TBM 42
Pauma's POV
Nagulat na lamang si Yumi sa aking sinabi. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko na magkapatid kami. Oo. Magkapatid kami, iisa lang ang aming ama, nalaman ko 'to dahil sa nakita kong picture na nahulog lang mula sa lamesa sa loob ng kwarto ni Mayor n'ong nagtatrabaho pa ako dito. Peste, hindi ko mapigilang lumuha."Hindi totoo iyan. I don't believe you." Naningkit na ang kanyang mata sa kanyang binanggit.
"Yumi, maniwala ka naman sa akin, o." mangiyak-iyak kong sinabi.
"HINDI KITA KAPATID! KAHIT KAILAN, HINDING-HINDI KITA MATATANGGAP!"
"Anong nangyayari dito?"
Napalingon naman kami sa hagdan at nakita si Mayor, ang ama ko na kasama si Manang Jijay na kakalabas pa lang ng kusina.
"What did you just do to my daughter?" nagagalit niyang untag sa 'kin.
"Dotor? Anong ginawa ko sa dotor mo?" Peste, dotor ba o doter? Nalilito ako sa pronunciation 'nun, e.
Nagkunwari namang umiiyak si Yumi upang mapaniwala ang ama nito, ang ama ko. Agad naman siyang tumakbo kay Mayor at niyakap ito.
"Dad, sinaktan niya ako! Nagkunwari pa siyang kapatid ko siya." Mahigpit niyang niyakap ang ama.
"Pauma!" Lumingon naman ako sa aking likuran at nakita si Jona na kasama sina Inay, Itay at Joshua.
"Sinong nagsabing pumasok kayo dito?" nagagalit na itinuro ni Mayor ang pamilya ko.
"Huwag kang ganyan sa pamilya mo, 'Tay!" banggit ko nang makaharap ako sa kanya.
"What do you mean? Porquet na, na-aawa lang ako sa 'yo, anak na agad kita?" untag niya sa 'kin.
Humarap naman ako sa ama ko. "Hindi!" malakas kong sagot.
"Reonaldo?"
Napalingon naman ulit ako sa kinatatayuan ng pamilya ko nang dahil sa binanggit ni Inay.
"Nonita?" hindi makapaniwalang untag ni Mayor. Dahan-dahan naman siyang lumapit kay Inay. "Hindi kita nakita—"
"N-no'ng nagkaguluhan na na ang mga tao nang dahil sa gyera—"
"T-tapos, nagkahiwalay tayo. N-na bitiwan ko ang kamay mo nang sumakay ako sa tricycle dahil tatakas na tayo sa mga sibilyan—"
"Tapos, t-takbo ako ng takbo no'n habang hinahawakan ko ang anak natin na si Pauma—"
"Sorry." paumanhin ni Itay.
"Paumanhin 'din sa 'yo. Hindi na matutuloy pa ang love story natin dahil humanap ka ng iba at i-iyon ang ipinalit mo sa 'kin. 'Yung mukhang ipis na 'yun!" Itinapat ni Inay ang kanyang kanang kamay at mukhang iiyak siya. "Ibinigay ko sa 'yo ang lahat upang maging masaya ka! Sinayang mo lang 'yun!"
"Sorry sa lahat nang nagawa ko sa 'yo. Humihingi ako sa 'yo ng patawad." Lumuhod sa kanya si Mayor, ang asawa ng Inay ko.
"Hindi na ulit tayo magiging masaya pa dahil pupunta na ako ng Korea kasama ang mga anak ko, ilalayo ko na 'din sa 'yo si Pauma." diin na sinabi ni Inay. "Nang magsimulang nawala ka sa buhay ko, may isang tao pa 'din pala ang magpapasaya sa akin at iyon ang bagong asawa ko."
"Pasensya na sa mga kasalanang nagawa ko please, Nonita."
"PASENSYA? PUTANG INA, REONALDO! ILANG TAON KO IYON ITINIIS NANG MAGKAHIWALAY TAYO. HINDI MO NARARAMDAMAN KUNG GAANO KASAKIT ANG PINAGDAANAN KO NANG MAGSIMULANG NAWALA KA!"
"Bitter alert." Napa-irap na sinabi ni Yumi sa tabi ko.
"Desperada alert." parinig kong pang-aasar sa kanya.
"Kaya nang dito ako para sunduin na si Pauma. Dito pala nagtatrabaho ang anak ko sa 'yo? Ginagawa mo siyang alila, wala ka palang hiyang ama." Humarap naman sa 'kin si Inay. "Tara na, Pauma. Huwag ka na magtatrabaho dito."
Sumunod naman ako kay Inay pero bago pa man 'yun may sinabi naman ako kay Yumi. "Narinig mo ba 'yun, Yumi? Kabit lang ang nanay mo, anak ka ng kabit." sabay ngiti ko nang nakaka-asar saka tuluyang sumunod kanila Inay.
Kevin's POV
Mabilis ang pagda-drive ko ng kotse, dahil na iinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang itsura ng pamilya ko pag naghirap kami. Bwisit kasi 'yung chinese na 'yun, bigla-bigla na lang pumasok sa problema.Na-isip ko ang isang milyon na pinag-usapan namin nina Ced at Ric. Wala na lang akong choice kung 'di ay...
Sundin iyon.
Siguradong masasaktan ako at mas lalong masasaktan 'din si Pauma. Mas lalong sigurado ako na mapapakasalan ko si Yumi at mukhang matutuwa ito. Pero, sa loob ng puso ko, hinding-hindi ko kaya na maghihiwalay kami ni Pauma. Pero, kailangan kong gawin iyon upang makuha ang isang milyon na pinagusapan namin ng mga barkada ko at gagamitin ang perang iyon upang makapunta kami sa America at ang kalahating iyon ay ibabayad sa renta ng building at nagpapatayo ng bagong pangalan ng business.
*BEEP! BEEP!*
Umiwas ang kotse ko sa dumaan na malaking truck. Lumiko ang kotse ko sa isang buhangin at huminto. Sinapak ko naman ang manibela sa sobrang inis ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit dire-diretso ang pagda-drive ko, nagising na lang ako nang mag preno kanina ang isang malaking truck.
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba kung ano ang mangyayari sa hiwalayan namin ni Pauma? Hindi ko kaya 'yun. Minahal ko si Pauma kahit hindi naging kami. Peke ang aming relasyon pero may nararamdaman ako sa kanya at siguradong may nararamdaman 'din siya sa 'kin.
Iniandar ko na ang makina ng aking kotse at pinatuloy ko ang pagda-drive. Hindi ko maalis sa aking isipan ang pinagsamahan namin ni Pauma.
Nagsimula ang lahat nang dahil sa pagturo ko sa kanya sa entablado kung saan nagkakaguluhan ang mga fans ko. On school or off school man, feeling ko parang kami na talaga ni Pauma. Pero, ba't siya pumayag na makipagtanan? Siguro, sinagot niya na ako kahit hindi ako nang ligaw. Labo.
Nang makarating ako sa tapat ng mansyon ng mga Yaewhu, lumabas naman sa gate ang isang pedicab at nakita ko sa loob na nakasakay nito ay si Pauma at ang pamilya nito. Nagtataka ako kung ano ang ginagawa nila sa mansyon ng mga Yeawhu.
Pinasok ko naman ang kotse ko sa garahe at bumaba ng kotse ko. Pero, bago ako bumaba ng kotse sinigurado kong nakasarado ang pinto at naka-lock ito ng mabuti. Pumasok naman ako sa mansyon ng dahan-dahan.
"Ba't palagi na lang ako minamalas? Ba't anak lang ako ng isang kabit? Hindi ba siya na kakarma? Dad, please explain this to me!" sigaw ni Yumi sa harap ni Mayor.
Heto na, mag-iiyakan na naman.

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...