TBM 49
Pauma's POV
Ba't gano'n? Kung saka pa mag-aayos ni Kevin, e do'n pa siya aalis? Shunga-shunga talaga ni author, sarap hampasin ng dos por dos. Charot.Actually, sa mga nangyayari ngayon ay hinatid ako ni Drake sa condo ng kabayo kong kaibigan at pagkatapos no'n ay nagpaalam na sa akin si Drake na aalis na siya. So umalis talaga siya, dagdag gasgas na naman sa istorya 'tong si Drake kung may usap-usap pa, 'di ba?
Pumasok ako sa kwarto ko at nagpahinga na sa kama, malamang humiga ako, 'di ba? Busit. Na-aalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Kevin no'ng aalis na siya kanina. Omaygash, kinikilig ako tagos to the pempem. Pero bigla lang napalitan ang emosyon ko nang sinabi niya na may anak na pala sila ni Yumi. Hehe. Nakaka-peste, 'no?
"HOY, PAUMA! MAY TUMATAWAG SA SAMSUNG PHONE KO, O! SI NINANG!" Katok ng katok si Jona sa pinto ng kwarto ko.
"MAG-HINTAY KA NGANG KABAYO KA! POTA." sigaw ko 'rin.
Bumangon naman ako sa hinihigaan ko at lumabas sa kwarto ko. Inagaw ko bigla kay Jona ang hawak niyang phone at sinagot ang tawag ni Inay.
"O, hello, 'Nay? Napatawag ka?"
"Anak, may two hundred thousand ako na nasa LBC, ewan ko kung kinuha ng gobyerno ang balikbayan box ko. Mga putanginang gobyerno na 'yan, hindi naman ako OFW. Tanungin mo na lang ang mga nagtatrabaho diyan sa LBC ang pangalan ko. Kung wala kang matanggap, e 'di putang ina 'yang sila. Sige, bye. Sisigawan ko muna 'tonh si Joshua dahil nagnakaw ng holy water sa simbahan. Babush." Pinatay naman ni Inay ang tawag.
Binigay ko naman ang phone kay Jona. "O, Jona. Samahan mo ako sa LBC dahil may pinadala si Inay na two hundred thousand." banggit ko kay Jona.
"K. Fine. Para naman 'din may silbi ako sa istoryang 'to." Sabay irap niya sa akin.
"Magbihis ka na nga ng damit. Bilisan mong bakla ka." pag-uutos ko.
"E, hindi ka pa nga nagbibihis, e?"
"Kanina pa ako naka-bihis, o? Hindi mo ba nakikitang naka-sexy shorts ako? At saka huwag mo akong gayahin, ang itim mo na nga may balak ka pang mag-sexy shorts."
"K. Magbibihis na ako." Umirap na naman siya sa amin ulit saka pumasok sa kanyang kuwarto.
Mga ilang minuto ang makalipas ay lumabas na 'din siya na naka-palda ng ma-iksi. Lakas ng loob ni kabayo, ah? Naka-palda ang gaga.
"O, tara na?" naka-ngising sinabi ng kabayo.
Ngumiti ako ng nakaka-asar. "Lakas ng loob maka-palda, ah? Nag shorts ka ba sa loob ng palda mo?"
"Wala." simple niyang sagot.
"E, anong suot mo?"
"Panty. Ahihi." humagikgik pa si bakla. Hampasin kita ng brief diyan, e.
Lumabas na kami ng condo at pumara na ng taxi at sumakay sa loob. Sinabi namin sa driver na sa LBC kami bababa tapos, tinanong niya kung saang LBC tapos isa lang naman ang sinagot ko.
"Sa CR po 'yun matatagpuan ang LBC na hinahanap namin. Try niyo po kayang hanapin?" pamimilosopo ko.
Sumimangot na lang siya at pumunta sa tamang direksyon ang taxi. Nagtatanong pa, e alam naman pala kung na saan.
Pagkatapos naman ay bumaba na kami ng taxi pagdating namin sa harap ng LBC. Nagbayad na kami sa taxi driver, pagkatapos ay umalis na.
Pumasok na kami sa loob ng LBC at tinanong kung na saan ang two hundred thousand ni Inay ko at sinabi ko naman ang pangalan ni Inay. Pagkatapos ay binigay nila ito sa akin at ang natanggap ko ay limang sobre. Nagpasalamat naman ako at lumabas na ng LBC.
"Jona, maglakad na lang tayo do'n, baka makakahanap pa tayo ng taxi.
"Wait lang, friend. May bibilhin muna ako sa strabucks, okay?" sabi niya sa akin saka pumasok sa loob ng starbucks kasama ako. "Isang capuccino po." Pag-oorder ni bakla.
Tumingin-tingin naman ako sa paligid kung ano ba ang itsura ng starbucks. At hindi ko inaasahan na makikita ko si Yumi na kasama ang kaibigan nito na si Keila.
Tinapik-tapik ko naman si bakla at humarap naman siya sa akin at itinuro ko sina Yumi at Keila.
"Bakla, do'n tayo sa tabi para marinig ko kung anong pinagsasabi ni Yumi." Hinila ko naman si bakla at nagtago kami sa malaking pot with plant and big leaves malapit sa table nila.
"Yumi, ba't hindi mo pa kasi pwedeng sabihin ang totoo sa kanila?" Naririnig kong unang pasalitang boses ni Keila kay Yumi.
Anong bang ibig-sabihin ni Keila na totoo?
Tinapik-tapik ko si bakla. "Jona, ang phone mo. Kailangan ko 'tong ma-record." pabulong kong sinabi.
Ibinigay naman ni Jona ang cellphone niya sa akin. "Kukunin ko lang ang in-order ko, ha?" paalam niya sa akin saka umalis.
In-open ko naman ang cellphone ni bakla pero... may PASSWORD! My gosh. Ano bang password nito? I-type ko na nga lang kahit anu-ano, malay mo ma-buksan ko 'tong phone na 'to.
Type Password:
KABAYOEnter.
Password Incorrect!
Busit. Ano bang password nito? Saan na ba si Jona? Kung saan na kailangan ko siya, e do'n pa siya mawawala.
Type Password:
INCORRECTEnter.
Password accepted!
Salamat. Mabuti na lang at natagpuan ang hinahanap na password. Hinanap ko ka-agad ang voice recorder at pinindot iyon. Nagsimula nang ma-irecord ang lahat ng sasabihing katotohanan mula kay Yumi.
"Ayaw ko pa munang sabihin ang lahat ng katotohanan kay Kevin dahil magkakaroon na naman ng malaking problema ito." banggit ng boses ni Yumi.
"Yumi, mas mabuting sabihin mo na lang keysa lumala pa ito."
Kaya nga, Yumi. Sabihin mo na lang, ang dami pang arte. Teka, ano ba 'yung sinasabi nilang katotohanan? Hindi ko ma-gets.
"Yumi, na sasayang na ang lahat ng efforts ni Kevin dahil sa mga pinang-gagawa mo. Wala ka bang balak talaga na sabihin ang lahat sa kanya?"
"Keila, huwag mo munang sasabihin sa iba ang nalalaman mo tungkol sa akin, ha?"
Nagulat ako ng pabulong nang biglang tumabi na sa akin si Jona, nakuha niya na nga ang coffee na in-order niya.
"So, ano na ang nangyayari, Pauma?" pabulong na untag niya sa akin.
"Hindi pa nila sinabasabi ang sikreto ni Yumi, e. Dami pang arte." pabulong 'din na sagot ko kay Jona.
"Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kevin pag sinabi kong hindi siya ang ama ng bata?" boses ni Yumi ang aking narinig na ikinagulat naming dalawa ni Jona.
Napatakip kami ng bibig sa sobrang gulat sa narinig. Hindi ako makapaniwala na hindi si Kevin ang ama ng bata.
"E, sino ba ang ama ng bata?" boses na untag ni Keila kay Yumi.
"Ang isa sa barkada ni Kevin... si Ced."
Mas lalo akong nagulat ni Jona sa narinig. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kevin pag sinabi ko ang lahat sa kanya ng katotohanan?
May forever nga ba?

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...