TBM 20
Kevin's POV
Nagising na lang ako ng maaga na walang saplot. Ano bang nangyari sa akin kagabi? Parang wala ako sa aking sarili. Saka kolang na-alala na may nangyari sa amin ni Yumi!
"Gising ka na pala, Kevin..." Nakita ko si Yumi sa tabi ko. Hinalikan niya naman ako sa aking labi ng panandalian lamang.
Natulala na lang ako sa kawalan. "Y-Yumi, paano kung..." Natigilan ako sa sinabi ko dahil ayaw kona itong ituloy. Ayaw ko marinig ang salitang iyon sa aking isipan.
"It's okay, Kevin. Sekreto na lang natin ito." Nakangiti niyang sinabi at bumangon na sa kanyang kama.
Na-alala ko na ang lahat... ang nangyari sa amin. Todo kapit siya sa batok ko habang hinahalikan ako kagabi! Parang nalalasing ako habang ginagawa namin iyon. Ano ba takagang meron sa juice na 'yun at napilitan kong hinalikan si Yumi? Nagtalikan ba kami kagabi?
Bumango na 'din ako sa kama at pinulot ang damit ko sa sahig. Lumabas na 'rin ako sa kwarto ni Yumi habang naliligo siya sa banyo. Walang hiya ka, Yumi.
Sinimulan ko nang ini-andar ang makina ng kotse ko at pinatakbo ito patungo sa condo ko. Hindi na ako pupunta sa mansyon dahil magtataka si Mommy at 'yung bunsong kapatid ko kung saan ako pumunta.
*BEEEEP!*
May humarang na truck sa harap ng kotse ko at mukhang mabilis ang pagtakbo ng aking kotse! Inapakan ko ang break pero huli na ang lahat!
"AAAAHHHHH!!"
Nabunggo na 'yung kotse ko sa truck. Malakas ang impact nito at mukhang nabasag 'yung salamin ng kotse ko kaya nagka-sugat-sugat ang aking mukha. Hanggang sa dahan-dahan kong ipinikit ang aking dalawang mata.
Pauma's POV
Napagising na lang ako sa sahig dahil sa malakas na katok na nang galing sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko pala namalayan na nakatulog na pala ako sa sahig kagabi.
"Pauma, buksan mo 'yung pinto!" Boses iyon ni Manang na panay katok ng katok sa pinto.
"Manang, ako na ang mag-bubukas." Dinig ko ang boses 'rin ni Yumi na kinakausap si Manang. May naririnig akong tunog ng mga susi. Mukhang bubuksan ni Yumi ang pinto. "So how are you, Pauma?" Nakangiti niyang sinabi sa akin nang makapasok siya sa aking kwarto.
"Yumi, saan ka ba nagpunta kagabi? Nag-alala na kami sa iyo, e." Sumingit si Manang.
"M-May pinuntahan lang ako..." Nakayuko kong sinabi kay Manang. "And also, Yumi. I'm fine."
"Ayan kasi, naglalakwatsa ka at kung saan-saan ka pa pumupunta." Kalmadong sinabi ni Yumi. "And by the way, Pauma. Sinabihan ko na si Daddy na hindi ka pupunta ng school ngayon dahil may sakit ka, at iyon ang aking dahilan."
"At naniwala naman ang peste mong ama?" Nang gigigil kong sinabi sa kanya.
"Of course, why not? I'm his only daughter in this mansion." Nakataas pa 'yung isa niyang kilay at nakapameywang pa.
"Walang hiya ka talaga, Yumi!" Nagalit na ako. Parang gusto ko na siyang patayin dahil sa mga ginagawa niya sa akin. "Aminin mo, Yumi. Nagseselos ka sa relasyon namin ni Kevin! 'Yun ba? 'Yun ba?!"
"Why should I?" Nakangisi niya pang binanggit.
"'Wag ka na kasing mag maang-maangan pa! Dinig na dinig ko ang mga salitang iyon kagabi habang lasing ka! Akala mo nagpapatanga lang ako sa harap mo? Ha! Hindi ako tangang nagpapatanga lang sa harap ng tao! Binabalanse ko ito sa mga oras na masaya kayo na may halong seryoso!"
"Hanggang ngayon, Pauma? Ang tanga-tanga mo pa 'rin. Wala ka nang mapapansin sa akin." Humarap na siya sa akin ng seryoso at hinawakan pa ng kanyang isang kamay ang dalawang panga ko. "Sa lahat ng hirap na ginawa mo sa lalaking iyon, ay sinayang mo lang." Lumayo na siya sa akin at lumabas na ng aking kwarto.
Nakita kong may lungkot sa mukha ni Manang. Ay, affected? "Pauma, dadalhan na lang kita ng pagkain dito sa kwarto mo." Sabi ni Manang. Tumango na lang ako. "Pauma, ano bang ginawa sa'yo ni Yumi?"
"Ah, wala naman p-po..." Nakayuko kong sinabi.
"Pauma, ayaw ko ng mga nag-sisinungaling tao." Malungkot niyang sinabi.
"E, manang t-totoo naman po ang mga sinasabi ko..."
"Pauma, kung may problema ka. Nang dito lang ako sa tabi mo, okay?" Sabi ni Manang. Tumango ulit ako. "Ay, dadalhan na pala kita ng ulam." Lumabas na si Manang ng aking kwarto.
Tumayo na ako mula sa sahig at inasikaso ko na ang aking sarili. Tinalian ko na ang aking buhok at kinuha ang plastik bag sa garbage can. Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretso sa labas ng mansyon para itapon ang plastik bag sa trash bin.
Nakita kong lumabas Yumi. Mukhang nakita niya ako kaya dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Ba't ka lumabas sa kwarto mo?" Nakataas pa 'yung kilay niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Gusto ko lang naman kasi itapon ang basura sa basurahan kung saan ka nakatira." Nang gigil kong sinabi sa kanya.
"How dare you. Wala kang karapatan na tawagin ang tahanan kong basura." Kalmado niyang binanggit.
"Sabihin mo na kasi, Yumi. Nagseselos ka lang sa relasyon namin ni Kevin." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Isa ka lang kasambahay dito na nakikipagrelasyon sa fiance ko!" Akmang sasampalin niya sana ako pero agad ko 'tong sinalo gamit ang kanang kamay ko.
"Inamin mo na talaga na nagseselos ka lang. Mukha ka na ngang basura, asal basura ka 'din pala." Tumalikod ako sa kanya at lumakad ng deretso patungo sa loob ng mansyon. Iniwan ko siyang galit sa labas ng mansyon.
Aba! Ako bida dito sa kwento at hindi siya, kontrabida lang siya dito kaya 'wag na 'wag siyang magsasalita ng mga kagagahan asal ng mga asong urur.
"Pauma, nang diyan ka lang pala. Saan ka ba nagpunta? Naku, napanood mo na ba sa TV 'yung balita?" Pag-alala ni Manang na may dalang tray na may pagkain sa taas nito.
"Manang, mukhang nahihirapan ka. Ako na ang mag bitbit niyan." Kinuha ko kay Manang ang tray na hinahawakan niya. "Ano ba 'yung nangyari sa balita? Nagkaroon ba ng alien invasion dito sa Pinas?"
"Hindi!" Mukhang nababaliw si Manang sa sasabihin niya.
"Ano? Absent ba si Ted Failon?"
"Hindi!" Mukhang humagulgol na si Manang sa sasabihin niya.
"Ano ba kasi? Ano bang nangyayari sa'yo, Manang? Kanina pa nangangalay 'yung paa ko dito. Ba't hindi niyo pa ba sasabihin ang nangyari sa balitang iyon?"
"Si Sir K-Kevin!" Humagulgol ulit si Manang. Sumipa-sipa pa siya sa ere, nakahandusay na sa sahig, e.
"Ano bang nangyari sa kanya? Siya ba ang naging endorser ng Palmolive?" Nagtataka na ako kay Manang. Parang nababaliw na yata 'to. Dapat nga ako pa ang mag-alala kay Kevin, hindi siya.
"Hindi!" Sumigaw-sigaw na siya at sumipa ulit sa ere habang nakahandusayna sa sahig. "Pauma, na... na aksidente si Kevin!"
"Ano?!" Sabay naming nasabi ni... Yumi na nasa likuran ko lang pala siya.
Bigla kong nabitawan ang tray at nahulog ito sa sahig. Kumalat ang nga pagkain. Tumumpok ang mga langaw. Kumalat ang mga ipis. Kumuha ng konti ang mga daga. Nagsitakbuhan ang mga butiki. Joke lang. Hindi ko naman nakita kung anong nangyari sa pagkaing nahulog.
"Kailangan niyo nang pumunta sa ospital!" Sigaw ni Manang.
Kevin, ba't excited kang mamatay?
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Novela JuvenilNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...
