TBM 44
Pauma's POV
Kakagising ko lang kaninang umaga, luto na agad ang na amoy ko sa kusina na niluluto ng aking ina. Lumabas naman ako sa aking kwarto na dala-dala ang mga damit ko upang dumiretso nang maligo."Joshua, ba't ba ang tagal mo diyan sa loob ng CR, ha?" Katok ako ng katok sa pinto ng banyo dahil kanina pa nakakulong si Joshua sa loob.
"Sandali lang, Ate. Nagdadasal pa ako at isa pa, ang lamig kaya ng tubig. Magkurog ko, e." sagot niya naman.
O, ano? Mga readers? Na intindihan niyo ba ang sinabi ni Joshua? Ang ibig-sabihin nito ay nilalamig daw siya.
"Bilisan mo pagkatapos. May klase pa naman ako. Pasalamat ka, Joshua. Sa Korea ka na mag-aaral, samantala ako sa Manila lang. 'Yung school naming binubulok na ang pangalan." banggit ko.
"Sige na, Ate. Lalabas na ako. Tama na ang drama. Parang sinisisi mo ang lahat kay Kuya Kevin, ha? Ba't hindi ka pa kasi sumama sa amin?" sabi naman ni Joshua.
"Wait lang, parang may natatandaan ako noong high school tayo, ah?" ani Jona. "Kahit anong kasalanan natin, anong masamang nangyari at kung ano man ang malas natin sa buhay..."
"SINISISI NATIN SA ITLOG NI CHARLES!" Sabay turo namin sa isa't-isa.
"Oo nga, 'di ba siya 'yung crush natin dati na pinag-aagawan natin? Haha. Na aalala ko pa 'yun. Ang gwapo niya, 'no?" ani Jona.
"Ang gwapo niya sana kung hindi lang kami naghiwalay." sabi ko.
"Bakit naging kayo ba? Pa move on move on ka pang nalalaman diyan, e hindi pala naging kayo. Bitter lang kasi may nahanap siyang iba."
"Konting-konti na lang, bakla. Itatapon ko na talaga 'tong panty ko sa 'yo." pagbabanta ko sa kanya.
"Sana kasi naging kami na lang ni Charles." pangangarap na sinabi ni bakla.
Tinapon ko naman sa kanya ang panty ko na hawak-hawak ko kanila lanh. Agad namang bumukas ang pinto at nakita ko naman na nakasuot ng pang pari si Joshua.
"O, saan na naman ba ang raket mong bata ka?" untag ko sa kanya.
"May nakita akong simbahan diyan kahapon. Magtatrabaho ako bilang sakristan." sagot niya.
"Sakristan your face kang bata ka. Baka mawala ka pa dito at iba pa ang makakadampot sa 'yo."
Lumabas naman siya sa loob ng banyo at pumunta sa kusina upang kumain.
"Jona, kunin mo nga 'yang panty kong tinapon sa 'yo." utos ko kay Jona.
"I'm not born to be your servant." nakataas ang kilay na turan nito.
Pumasok naman ako sa loob ng banyo at kinuha ang timba 'dun saka lumabas at bantaan si Jona. "Gusto mo itapon ko 'tong timba sa mukha mo hanggang sa wala nang magkakagusto sa 'yo?"
"Ano ka ba, friend." Pinulot niya naman ang panty ko sa sahig. "Ito na nga, o. Kinuha na. Hehe."
Napa-irap na lang ako sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at ibinigay ang panty kong tinapon ko lang kanina.
"O, ito na." binigay niya naman sa akin ang panty ko.
"Salamat." masungit kong sinabi.
~
Dear Diary— charot lang. As if naman kung may diary ako, 'no. Na-aadik kasi ako dito sa binabasa kong binigay sa akin ni Sandra, well remember my friend kong hindi nagpapakita sa sa istorya ko? Ekstra lang talaga ang kinuha niya.
Anyway, habang nagtuturo si Prof. sa amin about science, wala naman akong pake-alam sa subject niyang laos.
"What is the beauty of our country than to our nature? The country is different than to our nature, right? Our country uses electricty..."
Geh, Sir. Push pa. Wala nang estudyante ang nakikinig sa lectures mo. Habang ako naman dito, nagbabasa lang sa favorite kong author na si owwSIC ng...
'Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang!)'
Tawang-tawa ako upang makalimutan ko lang ang problema ko sa aming dalawa ni Kevin. Niloloko niya lang pala ako. Hindi ba siya na aawa sa fes kong maganda pa keysa sa mukhang kukong bansag ko kay Yumi?
Ang tanga-tanga ko talaga kung bakit ako nahulog sa bitag ng lalaking 'yun. Mahal niya ba talaga ako? May sikreto ba silang dalawa ni Yumi?
Pero in fairness, ha? Umap-grade ngayon ang katawan ni Yumi, hindi na siya slim katulad ng dati. Ang dami-dami kasing kinakain at akala mo naman kung baboy, e mukhang kanding lang na may bangs. Haist. Kung mayaman lang talaga ako, lahat ng lalaki pasok na pasok sa pempem ko.
Ay punyeta talaga 'to, o. Ba't nahahawa ako sa mga sinusulat ni Sic dito sa istorya niya? Pempem, patola, red sea, bataan, balyena, pusit, chakamon, bakulawmon at kung ano-ano pa. Huwag kasing makikigaya...
Pati konsensya ko, sinasagot na ako. Juice colored. Pa-epal pa 'tong konsensya ko. Alam niya ba na nagfo-focus ako sa binabasa ko? Weh? Sure ka ba na nagfo-focus ka? Ba't kanina ka pa daldal ng daldal sa isipan mo? May sayad ka ba, 'te?
Konting-konti na lang talaga, isasapak ko na talaga 'tong librong binabasa ko sa ulo kong kumo-konsensya. Sure ka na ba talaga sa plano mong 'yan, 'te? Baka hindi 'yan matutuloy? Hmm.
"AHHH!!" sinapak-sapak ko naman sa ulo ko ang binabasa kong libro sa sobeang galit ko sa konsensya kong malikot.
"What are you doing, Miss Axes?" nakataas na kilay na sinabi ni Prof. sa 'kin.
Tumigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. "Sir, I have a problem for the brain. Este, for my brain. Este, to my brain." Napakagat na lang ako ng labi dahil sa sobrang kabang nararamdaman.
"Do you have any mental illness?"
"Mental illness po? Wala po." sabi ko naman.
Lumapit naman sa akin si Prof. at kinuha ang hinahawakan kong libro na kanina lamang ay binabasa ko. "Akin na nga 'yan." Binuklat niya naman ang libro. "Ito ba ang binabasa mo? Ba't ang bastos ng librong binabasa mo? Pumipitas ka ba ng patola?"
Nagulat ako sa sinani ni Prof. "No, Sir. Hindi pa po ako nakakapitas ng patola."
"Are you sure?" untag niya sa akin habang nakatingin sa libro. "But, seriously. It is an interesting story."
Ang pervert 'din pala ni Prof. Nag-aano 'din ba 'to si Prof. sometimes? What am I tengking? Dapat po-problemahin ko muna 'yung sitwasyon ko sa amin ni Kevin.
Napatingin na lang ako sa kina-uupuan ni Yumi. Nakangiti siyang nakatitig sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro natutuwa siya sa ginawa sa akin ni Prof. Dapat naman 'din akong ngumiti dahil sa sinabi ni Prof. na interesado 'daw siya.
Porquet mataba ka na Yumi, ang saya-saya mo na. Baka hinakot mo lang talaga ang SM Supermarket no'ng wala kami dito sa Maynila ni Kevin. Akala mo kung sexy ka na.
Pero, usapang Kevin. Pumasok ba siya kaninang umaga sa school?

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Novela JuvenilNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...