TBM 15

797 23 0
                                        

TBM 15

Pauma's POV
Sa harap ako ng gate ngayon samansyon ng mga Yaewhu. Nakatayo lang ako habang bibit ang bag kong puno ng gamit. Parang dinala ko yata ang buong condo, ah? Sobrang bigat kasi ng bag ko.

Biglang umatras 'yun gate. Nakita kong naglalakad na nakangiti ang mag-amang Yaewhu.

"Dad, our maid is here na." Nakanguting binanggit ni Yumi habang nakatingin sa akin ng taas kilay.

Wala akong magawa kung 'di ay tumahimik lang. Pag sasabat kasi ako, siguradong maging impyerno ang buhay ko. "S-sir..." I vowed.

"Ms. Axes, welcome... to hell." Nakangisi si letse, si Mayor. Ano 'to? 'Class 3-C Has A Secret?', nakiki-uso si Mayor, ah.

"Pumasok ka na. Nangangalay na 'yun legs ko." Umarte si Yumi. Kung pwede lang sana asarin si Yumi na nilalangaw 'yun legs niya dahil ang baho ng ano niya, kaso hindi ko magawa, e.

Nung tumalikod ang dalawang mag-ama, inirapan ko silang dalawa. Papasok na kami sa mansyon nila. Grabe, ang laki. Parang haunted house na.

"Ito ang buong mansyon ng mga Yaewhu..." Panimulamg salita ni Mayor. "Lahat dito ay dapat mong linisin."

"Pero, sir. Di ba po ang sabi niyo na sisilbihan ko lang po ang anak niyong inggrata?" Nagulat ako sa na sabi ko at agad kong tinakpan ang aking bibig.

"Ano sabi mo?" Humarap sa akin si Mayor.

"May langaw lang pong nakapasok sa bibig ko. Hehe." Tinanggal ko ang pagkatakip ko sa bunganga ko at nag peace-sign kay Mayor. Pinatuloy niya naman ang kanyang sinasabi.

"Sige, sisilbihan mo ang aking anak hindi na kasali 'dun ang paglilinis sa buong mansyon pero..." Umubo muna si Mayor bago itutuliy ang sasabihin. "Pero, dipende lang sa sasabihin niya..." Deretso nang umalis si Mayor.

Kaming dalawa na lang ni Yumi ang sa loob ng mansyon. Sayang pa naman ang effort ni Mayor sa pagto-tour.

"Start cleaning my bed." Tinaas pa ni Yumi ang kanyang kanang kilay saka umalis.

Ngayon, ako na lang ang mag-isa. Tangina naman, o. Ba't mahilig silang mang-iwan?

"Yumi!" Hinabol ko si Yumi. "Yumi!"

"What?!" Humarap siya sa akin na may dalang pag-iirita.

"Saan ba 'yun kwarto mo?" Simple kong sinabi.

"Lumiko ka sa kabila, 'yun banda 'dun tapos makakakita ka ng portrait ko. Tapos, lumiko kanaman sa kabila, pagnakita mo 'yun pinto na color pink papasok ka, kwarto ko 'yun." Seryoso niyang sinabi. "Before you go to my room. Please, take a bath first." Nang snob pa siya at tumalikod sabay flip ng kanyang buhok. "Maids! Isakasuhin niyo 'tong hampaslupa na 'to!" Dumeretso na siyang lumakad.

Marami namang mga kasambahay ang umasikaso sa akin at kung saan-saan pa nila ako dinala sa loob ng mansyon. Ba't ba kasi ang laki ng mansyon nila? Mas malaki pa 'to kaysa sa bunganga ni kabayo.

"Ito nga pala ang kwarto mo." Sabi ni Manang Jijay sa akin.

"Kwarto ko po 'to?"

"Bakit? May problema ka ba sa kwarto mo?"

"E, parang bahay ng baboy 'to, e."

"Tse, nagpaparinig ka talaga." Sabay tawa ng maikli ni Manang. "Sige na. Asikasuhin mo na ang sarili mo." Umalis na si Manang sabay sinarado ang pinto.

Naglibot-libot ako sa maliit kong kwarto. Tinignan ko ang mga lumang gamit sa loob nito. May nakita akong isang frame na may picture ng isang baboy. "Nagpapatawa ba sila?" Sabi ko sa sarili ko.

Binuksan ko na 'yun dala-dala kong maleta at bag. In-arrange ko na ang mga gamit ko sa loob ng kwarto ko. I even put some picture frames na may picture sa table. Nag lagay na 'rin ako sa taas ng table sa gilid ng kama na... ringing bell, ano ba ang tawag dito... alarm clock?

Ang mga pang-suot ko naman ay nilagay ko na 'rin sa lumang cabinet na nasa gilid ng kama ko. Kinuha ko na 'rin sa bulsa ko ang pitaka kong piso lang ang laman.

Nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Pauma, pwede bang pumasok?" Boses ni Manang Jijay.

"Pasok lang po."

Pumasok naman si Manang Jijay na may dala-dalang uniporme ng katulong. "Ay, ito nga pala ang uniporme mo. Susuotin mo 'yan, ha? Pag hindi mo kasi 'yan susuotin, magugulat si Sir sa attire mong 'yan. Parang... parang buntis ka kasi, e sa damit mong 'yan, pang nanay!"

"Judge ka ba o mayordoma?" Napataas ako ng kilay. Natawa naman ng konti si Manang.

Binigay na ni Manang ang uniform at lumabas na. Halatang mayordoma kasi 'yun si Manang, iba ang uniporme 'nun, e.

May kumatok na naman. This time, ako na naman ang nagbukas ng pinto. Si Manang Jijay na naman. "Pauma, may humahanap sa'yo sa labas."

Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Nakita ko si Drake na nakaupo sa sofa ng sala. Nakita niya ako at agad siyang tumayo.

"Pauma, sinaktan ka ba ni Yumi? Anong ginawa niya sa'yo?" Hinawak-hawakan niya pa ang pisngi ko.

"Ano ka ba? Inaayos ko pa ang gamit ko, 'no. Grabe ka mag-isip, ha? Kinikilig tuloy ako sa pag-alala mo sa akin." Napatakip ako ng bibig dahil sa bigla kong na sabi sa kanya.

"Kinikilig ka?" Napangisi siya.

I blushed. "H-hindi..." Tinanggal ko ang kamay ko sa pagtakip ko sa aking bibig.

"Kinikilig ka, e. Nag ba-blush ka, o." Napatawa siya ng malakas.

"Hindi nga ako kinikilig, e. Ano ka ba..." Parang na-iirita na ako sa kakakulit niya. Actually, kinikilig talaga ako. Hehe.

"Kinikilig ka talaga, e." Patuloy pa 'rin siya sa pangungulit sa akin.

"Hindi nga sabi, e-"

"What are you doing here?" Lumingon kami ni Drake sa gilid dahil sa may sumira sa moment namin.

"Ah... Yumi, si Drake. B-bestfriend ko..." Nahihiya kong sinabi.

"I don't care if he is your friend." Sarkastiko niyang simabi sa akin at humarap naman siya kay Drake na nakataas pa ang kilay. "Alam mo bang bawal bumwisita sa mga katulong dito?"

"Y-Yumi, gusto ko lang naman kamustahin si Pauma."

Ngumiti ng malademonyo si Yumi. "No one breaks my rules in here." Seryoso niyang sinabi.

Eww, akala mo kung maganda.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon