siya pero binalewala niya lang ako.
May babaeng lumapit sa akin. "Sino siya?" Pagtatanong niya. It's none of her business.
(Cover Made By SamsCuttiee. The old title of this story. See multimedia.)
![](https://img.wattpad.com/cover/35977340-288-k164750.jpg)
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...