TBM 26
Pauma's POV
Nang matapos kaming mag asaran, bolahan at kwentuhan ni Drake, umalis na siya dahil may gagawin pa siyang trabaho sa bahay nila."Friend, parang close na close na kayo ni fafa Drake, ah? Anong pinakain mo sa kanya habang bumibisita siya sa 'yo sa mansyon?" banggit ni kabayo na talagang inabangan pa ako sa harap ng kwarto ko kung lalabas ba ako. Ayun, malapit na siyang matumba nang buksan ko ang pinto kanina sa pag labas namin ni Drake.
"Wala naman akong pinakain 'dun. Sadyang naging close lang kami nang magsimula kaming nagkakilala sa kalsada..." paliwanag ko.
(PLAY MAHAL KO O MAHAL AKO BY KZ TANDINGAN)
"So, ano na? Nakiki-epal ba diyan si... destiny?" pang-aasar niya sa 'kin.
"Ano ka ba. Walang destiny na nangyayari, 'no? At saka isa pa, hindi ko naman siya gusto..." natatawa kong sinabi.
Tinuro ni bakla ang ngiti ko. "'Yan, 'yan ngiting mong iyan parang may pakipot na nahahalo, ah? Nagsisinungaling ka ba sa akin na wala kang gusto kay fafa Drake?"
"Ano ka ba..." maharot kong banggit. "Hindi kaya. Wala akong gusto sa kanya." natatawa kong sabi.
"'Wag ka nang mag maang-maangan pa. Alam ko na 'yan. So, paano na si Kevin? Mahal mo ba siya?"
"Syempre. Malamang, mahal ko siya. Kaya nga naging kami di ba?"
"Si Drake gusto ka niya, ikaw naman gusto mo si Kevin, e si Kevin kaya may gusto sa 'yo? Aber?"
Napaisip na lang ako sa sinabi ni kabayo. What if kung hindi nga ba ako minahal ni Kevin? Sayang si heartie, nasaktan lang na parang napunit na papel. Ano ba itong iniisip ko, remember may fake relationship lanf kayo ni Kevin at hindi pa ito alam ni bakla. Ginagamit lang ako ni Kevin as a panakip butas sa problema ng kanyang fans. Ngayong alam na nila na ako ang girlfriend ni Kevin, hindi na nila pinagkakaguluhan si Kevin.
"Maybe. Baka. Oo?" sagot ko.
"Is that a question?" nakataas pa ang isang kilay ni bakla. Kinakabahan naman ako sa sasabihin ko. "Dibale na nga, friend. Mag sasaing lang ako, ha?" saka umalis na si Jona patungo sa kusina.
♪Sino ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko? O siya bang kumakatok sa puso ko? Oh ohhh... Ano pa-iiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Nalilitong, litong, litong, lito... Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?♪
Letseng background music na 'to. Pa-epal pa sa problema. Syempre ang pipiliin ko ay ang mahal ko. Kasi, sa kanya ko binuhos at ipinakita ang buong pagmamahal ko. Pero, masasayang lang kaya ang lakas ko sa pagmamahal sa taong iyon? Haist. Pag-ibig, nakiki-epal pa sa buhay ng tao kung saan magkakaroon ng malaking problema.
Kevin's POV
Nakakulong lang ako sa loob ng aking kwarto. Nagmukmok lang ako sa up left corner ng kwarto ko. May nakita naman akong maliit kong laruan na niregalo sa akin ni Dad noong na sa Amerika pa siya. Inikot ko ang maliit na susi sa likod nito at nagsimulang maglakad. Natuwa ang aking kalooban habang nakikita kong naglalakad ng mag-isa ang aking laruang robot. Pero agad itong nabunggo sa pader at natumba. Parang laruang robot ang aking problema, masayang naglalakad hanggang sa nakita ang problema at nabunggo dito at mukhang hindi na ako makakatayo pa.Tumayo ako at umupo sa harap ng aking bukas na bintana at pinagmasdan ang ihip ng hangin. Ang lamig ng hangin pero agad naman itong tumigil. Nawala ang hangin. Parang problema ko 'rin, masaya sa una hanggang sa huminto ang saya at hinarap ang problema. Nakuha mo?
LOVE is in the air. Ika nga sa lyrics ni Daniel Padilla. Hampasin ko kaya sa kanya ang hangin? Tingnan mo, masasaktan 'din iyan.
Tumingin naman ako sa kalangitan. Nakikita ko ang mga ibong lumilipad sa ligaya. Ang saya nila. Sana naging ibon na lang ako upang maligaya ako sa kasiyahan, hindi ko mahaharap ang problema.
But some birds get caught and take care of them by the humans and get dead because some of the birds get suicide when they don't take the situation.
Ano kaya kung mag su-suicide 'rin ako? Malabong mangyari iyon. Dahil wala ng hero sa istorya na 'to. Hindi ko naman 'din nakakaya ang sitwasyon kong 'to. I have a two choice, mag papakamatay ako o itatanan si Pauma.
"We can break each other if she touches the clouds in the sky." sabi ko sa sarili kong nakangiti.
Mahaba pa ang aakyatin naming bundok bago niya mahawakan ang mga ulap sa kalangitan.
Narinig kong kumatok si Mom sa pinto. "Kevin, can I come in?" hanggang sa dire-diretso lang niyang binuksan ang pinto.
"Sinabi ko ba, na pumasok ka?" strikto kong sinabi.
"I'm sorry dahil hindi ko pa hinintay ang sagot mo." ani Mom. "I should leave." akmang lalabas na sana siya.
"You can stay. Alam kong may gusto kang sabihin sa akin." pagpipigil ko sa paglabas niya.
Bumalik naman siya at umupo sa kama ko. "I know na naiinis ka sa sarili mo dahil ginawa mo iyon kay Yumi. Pero tapos na ang nangyari. Pero hindi ako makakapayag na papakasalan mo si Yumi."
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
"I mean, sobrang sama na ng ugali ng Mayor na 'yun. Dati akong biktima at ginawa niya akong katulong. Ilang biktima na ang naging kasambahay niya."
"Bakit?"
"You know why? Because of being unrespectful in front of him. Tinaasan ko siya ng boses dahil muntik niya na akong ma-rape nang mag-usap kami sa park ng gabing iyon. Natakot ako pero binantaan niya ako na pag susubong daw ako sa pulis papatayin niya 'raw ako. Mabuti na lang to the rescue si Dad mo pero, nakulong ang dati mong Dad dahil binintangan siyang magnanakaw, e wala naman 'yung koneksyon. Wala namang ninakaw ang Dad mo. At ako 'rin ay ginawa niya akong bilang kasambahay niya." kwento ni Mom. "Siguro, pag nag pakasal na kayo ni Yumi after two years ay pahihirapan ka nila. Ayaw kong ikaw ang susunod sa Dad mo."
Lumapit ako kay Mom at umupo na 'rin sa tabi niya. "What should I do?" tanong ko.
"Magtatanan kayo ni Pauma."
Nagulat naman ako sa sagot ni Mom. Hindi ako makapaniwala na mismong ina ko ang nagsabing magtatanan kami ni Pauma. "How about you, Mom? Paano ka na?"
"Ako na ang bahala dito. Ako na ang haharang sa problema na dapat mong takasan." sagot ni Mom. "Maghihiganti tayo sa tatay ni Yumi. I will make him down."
"Maraming salamat sa pagtulong niyo, Mom." nakangiti kong sinabi at agad ko siyang niyakap.
"May two years pa kayong pagsasama pero pahabain niyo ang pagsasama niyo. You deserve to be free, Kevin." banggit ni Mom.
Be free...
![](https://img.wattpad.com/cover/35977340-288-k164750.jpg)
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...