TBM 3

2.8K 57 2
                                        

TBM 3

Kevin's POV
May babaeng lumapit sa akin. "Sino siya?" Pagtatanong niya. It's none of her business.

"Pakelam mo," Sabi 'ko.

"You know, I will be your... fiance someday at sinumsumpa 'ko iyon," Sabay taas niya ng isa niyang kilay at nakapameywang pa.

"Hindi sa katagalan lalagyan 'ko na talaga ang dalawang mong boobs ng tali sa ibaba niyan, e. Parang balloon kasi. Sa susunod kung gusto mong makilandi sa'kin 'wag dito, dapat sa kwarto..." Sabay ngiti 'ko na may halong pang-aasar.

"Oh, I like that kind of guy, you're horny right?" Banggit niya.

"No, I'm Kevin." Pilosopo 'ko. Umalis na ako sa punyetang harap niya. Anong pinagsasabi ng babaeng 'yun? Horny daw ako? Kaya 'ko lang naman 'yun na sabi sa harap niya dahil naiinis ako sa landiang moves niya.

"Hey!" Humarap ako nang marinig 'ko ang sigaw niya. "Call me..." Nag hand shape phone siya na itinapat sa kanang tenga niya.

Tinuro 'ko naman ang sarili 'kong leeg ng dalawang beses at itinuro 'ko naman sa kanya.

"What?" Pagtataka niyang tanong.

"Nek-nek mo! Ulol!" Saka ko at tumakbo ng mabilis palayo sa kanya habang tumatawa ako. Dumeretso na akong tumakbo sa klase.

"Why are you late?" Tanong ng profesor namin sa science subject, ang first subject namin sa klase.

Suminghal na lang ako. Buong buhay 'ko hindi pa ako ginaganito ng mga guro dito sa University. Itong bagong guro lang ang nagalit sa akin. NEW, e.

Nakita 'kong may lumapit na estudyante sa kanya at naririnig 'kong binabalaan siya nito. Punyeta, ba't sa harap 'ko pa.

Humarap sa akin 'yun guro at nang hihingi ng paumanhin. "Sorry po. Sorry po talaga, hindi 'ko po kasi alam na kayo ang may-ari ng mansyon sa St. Boulevard 'yun pinakamalaking mansyon. Parusahan niyo na lang ako—" I raised my right hand kaya tumigil siya sa pagmamakaawa.

"You're fired," Simple lang ang sinabi 'ko.

"Teka, hindi kayo ang pwedeng magsabi sa akin ng ganyan. Hindi kayo ang may-ari ng school para pasisantihin ako,"

"Sa amin ang lupa ng school at hawak namin ang titolo at documents nito," Sabay ngiti 'ko. "Mag impake ka na. You're fired," Pag-uutos 'ko. Lumabas naman siya sa klase. Mukhang nagulat ang buong 3rd Year College Room A sa ginawa 'kong mabuti. Teka, mabuti ba?

Mukhang nagkakasiyahan na ang buong klase pagkatapos 'kong sesantihin ang guro namin. Tinawag 'ko na 'din ang mga barkada 'ko para yayain sa lagi naming pinupuntahan, ang basement kung saang walang tao. 'Dun ginagawa ng mga barkada 'ko ang mga kababalaghan dati. Katulad 'nun ininvite nila ang isa sa mga estudyante ng 4th year college na babae at may ginagawang pagnanasa sila nito, pero ako balewala lang pinapanood 'ko na lang sila na ginagawa ito.

"Kevz, anong ginagawa natin dito? May pag-uusapan ba tayo?" Tanong ni Ric.

"Kung may chicks man dito, handa na ako," Banggit ni Ced sabay bukas ng kanyang zipper sa pants.

"Gusto 'ko lang naman mapag-isa," Banggit 'ko.

"Gusto mo pa lang mapag-isa, e. Bakit mo pa kami sinama?" Tanong ni Ric.

"E, 'di umalis na kayo. Alis," Pagtataboy 'ko sa kanila.

"Kung makapaalis ka, wagas. Sayang lang ang pawis namin sa pag punta dito sa alikabok na basement na 'to," Sabi ni Ric sabay crossed-arms.

"Oo nga, at sayang lang ang pag bukas 'ko ng zipper. Wala pa lang chicks," Pag-iinarte ni Ced.

"Kasalanan 'ko ba 'yan kung bakit mo binuksan 'yan zipper mo," Natatawa 'kong sinabi. Sinarado niya ang kanyang zipper.

"Ay, oo nga pala may nabalitaan akong tsismis. Sino 'yun babaeng tinuro mong girlfriend mo, totoo ba 'yun balita?" Mukhang eager na tanong ni Ric. Kahit kailan talaga tsismoso talaga 'tong lalakeng 'to.

Humanap muna ako ng mauupuan 'ko bago 'ko sagutin ang tanong niya. Nang makahanap ako, umupo na 'din ako at sinagot na ang tanong niya. "Totoo," Simple 'kong sinabi.

"Ha!" Mukhang nagulat ang dalawa nang sinabi 'ko 'yun totoo. Naka-nganga pa sila dahil sa gulat.

"Pero, pagkukunwari lang 'yun. Babayaran 'ko lahat ng gusto niya para mapaniwala lang ang mga fans 'ko. Kasikatan 'ko sa school ang nakataya dito kaya kung mawawalan ako ng fans, mawawalan na 'din ako ng pera na nanggaling sa school. Binabayaran lang ako ng skwelahan dahil attraction lang 'daw ako ng teenagers," Pag-papaliwanag 'ko. Mukhang hindi sila makapaniwala sa paliwanag 'ko.

"Ngayon mo lang nasabi ang lahat ng sikreto mo sa school, ah?" Banggit ni Ric. Siguradong pag tsi-tsismisan na naman ako nitong lokong 'to sa ibang tao.

"Pero bakit ka pumayag sa plano ng school?" Tanong ni Ced.

"Sa kanila nanggaling ang mga baon 'ko at iba pa. Sa business naman ng parents 'ko ang nanggaling ng kayamanan namin," Paliwanag 'ko ulit. "At walang makakatalo sa'kin, parang si Sic lang? 'Yun sa 'Lala Laitera?' 'Yun story niya sa wattpad," Dagdag 'ko pa.

"Ahhh... Kaya pala," Sabay nila dalawang sinabi.

"Ano nga 'yun title ng story?" Tanong ni Ric. Ayan tsismoso kasi na nababalitaan na uso na pala 'yun wattpad kaya nakikiuso na 'rin. Nilabas niya ang iPhone 5s niya at binuksan ang wattpad app.

"I-type mo na lang ang username ng author, ang username 'nun 'owwSIC' tapos, hanapin mo sa library niya ang 'Lala Laiter (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty).' Tapos, i-open mo 'yun," Paliwanag 'ko sa kanya.

"Okay, Dude. O, na open 'ko na," Tuwang-tuwa pa siya habang hawak-hawak ang kanyang iPhone 5s.

"Dude, isa lang 'tong mga tanong 'ko, paano sa isang buwan mahuhulog ang isip at puso niyo sa isa't isa?" Kutob ni Ced. Kahit kailan talaga nag che-change topic 'tong ulol na 'to, e. Tapos, grabe ang kutob.

"Never! Hindi mangyayari 'yun, dude. Grabe ka kung maka-isip ha," Sagot 'ko.

"E, dude. Pag nahulog na nga ang loob mo sa kanya tapos pag naging kayo na talaga, 'yun official na kayo na dapat hihiwalayan mo siya," Pag de-dare ni Ric habang nakatutok pa 'rin sa iPhone 5s niya. Binabasa pa yata 'yun istorya ni owwSIC.

"Pag nagawa mo 'yun, makakakuha ka ng isang milyon na galing sa aming dalawa," Dumagdag pa si Ced. Mas lalo pang madadagdagan ang yaman 'ko.

"Agree. Deal. Okay. Payag ako sa desisyon mong 'yan," Pagsasang-ayon 'ko.

"Iipunin namin 'yan ni Ric ang isang milyon. Okay ba, Ric?" Humarap si Ced kay Ric.

"Oo, sige-sige. Payag ako," Sabay halakhak niya habang nakatutok pa 'rin sa iPhone 5s niya.

"Payag ako niyan. Usapan natin 'to, ha? Wala dapat makalimot. Para sa isang milyon niyo 'to na ibibigay niyo sa'kin, pag hiniwalayan 'ko ang babaeng 'yun," Nakangiti pa ako sa sinabi 'ko. Tutal, parang tanga naman 'yun babaeng 'yun, e. Madaling mauto pero nalilito lang siya. Enebeyen.

"Pero, dude. Sa kalaking-laki ng Univerdity dito, p'ano mo siya mahahanap?" Tanong na naman ulit ni Ced.

Napaisip ako. I snapped. "'Yun sapatos na naiwan niya. Kinuha 'ko tapos, nilagay 'ko sa bag. Gagamitin 'ko 'yun para mahanap 'ko siya. I-aanounce 'ko ito sa buong University!" Tuwang-tuwa 'ko pang sinabi. Ang galing 'ko talaga. Nagsipalakpakan naman ang dalawa 'kong barkada.

"Ano ba! Tigilan mo nga ako! Ba't mo ako sinasaktan?!" Sigaw ng isang babae na nanggaling sa taas.

"Ano 'yun?" Isa-isa naming tanong. Agad naman kaming nag unahan umakyat sa hagdan palabas ng basement. Ako ang na last dahil nauna si Ced.

Naririnig 'ko ang mga sigawan nila. "Aray 'ko ang sakit!" Nakita 'ko na lang na nag sabunutan ang dalawang babae. Nakita 'ko 'yun babaeng naturo 'ko sa stage kaninang umaga na nakikipag-sabunutan sa nakipag-usap sa akin na babae kanina.

Sinampal niya 'yun malanding nakipag-usap sa'kin kanina. Kitang-kita 'ko na nagkakaguluhan na ang mga estudyante pati na 'din ang mga teachers.

"How dare you!" Sigaw niya habang hawak-hawak niya ang kanyang kaliwang pisngi.

Anong gagawin 'ko nito?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon