TBM 43
Kevin's POV
Hindi ko masasabi ang sasabihin ko kanila Yumi. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Nanginginig ang mga kamay ko. Pumuputla ang mga labi ko."Yumi..." dahan-dahan kong binanggit. Lumingon naman sa 'kin sina Yumi at Mayor.
"Kevin!" Agad akong nilapitan ni Yumi upang yakapin.
Habang niyayakap niya ako, tumutulo ang mga luha ko na nanggaling sa aking mga mata.
"Mr. Lee, there you are. I'm glad you are here." nakangiting banggit ni Mayor.
Humiwalay sa pagyakap sa akin si Yumi. "Ano bang kailangan mo dito? Miss na miss na kita." Tumayo siya sa harap ko ng maayos.
"Payag na po ako sa desisyon niyo." seryoso kong sinabi habang tumutulo ang mga luha ko.
"REALLY?" hindi makapaniwalang sabi ni Yumi.
"Mabuti naman at pumayag kang pakasalan si Yumi. You never breaks promises." ani Mayor.
"Masakit po sa puso ko ang makipaghiwalay sa girlfriend ko."
Hinawakan naman ni Yumi ang dalawang kamay ko. "It's okay, Kevin. Mabuti nga at dumating agad 'yung karma sa buhay niya." tuwang-tuwa na banggit ni Yumi.
"Pero, Yumi. Papayag ka ba na papakasalan kita na hindi kita minahal?" untag ko sa kanya.
Hindi umimik si Yumi. Wala siyang ma-isagot sa tanong ko. Tulalang-tulala si Yumi.
"Yumi, nagpakasal lang tayo na walang halong pagmamahalan. Masasaktan ka lang sa ibabanggit ko sa 'yo. Kahit isang 'I do' ko sa simbahan ay makukuha mo pero lahat ng iyon ay kasinungalingan lamang." dagdag ko pa.
"Okat lang, Kevin. Kaya kong isakripisyo sa isang lalaki na hindi ako mahal. Gagawin ko lang ang lahat para mahalin mo lang ako." sagot niya.
"Pero sayang lang ang effort mo sa pag-aalaga sa 'kin, ikaw lang ang mahihirapan, ikaw lang 'din ang masasaktan."
"Alam kong ako ang tumayo sa problema kong 'to. Kaya kailangan nang ayusin sa madaling paraan." sabi ni Yumi.
"Is this what you called the 'easy way'? You made our life cruel and ruined because you are the one who build this kind of problem." Pinigilan ko ang luha kong tumutulo.
"Kevin, wala na talagang ibang paraan. Kami na ang bahala sa business niyo."
"How did you know about our business?"
"Alam na namin ang tungkol sa business niyo. Tungkol 'dun sa renta? Ikinwento na 'yun ng ama mo sa amin." sagot ni Mayor.
"Maraming salamat po sa tulong niyo... Papayag na po talaga ako." sabi ko naman.
"I'm so proud of you, Kevin. You just choose the right thing." nakangiting sabi ni Yumi. "So, kailan ang paghihiwalay niyo ni Pauma?"
"Ako na lang po ang bahala."
"Sigurado ka na ba diyan, Mr. Lee?" ani Mayor.
Humarap naman si Yumi sa ama niya. "Dad, talagang sigurado na si Kevin sa kanyang desisyon na makipaghiwalay kay Pauma. Huwag mong sabihin na kinakampihan mo ang isang anak mo sa ibang babae?"
"Don't you dare to talk like that on your own sister!" galit na sinabi ni Mayor kay Yumi.
"Magkapatid kayo ni Pauma?" untag ko kay Yumi.
Humarap naman siya sa 'kin. "Oo. Paano nangyari? Binuntis ni Dad ang ina ni Pauma at ipinanganak si Pauma noong panahon ng gyera nagkahiwalay sila... blah. blah. blah. Tapos, humanap ng iba si Dad at iyon ang ina ko na at ipinanganak ako after two months so which means mas matanda pa si Pauma keysa sa akin. Ugh." paliwanag niya saka umirap.
"Kaya pala nakita ko kanina si Pauma kasama ang kanyang pamilya." Humarap naman ako kay Mayor. "Pero bakit po kayong pumayag na magpakasal po kami ni Yumi?"
"Just accept it. Binuntis mo na ang anak ko, wala na akong magagawa kung 'di ay pakasalan mo si Yumi after two years." sagot ni Mayor.
Pauma's POV
Tumigil ang tricycle sa harap ng condo unit ng friend kong rich. Kaya bumaba kami at bumayad sa driver ng aming pamasahe. Pumasok naman kami sa condo at pumasok sa room namin ni kabayo."Sige na, Pauma. Mag impake ka na dahil dadalhin ko na kayo ng tatay at kapatid mo sa Korea at 'dun na tumira. Natatandaan niyo ba 'yung passport na pinagawa natin sa Davao? Nang dito na. May pirma ka na pati na ang kapatid mo at tatay mo. Ililibre na lang tayo ni Jona sa ticket at iyon ang pinagusapan namin noon pa." banggit ni Inay.
Lumingon naman ako ng dahan-dahan kay Jona saka humarap kay Inay. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Inay, hindi ko po kayang iwanan dito si Jona at lalong lalo na si Kevin."
"Alam namin, Pauma. Pero masakit sa 'yo ang iwan ang nobyo mo. Pero mas nakakabuti ito upang lumayo ka sa problema. Pinaliwanag na sa amin ni Kevin ang lahat. Pustahan lang 'daw iyon upang makuha niya ang isang milyon na galing sa kanyang mga barkada. Pinaniwala niya lang ang kanyang mga tagahanga upang hindi na ito manggulo sa kanya kaya na ituro ka niya sa entablado." paliwanag ni Itay. "Sinabi niya iyon sa amin nang dahil ikinwento niya ito at nang hindi ka umuwi sa evacuation center may tumawag sa kanya at pagkatapos siyang tinawagan, doon na siya bumalik sa hapag kainan at sinabi ang katotohanan kaya nagpasundo siya ng sariling hepicolter." ani Itay.
Tumingin naman sa kanya si Joshua. "'Tay, helicopter 'yun at hindi hepicolter."
"Hindi ako naniniwala sa inyo na sinabi niya na isang pustahan lang pala ang lahat. Pero mas naniniwala ako na peke ang aming relasyon dahil pinaliwanag niya iyon sa akin." sagot ko naman. "Hindi po ako sasama sa inyo sa Korea dahil mas gusto ko dito sa Pilipinas dahil dito ako masaya. Tatawag na lang po ako sa inyo."
"Pero paano ang ticket mo, Pauma?" untag ni Inay.
"I-kansela niyo na lang po ang ticket ko. Kahit anong pilit niyo po sa 'kin hindi po ako sasama sa inyo." sagot ko.
"Ate, palagi po dapat kayong mag dasal, ha?" nakangiting sabi ni Joshua.
"Oo naman. Magdadasal ako para sa inyo." nakangiti ko 'ding sinabi. "Kailan na po ba ang flight niyo?"
"Sa byernes pa."
"Malapit na po pala, dalawang araw na lang." malungkot kong sinabi. "Siguro po bukas na lang 'din po ako papasok."
Saan na kaya si Kevin ngayon? Sana papasok siya bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/35977340-288-k164750.jpg)
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...