TBM 38
Pauma's POV
Papunta na ako sa isang tindahan na nagpapabenta ng mga tsinelas. Ang layo pa naman ng tindahan sa eskwelahan na 'to. Tsk.Habang naglalakad patungo sa isang tindahan ay kumakanta ako upang may magawa naman habang naglalakad.
(PLAY IN LOVE AKO SA 'YO BY DARREN ESPANTO IN THIS PART)
"♪Mula no'ng makilala ka. Lagi na lamang naiisip ka. Ang 'yung ganda'y naiiba. Hangad kung lagi ay makita ka.♪" hinawakan ko muna ang leeg ko upang ma-kontrol ko ito sa aking pagkanta. "Sana'y hindi panaginip. O 'di kaya'y kathang isip. Naakit mo ang puso ko. Ngayon ay umiibig sa iyo.♪"
Lahat naman ng nadadaan kong bahay ay lumalabas ang mga tao at naka-atensyon ang mga mata nila sa 'kin. Kaya kinabahan naman ako. Juice colored.
"♪In love na ako. In love na sa iyo. Sana'y malaman mo. Ang damdamin ko. Tinamaan ako. Tinamaan sa iyon. Sana'y sabihin mo. Sa 'yo ay may pag-asa ako—" napapigil ako sa aking pagkanta ng biglang may bumuhos sa ulo ko, isang tubig na mapanghi.
Umangat naman ang aking ulo at napatingin sa itaas. Isang matandang may dala-dalang arinola sa bintana ang ibinuhos sa akin.
"HOY! ATENG!" pagtatawag ko.
Napatingin naman siya ibaba. "Bakit? Ano po ba iyon?"
"NABUHUSAN MO AKO NG IHI!" sagot ko.
"Sorry po." iyon lang kanyang sinabi at pumasok na.
Umirap na lang ako at naglakad na nababasa sa patungo sa tindahan. Panira talaga ng moment ang matandang 'yun, sarap tusukin ng karayom!
"Ate, pabili nga po ng tsinelas." banggit ko sa tindera na kakarating ko lang sa kanyang tindahan.
Tinabon niya naman ang kanyang ilong. "O, sige. Akin na ang bayad. Anong sukat?"
Sinabi ko naman ang sukat saka binigay ang pera. Binigay niya naman sa akin ang tsinelas kasabay na ang sukli.
"Salamat." pagsasalamat ko saka umalis ng tindahan.
Nalilito ako sa aking mga nadadaanan, hindi ko alam kung bakit nawawala ako ngayon at hindi ko na alam kung saan ang eskwelahang ginawang evacuation center.
"Nawawala na yata ako." napasapo ang aking kamay sa aking mukha habang naglalakad.
May isang lalaki naman ang nagtanong sa akin kung saan raw patungong Toril, akmang sasagot na sana nang biglang dumilim ang aking paningin! Hinawakan ko ang tumabon sa aking mukha, isa itong sako.
"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!!" pagsisigaw ko. Nararamdaman kong binuhat ako.
"Pre, ba't ang baho ng babaeng 'to?" naririnig kong usapan nila.
"Ewan ko ba."
"Nakita ko panty niya, o!" sigaw ng boses ng isang lalaki at tinusok-tusok pa ang puwet ko.
"ARAY!" sigaw ko habang nakatabon ang mukha ko sa loob ng sako.
Nararamdaman kong itinapon nila ako sa malambot na higaan at tinali pa ang dalawa kong kamay at dalawang binti, mahigpit nilang itinali ito. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.
"Ililipad ko na 'to. Babantayan mo iyang babaeng iyan, ha? Baka mahulog, lagot tayo kay madam pag nangyari iyon." banggit ng isa pang lalaki.
Naririnig ko ang tunog ng elise ng isang helicopter, na sa loob nga ba ako ng helicopter? First time ko talagang sumakay sa loob nito. Hindi na lang kaya ako gagalaw upang hindi ako mahulog? Okay, fine. Hindi na ako gagalaw. Juice ko, ang ingay pa namanng helicopter siguradong mabibingi ako ngayon nito.
"Saan niyo ba ako dadalhin?" untag ko.
"Ihuhulog ka namin sa dagat." sagot yata ng katabi ko.
"Huwag mo akong gawing shunga, dahil dinig na dinig ko pag nahulog ako ay mananagot kayo sa amo niyo." sabay irap ko. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ang pag-irap ko sa loob ng sako.
~
"Gising!" sabay buhos sa akin ng malamig na tubig kaya napagising ako. Ano 'to? Ice bucket challenge?
"YUMI?!" nanlaki ang dalawa kong mga mata nang makita ko sa harap ko ang isang Yumi Yeawhu. Wala na 'yung sako na tumabon sa ulo ko kaya nakikita ko ang mukhang kuko sa harap ko.
"Oo. Ako nga." nakangiti niyang sinabi at umirap pa, akala mo naman kung ikinaganda niya 'yan.
Inilibot ko ang aking dalawang mata sa paligid, hindi ko alam kung na s'an ako. At isa pa, nararamdaman ko na nakatali ang dalawang kamay ko sa likod at sa paa ko na 'rin habang nakaupo ako sa isang upuan.
"Paano mo nalaman na nasa Davao kami?" pagtataka kong untag.
"Every stories has an answer in its last chapter so, I should tell the answer of your question and so please repeat." banggit niya.
Gumalaw-galaw ako sa aking kinuupuan habang nakatitig sa kanya ng masama bago umirap. "My gosh. Bingi ang gaga." pang-aasar ko.
Nagulat na lang ako nang tinutukan niya ako ng baril. "My gosh. Mamamatay ka na." nakangiti niyang sinabi.
"Yumi, hindi mo alam kung anong sinasabi mo."
"Let me explain how it happens." inalis niya na ang pagtutok ng kanyang baril sa harap ko. "N'ong tumawag sa 'yo ang kaibigan mong kabayo sa condo niyo na binisita ko, ay narinig ko ang sinabi niyang na sa Davao kayo. So, nag hire ako ng sindikato upang i-kidnap ka at mamatay ka na."
"Walangya talagang baklang 'yun, matabil ang bibig." bulong ko sa sarili ko.
"Since, ang kuripot ni author mag bigay ng POV ko kaya surpresa na lang ang nangyayari sa buhay mo."
"Aba, dinamay pa si author." napa-irap na lang ako habang nagbubulong sa sarili.
"Kung gusto mong makatakas dito," tinutok niya muna sa akin ang kanyang baril bago itutuloy ang kanyang sasabihin. "Mag hiwalay kayo ni Kevin at pumayag kang magpakasal siya sa akin after two years."
"Hindi ako pwedeng makipag-hiwalay kay Kevin." seryoso kong sinabi.
"Sabi nga nila, ang pag-ibig ay parang sinulidna buhol-buhol pag hindi maaayos, kailangan nang... putulin."
"Oh my gosh, akala ko ako lang ang may alam dito na quotes pati 'rin pala ikaw? Yuck, gaya-gaya lang." ginaya ko pa ang pagtawa ni Kris Aquino. "Wait lang. Bago mo muna ipuputok ang baril, may i-uutos muna ako kaya Darla."
"Hindi ito ang oras para makipag-biruan. Seryoso ako!"
"Ba't kasi nakiki-epal ka pa? Alam mo na ngang may relasyon kaming dalawa ni Kevin, gumugulo ka pa?" seryoso na ang boses ko.
"If there is no villain. There is no great stories. Parang na sa pelikula lang tayo, 'di ba?"
"Oh my gosh, paano pa nagkaroon ng kamay ang kuko? Hindi pa ako na in-form." pang-aasar ko kay Yumi na mukhang kuko na ang bansag ko sa kanya habang nakatutok lang ng baril sa akin.
"Dapat pumayag kang makipag hiwalay kay Kevin!"
"Why should I? Ipaglalaban ko ang relasyon naming dalawa. Ayaw kong may nakiki-epal na isang desperada!" sigaw ko sa kanya.
Bigla namang pumutok ang baril sa harap ko!
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...