TBM 17
Pauma's POV
Naku, paano 'yan. Tinawagan ako ni Kevin para ipakilala ako sa harap ng parents niya. Paano ba ako makakalabas ng mansyon nito, e baka hindi ako papayagan ni Yumi na makalabas ng mansyon. Kailangan kong makatakas dito sa mansyon na 'to para lang makapunta sa midnight dinner with the Lee's family.Kinuha ko na 'yun sling bag ko na always kong ginagamit sa school na puro make-up lang ang laman? Ihahanda ko ito para mamayang gabi.
Biglang bumukas 'yun pinto kaya napatigil ako sa paghanda ng gamit sa harap ng salamin. Nakita ko sa repleksyon si Yumi.
"Kailangan mo nang pumunta ng school." Sarcastic ang kanyang boses.
"Talaga? Makakapunta ako ng skwelahan?" Gulat na tanong ko.
"Like 'duh' naman. Humingi lang kami ng permisyo sa school na half day kang papasok. Hindi lang naman habang buhay kang maging katulong dito na puro linis at inuutusan lang ang ginagawa." Nag-flip pa siya ng kanyang bangs. "Kaya naming bayaran ng malaking halaga ang school kahit hindi ako papapasok basta malaki ang grades ko kahit wala akong ginagawa. By the way, hihintayin kita mamaya sa gate after ng class niyo. Tss. Ayaw ko pa naman maghintay, pero utos ni Dad." Tumalikod siya sa akin at umalis.
May kabutihang puso naman 'din pala ang ugali ng pamilyang Yaewhu. Sa wakas, makakatakas ako at pupunta ng dinner mamaya.
Pinagpatuloy kong inihanda ang aking mga gamit sa loob ng sling bag ko para mamayang gabi. Dapat hindi ko makakalimutan ang cellphone ko at iba pang bagay na importante. Kailangan ko nang ihahanda ang susuotin kong sapatos.
Hinanap ko naman ang sapatos ko sa loob ng maleta ko. Pero, isang piraso lang ang nakita ko. Shutang inerns, na kay Kevin pa 'rin pala 'yun sapatos kong isa. Ito lang kasi ang nag-iisa kong sapatos na binigay sa akin ni Nanay bago muna siya umalis ng Pinas. Speaking of my gracious, wonderful, beautiful, pretty mother. Nakauwi na kaya siya ng Pinas? Miss na miss ko na siya, e. Simula 'nung unang tawag niya sa akin, na mi-miss ko 'yun boses niya. Kaso, pinatay agad 'yun tawag sana tumagal 'yun tawagan namin ni Nanay. Tsk.
Ilang oras ang makalipas, sabay kaming pumunta ni Yumi sa BF University. Actually, pinagtitingnan nga kami ngayon ng mga estudyante sa campus kung bakit kami nagsasama ni Yumi. Nakayuko lang ako habang sabay kaming naglalakad patungo sa classroom. Actually, 12:00 P.M. kaming nakarating sa school at heto kami ngayon, naglalakad sa gitna ng ground ng school.
"'Wag kang yumuko, para kang white lady na hindi nagsusuklay." Biglang nagsalita si Yumi kaya napatingin ako sa kanya sa sinabi niya.
Nag-aalanganin akong yumuko. Nakakahiya kasi, e. "Yumi, pwedeng... pwedeng 'wagkang dikit ng dikit sa akin? Nakakahiya sa mga estudyante, e."
"Aba't ikaw pa ang nag-iinarte ngayon. Galing mong maging kontrabida, ah?" Kalmadong sinabi sa akin ni Yumi habang patuloy lang kami sa paglalakad. "I-angat mo ang ulo mo."
"Your not my sister." Nakayuko kong sinabi.
"But I'm your boss. Your just my assistant."
"Assistant ang posisyon ko sa loob ng mansyon niyo? Akala ko ba kasambahay lang ako?"
"Assistant, kasambahay. Whatever." Umirap pa siya.
Finally, nakarating 'din kami sa loob ng classroom namin. Walang estudyante sa loob kundi kami lang ni Yumi. Nakaupo lang kami sa aming kinauupuan at hinihintay tumunog ang kampana ng University, as if naman kung simbahan 'to. Kalerky.
May naririnig akong tawanan at hiyawan ng isa sa mga kaklase namin na papasok sa loob ng classroom. Nilipat ko ang aking tingin sa pinto at nakita si Sandra with some other friend na nagtatawanan. Nakita naman ako ni Sandra na nakaupo lang.
"Allysa, mauna ka na lang munang umupo. May kakausapin pa ako, e." Sabi niya sa kanyang kaibigan.
Tumango naman ito. "Sige." At umalis na.
Lumapit sa akin si Sandra. "Friend, what just happened to you this morning? Ba't hindi ka sumulpot kaninang umaga?" Pasimula niyang tanong.
"Nagsimula na akong mag trabaho sa mansyon ng mga Yaewhu." Simple kong sinabi na walang emosyon sa aking mukha.
"Oh, I see. Narinig ko 'yan mismo sa bunganga ni Yumi noong nag-away kayo sa canteen." Ngumiti lang siya ng simple. "Alam mo ba kanina, grabe 'yung tawanan namin sa classroom. Kilala mo 'di ba si Jade at Kleyon? 'Di ba sila 'yung kinikiligan natin dati? Alam mo, niligawan ni Kleyon si Jade kanina. Grabe kinilig talaga ako kanina, as in one hundred percent!"
Natawa ako ng konti at nagtaka. "E, wala ka namang sinabi na Kleyon at Jade sa akin dati, ah?"
"Ay, oo. Si Keila pala 'yung na sabihan ko dati."
Nawalan ako ng emosyon. "Kailan pa kaya ako liligawan ni Kevin?"
"What?! 'Di ba kayo na?"
Nagulat ako sa sinabi ko. "Ay, kami na nga. Pero, gusto ko kasi manligaw siya in public. Pangalawang pagliligaw. Actually, ipapakilala niya nga ako sa parents niya mamayang gabi, e." Napatakip ako ng bibig baka marinig ni Yumi ang pinag-uusapan namin ni Sandra.
"Talaga? Sana ako na lang ang naging girlfriend ni Kevin..."
Tumunog na ang kampana at nagsipasukan na ang lahat ng mga estudyante sa loob. Pumasok na 'rin ang guro kaya agad bumalik sa kina-uupuan si Sandra. Nagsimula na 'yung klase namin sa first subject ng hapon.
(5:00 P.M. In The Evening)
Tapos na 'yung klase kaya dali-dali akong lumabas ng classroom bago pa man ako mabuking ni Yumi. Hinanap ko ka-agad ang classroom ni Kevin at nakita ko naman ito. Punasok ako sa loob at nakita ko si Kevin na naka-tuxedo at naka-upo lang sa teacher's table.
"Why are you late? Mag sho-shopping pa tayo, 'di ba? Kailangan mong sumuot ng formal dress para sa midnight dinner natin sa mansyon. Ipapakilala kita sa parents ko." Kalmado niyang sinabi sa akin habang nakayuko. Ano, yukuan na lang tayo dito, koya?
"Tumayo ka nga diyan." Pag-uutos ko sa kanya. Tumayo naman siya. "Tara na nga."
Tumalon kami sa bakod kung saan natatagpuan ito sa likod ng school. Agad kaming tumakbo para makapunta lang sa mall. Nakarating naman 'din kami sa mall at agad pumunta sa Department Store.
"Bilisan mong mag pili, ha?" May kinuha si Kevin sa kanyang bulsa at isa itong pitaka. May kinuha naman siya sa loob ng kanyang pitaka. Isa itong ATM Card. "Heto, gamitin mo 'yan, ha?" Binigay niya sa akin ang ATM Card.
"Ano ka ba. Hindi ko kaya alam ang code or password sa ATM Card mo tapos, gagamitin ko pa?"
"'Wag kang tanga. Hindi ka naman mag wi-with draw." May tonong pang-aasar ang kanyang boses.
Kinuha ko sa kanya ang ATM Card. Agad naman akong pumasok sa loob ng Department Store. Pumili naman ako ng mumurahing magagandang damit. Sinabi ko na 'din sa staff nila kung meron ba silang formal dresses.
"Meron naman po kaming ganon." Nakangiti pa 'yun lady staff nila.
"Saan banda?" Tanong ko naman. Tinuro niya naman sa aking kung saang banda 'yung formal dresses.
Ilang minuto ay tapos na 'din ako sa pag sho-shopping. Bumili ako ng doll shoes, tiyak na bagay 'tong suot ko without make-up. Ay, mamaya na lala ako mag me-make-up sa loob ng taxi. Lumabas ako ng Department Store. Nakita ko si Kevin na nakaupo at naghihintay sa akin. Tiningnan niya ako.
"You look so beautiful." Nakangiti niyang sinabi.
Sana magugustuhan ako ng mga magulang ni Kevin...
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Roman pour AdolescentsNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...