FAQ's and Trivias

1K 19 0
                                        

FAQ's

1. Bakit po pinapasukat ni Kevin ang nawawalang sapatos, e nakita niya naman po si Pauma no'ng una? Ba't gumawa pa siya ng program?
-Kasi hindi niya nahahanap si Pauma sa sobrang laki ng University kaya gumawa na lang siya ng program.

2. E, 'di ba po ay magkapatid dina Yumi at Pauma? Ba't iba po ang ginamit nila na apelyido? 'Yung kay Yumi ay Yeawhu tapos naman po kay Pauma ay Axes? Paano po nangyari iyon?
-Ang totoong apelyido ni Pauma ay Yeawhu kasi tatay niya 'yung tatay ni Yumi. Dapat sanang gagawan ng birth certificate si Pauma pero biglang nag-gyera no'n at patuloy lang sila sa pagtatago sa loob ng hospital hanggang sa gumaling ang Inay ni Pauma at na-isipang tumakas nito sa loob ng ospital habang nagkakaguluhan na. Kaya hindi na nagawan ng birth certificate si Pauma no'ng sanggol pa siya.

3. Ba't po na isipan ng mga barkada ni Kevin ang misyon na gagawin nito?
-Gusto nilang tulungan si Kevin dahil pababa ng pababa ang bussiness nila Kevin sa Amerika.

4. Ba't po nagka-gyera noon?
-It is a fight with a good or evil. Remember, may gyera sa Mindanao minsan.

5. Paano po napunta si Pauma si Maynila?
-Kinuha siya ng kaibigan niyang mayaman sa Davao kaya napunta siya sa Maynila.

6. Ba't po ang lupit ni Mr. Yaewhu?
-Kasi, gusto niya lahat ay maayos agad.

7. Paano po naging Mayor si Mr. Yaewhu?
-No'ng nagkalayo sila ng totoong asawa niya ay humanap siya ng trabaho hanggang sa tumakbo siya bilang Mayor at yumaman saka nanalo.

8. May gusto po ba si Drake kay Pauma?
-Wala, maliban sa kaibigan.

9. Anong year na ba si Pauma at Kevin?
-4th year college. Na typo lang po. Sorry.

~

Trivias

1.) About the name of the characters :

1. Pauma - Meron kasi akong classmate na ang pangalan ay Pauline at biglang king napa-isip ang bag na logo ay 'Puma', kaya pinaghalo ko kaya naging Pauma. Pronounce as 'Paw-Ma'.

2. Kevin - Pangalan ko po. Wala na po kasi akong ma-isip na ibang pangalan kaya ako na lang.

3. Yumi - Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kaya na-isip ko ang pangalan ni Yumi.

4. Drake - Name of character in a book 'Seducing Drake Palma'.

5. Jona - Inspired sa pangalan ng classmate kong bakla na si Davy Jones, kaya Jona na lang ang pangalan ng kaibigan ni Pauma pero hindi siya mukhang kabayo, ah?

2.) Inspired by :
- Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty)
Author : owwSIC

- Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang!)
Author :owwSIC

3.) Story title...
- First story title ko ang 'Mission: Break The Idiot's Heart', dahil sa title na book ng 'Operation: Break The Cassanova's Heart'. Napa-isip na lang ako na parang wala akong originality sa title. No'ng pinalabas sa sinehan ang 'The Breakup Playlist', pinalitan ko na naman sa akin ng 'The Breakup Mission'. Hanggang ngayon ay wala pa 'rin akong originality sa title.

4.) Story Cover
-Unang gumawa ng story cover ko ay ako, sabi ko ang panget. Tapos, grabe ang search ko sa wattpad hanggang sa nakita ko ang 'My Tag Boyfriend 2', binasa ko ang description na 'Cover Made By: SamsCuttiee' kaya, nag search ako sa wattpad ng SamsCuttie at nakita ko ang editor. Grabe ang ganda niya mag-edit. Tapos no'n ay 'yung dati pa na title ng story ko ang cover niya. Tapos, next ko na naman nakita ang another cover editor si vouzmevoyeez pero no'ng nakita lo ang ni-request ko sa kanya ay maganda naman ang fonts at ang cover. 'Yun nga lang ay ang title na :

THE
BREAKUP
MISS
ION

Nagtaka ang classmate ko kung paano napunta ang ION ng MISSION sa baba. Kaya kinuha ko na lang 'yung font at ako na lang gumawa ng bagong cover.

5.) About Park Shin-Hye and Lee Min Ho
- No'ng nag request kasi ako ng cover kay Sams dati, kailangan daw ay Kpop o Korean no Ulzzangs. Kaya na-isip ko ang 'The Heirs' na ipinalabas sa 'ABS-CBN'.

6.) About the ending...
- Binasa ko ang lahat ng mga questions sa story ko from the top to the bottom kaya sa last chap ko sinulat ang answers at ang panliligaw ni Kevin.

7.) The School...
- Sa istorya kasi ni Sic Santos na 'Lala Laitera', ay ang pangalan ng school ay 'Diamond In The Sky University' or DITSU sa kanta yata iyon nakuha ni Rihanna. Kaya naman kay Ariana Grande ko nakuha ang kanta niyang 'Btrak Free' kaya 'Break Free University' or BFU ang pangalan ng school.

8.) Ugali ni Kevin...
-Hambog, sinungaling minsan, laitero, walang awa pero mapagmahal at sweet. (Ugali ni Sic sa 'Lala Laitera' na story. 'Yung iba lang.)

9.) About sa Prologue...
-Masyado akong focus sa pag gawa ko ng prologue that time kasabay na 'din ang pagiging bitter ko sa pag-ibig na aking naranasan. Sobrang bitter talaga pagdating pa lamg sa prologue at na inspired ako sa 'She's Dating The Gangster'.

10.) About the comedy and drama...
- Habang sinusulat ko 'tong istoryang 'to. Na-iisip ko ang paborito kong author sa pagpatawa at pagpa-iyak na sina owwSIC at Kuya_Soju.

'Yan lang po ang ating trivia mula sa story na 'to. Maraming salamat sa mga sumusuporta at ina-add ang istoryang 'to sa library niyo at thank you sa pag-vote.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon