TBM 37

544 8 0
                                        

TBM 37

Kevin's POV
Nang dito na kami ngayon sa evacuation center. Higit siyamnapu't isa ang nadamay sa sunog. Mabuti na lang at nakaligtas kaming dalawa ni Joshua sa pagkakulong sa loob ng bahay. To the rescue agad si Pauma at sinira ang pader ng kuwarto.

Tinawagan ko naman si Mom at agad naman itong sumagot sa linya. "O, Kevin? Ba't napatawag ka? Kamusta na ba kayo diyan?"

"Mom, nasunugan po kami dito. Dinamay pa ng sunog ang bahay namin, mabuti na lang at nakaligtas naman kami rito." sagot ko.

"Naku, mag-ingat ka diyan, ha? Magpapadala ako ng pera diyan, e asan ba 'yan lugar niyo?"

Sinabi ko naman ang address kay Mom. "Bibisitahin niyo po ako, ha? Pag may oras po kayo."

"Sige. Mag-ingat ulit kayo."

"Mom, hinahanap po ba ako ni Yumi?" pag-iiba ko ng usapan.

"Actually, nang dito nga sila ngayon sa mansyon, e. Kinakausap nila ang Dad mo tungkol sa kasal niyo after two years." sagot ni Mom. "Magpakalayo-layo kayo ni Pauma." dagdag pa niya saka pinatay ang tawag.

Pinasok ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko saka lumapit kay Pauma. Sinabi ko sa kanya na parang patuloy pa 'rin sa paghahanap si Yumi sa amin. Ayaw ko pa kasing sabihin sa kanya ang totoo dahil ayaw kong masira ang relasyon namin.

"Hinahanap na ng mga pulis si Kevin Lee dahil raw sa nawawala ito. Ayon raw sa mga pamilya nito, kung sino raw ang makakakita kay Kevin Lee ay bibigyan ng isang reward na five hundred thousand pesos. Kaya kung sino man ang makakahanap, i-text lang ang 09*******13. Maraming salamat po." balita sa radyo na malapit lang sa inuupuan naming banig.

Mabuti na lang at hindi pa ako nakikilala ng nga tao rito sa lugar na 'to.

"Paano na 'to, Kevin. Hindi pwedeng maputol ang relasyon natin. At saka hindi ka naman nawawala, ah? Tumakas ka lang naman at nagsama tayo. Kevin, huwag kang sumuko, please?" pag-aalala ni Pauma.

"Hindi ako susuko. Hinding-hindi kita iiwan." niyakap ko naman si Pauma.

"Pauma, sira na yata 'tong tsinelas ni Joshua. Kailangan mong bumili 'dun sa tindahan." pag-uutos ni Inay kay Pauma.

Bumitaw nama sa pagyakap si Pauma at tinanggap ang bente pesos na ibinigay sa kanya. Tumayo naman siya at lumabas na.

Naging evacuation center nga pala ang isang eskwelahan dito sa lugar na 'to. Walang maayos na evacuation center ang aming matitirahan ngayon. Mahigit na limang daan pataas ang pamilyang nasunugan, isang patay at sampung sugatan. Parang naging reporter na ako dito, ah? Haha!

"Kevin, nawawala ka ba talaga?" seryosong untag ni Itay palapit sa akin. "Kaya mo ba nakita si Pauma at nahulog ang puso mo sa kanya?"

Umiling lang ako ng dahan-dahan. "Pasensya na po, Itay dahil may dapat kayong malaman sa aking sasabihin..."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" pagtatakang untag niya.

"Iniwan po namin ang aming pag-aaral sa Maynila. Nagtanan po kami ni Pauma dahil sa may isang assuming na babae ang nakigulo sa relasyon naming dalawa na ipapakasal po ako pagkatapos po ng dalawang taon." paliwanag ko.

"Ba't hindi ka sumuko?"

"Dahil mahal na mahal ko po ang anak niyo at kaya ko po siyang ipaglaban sa isang babae na nakikisali sa relasyon namin." sagot ko. "Ang isang lalaki ay hindi dapat madaling sumuko kung sakaling may isang problema. Every problems have a solution so you can answer it."

"Kakaiba ka, ano? Ang dali mong maka-isip ng quotes." natatawang banggit ni Itay.

"Kuya, huwag na huwag mong gawing kabit si ate Pauma, ha?" pagsasali ni Joshua na hindi ko pala namalayan na lumapit na pala sa akin.

"Hindi. Walang tao ang ipinanganak na gustong maging kabit at alam ko iyon dahil alam ko ang mga linya ng mga kabit sa pelikula. Haha!" natatawa kong sinabi.

"Paano ba nagsimula ang love story niyo ni Pauma, ha?" untag ni Itay.

"Mahirap pong ipaliwanag ang love story namin sa isa't-isa dahil biglaan lang po ang relasyon namin. Noong una po ay isa po akong masamang tao at nagbago na po ako nang dumating si Pauma sa buhay ko."

Tumango si Itay. "Sige. Tulungan mo muna ang Inay sa pagsasaing 'dun sa labas" pag-iiba ng usapan si Itay.

Kaya naman ay tumayo ako at isinuot ang tsinelas at lumabas ng eskwelahan. Nakita ko naman si Inay na nagsasaing. "'Nay, tulungan ko na po kayo diyan."

"Ay, sige. Mag-iigib muna ako ng tubig para mamayang gabi." pag-papaalam ni Inay.

Ako naman ang nagbantay ng sinasaing niyang kanin. Binuksan ko naman ang kaldero pero ordinaryong kanin lang ang nakikita ko. Para ma-iba naman, kinuha ko ang itlog ni Itay este, ng manok 'dun sa dinadalang nag-iisang manok ni Itay na nakaligtas sa sunog at bagong itlog pa lang. Kumuha naman ako sa tinatanim ng eskwelahan o vegetable garden nila ng dahon n sibuyas at onion. Pinirito ko ang itlog at hinti naman ang dahon ng sibuyas at onion. Dinurog ko naman ang kanin at inilagay ang ingredients sa kanin.

BOOM!

Ang sarap sa ending. Masarap ang ginawa kong bagong kanin. Actually, inimbento ko lang naman itong putahe na 'to. Haha.

~

Tapos na sa pag-iigib ng tubig si Inay kaya sumabay siya sa amin nina Itay at Joshua na kumain.

"Wow! Kuya, ang sarap naman 'tong niluto mo." masayang banggit ni Joshua.

"Konting prayers na, ha? Simula ngayon." ani Itay kay Joshua.

"Teka, saan nga ba si ate Pauma?" pagtatakang untag ni Joshua.

"Oo nga, saan ba siya?" untag 'rin ni Inay.

"Actually, dapat kanina pa siya nang dito, e hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik, e." sabi ko naman.

"Babalik 'din 'yun. Sige na, kain na tayo." ani Itay.

Pero bago kami kumain ay nagdasal muna kami, pero thia time, short prayers na lang ang dinadasal ni Joahua about foods.

Kumain na kami. Hindi na namin kailangan pang bumili sa labas ng pagkain dahil nakahanap naman ako ng paraan. 'Yung credit card ko naman ay nasali sa sunog kaya hindi ako makakabili gamit iyon muli sa mall.

*RIIIING!*

Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at hindi ko na pinansin kung ano ang pangalan o number nito at dire-diretsong tumawag.

"Excuse me lang po." sabi ko kay Inay, Itay at Joshua. Tumayo naman ako at lumabas ng classroom- kung saan kami natutulog ngayon. "Hello?" pagsagot ko sa tawag.

"Siguro, nagtataka ka na ngayon kung bakit hindi umuwi si Pauma?" sagot nito. Kilalang-kilala ko ang boses nito. "Isang oras ang byahe patungong Maynila."

"SAAN SI PAUMA? SAAN MO SIYA DINALA?!" sigaw ko.

"Calm down, Kevin. Hindi ko naman sasaktan ang syota mo." kalmadong niyang sinabi.

"Yumi? Yumi Yeawhu?" paghuhula ko.

Sana walang mangyaring masama kay Pauma...

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon